Hello po sa lahat ng masusugid kong mambabasa dito sa Wattpad! May bago po akong ginagawang story tungkol kay Candice. Si Candice yong girl na na-involve kay Stephen. Sa hindi pa nakakabasa ng book ni Stephen, entitled Shattered Stephen, doon niyo siya mababasa. Nagandahan kasi ako sa character ni Candice dahil sa kakaiba niyang pagkatao kaya ginawan ko siya ng kuwento.
Sana ay mabasa ninyo pag may oras na kayo. Tungkol yon sa mga babaeng dumanas ng karahasan, ang pagmamalasakit ng mga tunay na kaibigan, at ang paglilingkod ng tapat.
It's a very challenging story for me. Susubukin ko ang magsulat nang mas malalim na tema, makabuluhang kuwento, at siyempre yong may kapupulutan kayong aral. That's all I can promise. So, see you there!
a.k.a. candice https://www.wattpad.com/story/111075172-a-k-a-candice
Si Clarissa Martinez ay nagbalik sa Pilipinas. Sa kaniyang pagbabalik ay nagpalit ng pangalan bilang Candice Peralta. Muli ay nag-krus ang landas niya at ng dating humalay sa kaniya, si Apollo Valenzuela na dati rin niyang kasintahan. Ang pagkikitang iyon ay humantong sa karumaldumal na trahedya. Pinatay nga ba niya ito upang paghigantihan o dala ito ng kaniyang kapansanan?
Kilalanin ang mga taong tutulong sa kaniya. Ang mag-inang Barranda na handang mag-sakripisyo maihaon lang ang kaniyang sarili. At ang rape victim din na si Atty. Florence Velasco, ang kaniyang magiging tagapagtanggol sa ngalan ng hustisya. Kilalanin din ang forensic psychologist na tatayong expert witness sa kaniyang kaso. Si Henry Alvares, ang hahamon at magpapatutuo ng kaniyang tunay na kalagayan.
Alamin ang hiwagang bumabalot sa madilim niyang katauhan dahil sa mga dinanas niyang matinding kalupitan at kasawian sa mga taong kaniyang minahal.
It matters not how strait the gate,
How charged with punishments the scroll,
I am the master of my fate,
I am the captain of my soul. - WILLIAM ERNEST HENLEY---
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.All Rights ReservedElla "BalatSibuyas" Maristela Copyright 2017
Visit my profile for more stories. Dios mabalos!
BINABASA MO ANG
Ang Huling Biyahe ni Ms. Beverly
RomanceSimple lang naman sana ang pangarap ni Beverly Llamado at iyon ay magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ang lalaking kaniyang mapapangasawa. Sa kasamaang palad, siya ay nabigo. Ito ang nagtulak sa kaniyang magtrabaho sa Amerika bilang isang reg...