New Year's Love Special

14.7K 234 26
                                    

A/N: Ang aking finale para sa holiday special nila Beverly and Stephen. Sana ay naging masaya ang inyong Pasko. HAPPY NEW YEAR po sa bawat isa!

(Credit of this video goes to it's owner.)

- BalatSibuyas 12-26-17

"Drop the last year into the silent limbo of the past. Let it go, for it was imperfect, and thank God that it can go." -Brooks Atkinson

" -Brooks Atkinson

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

___

DINALA kami nila Stephen at Tita Kaye sa isang vacation house sa Camp John Hay sa Baguio. Hindi ko inaasahan na dito nila kami dadalhin kasi raw mas mag-eenjoy kami dito kaysa kung sa hotel. This is something new for us and I like the idea. I love the smell of the pine trees and the surrounding is so green. This is so refreshing and relaxing.

Ganito na pala ang uso dito sa atin, yong mga magagandang bahay ng mayayaman sa probinsiya ay pinapa-rentahan. Mukhang magandang business ito at 'yong taga Manila naman ay may matutuluyang ganitong mga klaseng bahay. A great place for family and friends get together.

Sa entrada pa lang ng bahay ay talagang napamangha na kami sa ganda ng desenyo nito. Cabin style ang bahay dito, with a weather like this. Gusto ko rin nga sanang gawa sa kahoy ang bahay ko. Kakasawa na rin ang bahay na puro konkreto mainit kasi, kaso may kamahalan at mahirap magmaintain ng ganito.

Nanginginig sila sa lamig nang bumaba na kami ng sasakyan. Paniguro rin kami ng aming pananamit para hindi ginawin dahil nanunuot sa balat ang napakalamig na temperatura dito sa Bagiuo. Kahit na nga sanay na ako sa lamig ay gininaw pa rin ako. Anyway, may baon naman akong human blanket to warm me up.

Pagpasok namin ay sinalubong na kami ng mga staff. They were very friendly and accommodating. The place is cozy and warm inside. Parang nasa America lang ako nang makita ko ang fireplace. Kararating palang nga namin ay pinag-iisipan ko nang bumalik dito. I wish we could stay here for long.

May apat na bedrooms ang kinuha ni Tita Kaye na cabin house. Ang master's bedroom daw ay para sa amin ni Stephen, biro nila. How I wish! Sabi ko, Lunes muna bago Martes. And we all laughed about it. Sa halip, kami nila Alice at nang kambal ang nag-share doon. Sila Mommy naman at Tita Kaye ang magkasama sa isang kuwarto, at ang apat na boys ay pinagsama-sama na namin.  May isa pang room pa rin sa aming mga kasamang kasambahay.

Magtatanghali nang dumating kami. May dala na rin kaming pagkain for our lunch. Pagkatapos noon ay natulog muna kam dahil maaga kaming umalis ng bahay at napagod sa biyahe. Bandang hapon ay lumabas kami ni Stephen para mamili at nag-ikotikot  na rin kami around Baguio. Actually, gusto lang din namin mapag-isa, ang kukulit kasi ng mga bata. Mabuti na lang nga at hindi sa kanila naiinis si Tita Kaye. Kung sabagay malungkot sa bahay nila dahil sila-sila lang ni Stephen at ng mga kasambahay sa bahay nila.

Bandang alas sais ay nag-set na kami para sa aming bonfire. Yong mga bata ang nakatoka doon at kami naman ni Stephen ang sa pagba-barbecue. Sila Mommy at Alice ay tumulong kina Tita Kaye sa pagluluto ng handa para sa aming pagsasaluhang media noche. Bandang alas siete ay nasa labas na kaming lahat. Nag-request pa kami ng isang mahabang mesa para sama-sama kami sa pagkain.

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon