DABDA is an acronym. Ito yong pinagdadaanan ng isang taong naggi-grieve dahil nawalan ng minamahal from death of a loved ones, or even because of break ups. o kaya nawalan dahil naputulan ng paa o may matinding karamdaman. Halimbawa, nagkasakit ang kaibigan mo ng Cancer, o kaya naputulan ng paa (God forbid). Mapapansin mo may mga pagbabagong mangyayari sa kaniya lalo na sa kaniyang behavior.Ang DABDA ay ang Five Stages of Grief ni Elisabeth Kübler-Ross na isang American Psychiatrist, at mababasa ito sa book niyang On Death and Dying. Hindi lahat ng tao dumaranas ng DABDA, depende kasi sa pananaw natin sa buhay, pero madalas itong mangyari kahit na nga ang pinaka-astig na taong kilala mo. 'Yong iba sa atin maaring dumaan lang ng isa o dalawang stages, maaari ring pasunod-sunod o in any order.
First Stage - Denial. Ito 'yong initial reaction ng taong dumaranas ng grief o kapighatian. Let's say 'yong kaibigan mo ay na-diagnose na may Cancer. This is not truel! Why me? I don't deserve this! O kaya namatayan. Bakit siya pa? That's the usual reaction. Sino ba naman ang di mabibigla kapag ganiyan ang balita? It's too hard for us to accept this kind of situation, so we tend to deny it. The more we deny it, the more it will hurt us.
Second Stage - Anger. It's very self-explanatory. Magagalit sa sarili niya ang friend mo at magiging mainitin ang kaniyang ulo. Sino ba naman ang gustong magka-Cancer, di ba? O, ang mamatayan? Maaaring maging reckless siya, by putting his/her life in danger. Minsan naman, ipapasa pa niya ang sisi sa iba. Kung may kaibigan kang ganito, maging maingat ka sa pag-approach sa kaniya baka sa iyo mabaling ang galit niya. Hayaan mo rin siyang maglabas ng galit o sama ng loob at mga hinanakit sa iyo. Maging shock absorber ka na lang muna.
Third Stage - Bargaining. Kung ang sakit niya ay lung cancer, sasabihin niya, sige I will stop smoking at pati ang pag- inom. I'l start eating healthy foods na rin. Hihingi siya ng milagro sa Diyos. "Pagalingin mo lang po ako Lord, magsisimba na ako, maniniwala na ako sa iyo, paglilingkuran pa kita. Just don't kill me."
Fourth Stage - Depression. Malulungkot na siya. Walang gana na siya sa buhay dahil feeling hopeless na siya. Kadalasan, gusto niya maiwang mag-isa. Magkukulong sa kuwarto, tulog nang tulog at walang ganang kumain. E paano 'yong di makatulog at kain nang kain Sign din 'yon. Ito 'yong pinaka-delikadong stage kasi dito maraming nagpapakamatay. Manmanan mong maigi ang friend mo na may matinding depresyon. Hindi sila nagsasabi. Minsan, kahit sila hindi nila alam na may depresyon sila. Don't let your friend be left alone. Kailangan mo siyang samahan. Pati ang mga iba niyang mahal sa buhay ay pagsabihan mo rin about her depression. Malaking topic ang depression so dito muna tayo.
Fift/Final Stage - Acceptance. Dito na pumapasok ang self-realization. Darating din ang time na sasabihin niya na, that's life! Nothing in this world will last forever. If she believe in heaven and God, then let her continue believing. At this stage ay napapangiti na siya. 'Yong nagmo-mourn naman because of loss, they will start living again. Nakapag-move on na sila, at bumabalik na sila sa dati nilang gawi kahit na nga nasasaktan pa rin. Pero watch out ka kasi may mga taong happy in the outside, but dying in the inside. Akala mo nakapag-move on na, pero hindi pa pala. Magugulat ka na lang, nag-suicide na dahil depress pa rin pala. Suicide is another topic.
Anong use nitong DABDA sa iyo? By knowing this, maiintindihan mo na 'yong taong grieving. Don't over sympathize with your friend. Ang ibig kong sabihin ay huwag mo siyang masyadong kaawaan. It can worsen the situation. They become more hopeless. Dito na papasok ang empathy. Ilagay mo ang sarili mo sa lugar niya. What would you feel kung sa iyo nangyari 'yong pinagdadaanan niya?
That's it. I included this topic sa story because I want to share this to people who are mourning from a loss, be it from a death of a loved ones or from break ups, and to those who has a terrible condition. Ginawa kong funny 'yong DABDA kay Beverly kasi RomCom naman ang kuwento niya, but it is a damn serious thing.
Please watch the video clip na naka-attach dito. Sa clip na yon, namatayan ng matalik na kaibigan ang bida.
Sana makatulong ito sa inyo.
Have a happy life and be a helping hand to your friends! God bless us all!
![](https://img.wattpad.com/cover/33321051-288-k666991.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Huling Biyahe ni Ms. Beverly
RomanceSimple lang naman sana ang pangarap ni Beverly Llamado at iyon ay magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ang lalaking kaniyang mapapangasawa. Sa kasamaang palad, siya ay nabigo. Ito ang nagtulak sa kaniyang magtrabaho sa Amerika bilang isang reg...