XXXIII - Beverly vs. Sophie (Final Round)

29.7K 563 13
                                    

MAGKASAMANG dumating si Beverly at Philippe sa kaarawan ng isa nilang napaka-importanteng kaibigan. Tuwang-tuwang sinalubong sila ng celebrante na walang iba kung hindi si Rosanna Castillo, ang dating nars na ngayon ay isa na ring nephrologist. Nagkaroon lang sila ulit ng kumunikasyon nang magkita sila sa ospital kung saan na-operahan ang kaniyang ina.

"Look who's here? Beverly and Philippe!" Nagulat pa ito nang makita nitong nakakapit si Beverly sa braso ni Philippe. "Oh my, tutuo pala ang kasabihan na sa hinaba-haba man ng prosisyon, sa simbahan pa din ang tuloy?" biro nito.

"Walang ganiyanan Rose! We're here to celebrate with you." Tinapik pa niya si Rosanna. "Thanks for having us here, by the way."

"Aahhh...so many memories," ani Rosanna. Ito rin ang naging dahilan kung bakit naging nobyo niya noon si Philippe.

"Alam mo naman yong tandem nating dalawa noon, sabayan pa nito?" Napasandal pa siya kay Philippe.

"And I really miss those good old days," sabi naman ni Philippe na tumitig pa sa kaniya. Sinaway niya ito.

"Ikaw naman kasi, Philippe. E, di sana, may mga apo na kayo?" Napakibit lang ng balikat si Philippe. Napansin naman ni Rosanna ang pananahimik ni Beverly. "Hoy, hindi ka na mabiro." Nagtawanan na lang sila. Nakita nito na may paparating itong mga bisita. "Well, enjoy the party. Nandoon pala sila. You can join them." Itinuro nito ang mesa ng kanilang grupo.

"Ok. Happy birthday, Rose!" bati ni Beverly. Maging si Philippe ay nakibati rin.

"Thanks. I'll catch up with you, guys!" At iniwan na sila nito.

Idinaos ang okasyon sa malawak na bakuran sa mismong bahay ng celebrante. Sa gitna ng bakuran ay may isang malaking swimming pool na kahugis ng isang kidney. Nagliliwanag ang pool sa mga candle lantern na nakalutang at sa mg a LED lights na naka palibot sa buong swimming pool.

Pagdating nila sa kanilang mesa ay nagulat din ang kanilang mga dating kasamahan nang makita silang magkasama. Hindi sila nakaligtas sa mga pangangantiyaw ng mga ito. Tuwang-tuwa naman si Philippe sa pakikipagsabayan sa mga biro sa kanila, ngunit si Beverly ay hindi mapalagay. Nakita niya kasi sa kaniyang kaliwa, dalawang mesa ang pagitan, si Sophie kasama ang grupo nito na malamang ay mga medical clerk. Nanlaki pa ang kaniyang mga mata nang makita niyang katabi nito si Stephen. Nakayuko lang si Stephen at tahimik na kumakain, samantalang si Sophie ay masayang nakikipagbiruan.

Maliban sa masasarap na pagkain ay may live band din na nagtatanghal sa stage nang masasayang kanta. Napansin ni Philippe ang kaniyang pananamlay. Sinabi na lang niya na busog lang siya. Paano naman siya gaganahan kung nasa paligid niya ang mga taong ayaw na ayaw niyang makita. Umupo siya nang maayos at iniwasang tumingin sa mesang kinabibilangan ng dalawa. Kinumbinse na lang din niya ang sarili na iwaglit muna ang mga negatibong emosyon at magpakasaya na lang kasama ang kaniyang grupo.

Makalipas ang kainan ay nagsimula na ang programa. Kitang-kita niya kung gaano kasaya si Rosanna na nagdiriwang ng kaniyang kaarawan habang binabati ito ng pamilya at malalapit na kaibigan. May video presentation din ang pinakita kung saan bumabati ang ilan pa nitong mga staff, at mga kaibigang duktor. Nakita rin niya ang clip ng isang grupo ng medical clerk na masayang nagbibigay ng kanilang mensahe. Naghiyawan pa ang mga ito nang mag-salita na si Sophie. Nagkatinginan na lang sila ni Philippe. Nginuso pa nito si Srephen. Hindi naman niya ito pinansin.

Matapos ang mga pagbati ay si Rosanna naman ang nagbigay nang mensahe. Naging emosyonal pa ito dahil sa sobrang kaligayahan ng araw na iyon. Pagkatapos nitong makapagsalita ay tinawag nito si Beverly at humingi ng isang awitin. "Come on stage, Ms. Beverly Llamado. Ito po ang aming pambato every time may program kami noon. Walang binatbat dito si Mariah Carey at si Songbird!" Natawa pa ito.

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon