Beverly's POV
NAIMBITAHAN kami ni Tita Kaye na mag-dinner sa kanilang bahay bilang treat sa pag-aalaga ko sa kaniya noong nagkasakit ito. Nagkataong mamamasyal naman sila Alice at ang kaniyang pamilya kaya hindi namin sila nakasama. Nang paalis na kami ni Mommy, bigla namang dumating si Philippe. Tamang-tama at pupunta rin naman daw siya roon para pasalamatan si Tita Kaye dahil sa aming pagbabati.
Bandang alas tres kami dumating para raw makapakuwentuhan pa kami nang mahaba-haba. Sa tutuo lang, ang saya-saya ko, hindi ko lang alam kung dahil magkasama kami ni Philippe o magkikita na naman ulit kami ni Stephen. Ayaw ko namang isipin yong pangalawang rason dahil alam kong wala akong aasahan doon.
Pagpasok namin sa bahay nila Tita Kaye ay sinalubong kami ni Cora na tuwang-tuwa naman nang makita kami. Doon niya kami dinala sa hardin, sa may garden set na gawa sa marmol. Kahit na nga naka isang linggo ako sa bahay na iyon ay nag-aalangan pa rin ako.
Habang naghihintay kami kay Tita Kaye ay nag-uusap sila Mommy at Philippe tungkol sa gardening. Natutuwa kasi si Mommy sa mga bulaklak at pananim na nakapalibot. Ako naman patango-tango lang. Para kasing naiinip na ako. Gusto ko tuloy maglakad-lakad.
Ilang sandali pa ay dumating na rin si Tita Kaye. Nakipag-beso na rin kami sa kaniya. Nagulat pa nga ito nang makita si Philippe, hindi kasi namin talaga sinabi sa kaniya na kasama namin ito.
Biniro kami nito, "Well, it's good that the two of you are back together again, right Naz?"
Hindi umimik si Mommy, pero kami ni Philippe ay nagkangitian lang.
"No, Tita. We're good as friends now, and thanks to you. Kung hindi po dahil sa inyo ay galit na galit pa rin po sa akin siguro si Beverly," magiliw na sagot ni Philippe.
Napatingin sa akin ulit si Tita Kaye na parang nang-iintriga.
"Yeah Philippe, you owe it to Tita Kaye!" sagot ko sa tingin ni Tita Kaye.
Tumingin din siya kay Mommy. Nag-shrug lang ito sa kaniya ng balikat at ngumiti. "Umupo ka na nga Kakay at huwag mo na silang intrigahin. Mamaya niyan mag-away pa ulit ang dalawa," biro ni Mommy. Nagtawanan kami at naupo na rin si Tita Kaye.
"Stephen and Sophie are inside with their friends, but they are leaving any moment now. Susunod na lang daw siya," anito sa amin.
Mayamaya ay dumating na ang aming merienda. Tig-iisang basong fresh squeeze orange juice at club sandwiches with french fries.
"Thank you, Lumen," sabi ko sa kanilang kasambahay.
Ewan ko ba kahit anong sarap ng pagkain, parang hindi ko ito malasahan. Nasira ata ang appetite ko nang marinig ko ang pangalan ni Sophie.
"Beverly, nagda-diet ka ba? Himala!" takang tanong ni Mommy.
Siniko ko si Mommy. "Di ah! Ang sarap nga ng juice, di ba Philippe? Whoa!" Napapikit ako dahil maasim ito nang kaunti. "Rich in Vitamin C, and also good for the heart!" Kumain din ako ng kaunting french fries, pangontra sa asim ng juice.
"Oo nga, Babes!" sabi ni Philippe.
"Babes ka diyan?" Binuraratan ko ito ng mga mata.
"Baby, I mean," sagot ni Philippe.
Mauubos ko na ang juice pero kakapiranggot pa lang na sandwich ang nakain ko. Wala talaga akong gana.
"Hindi mo ba type ang sandwich namin, Iha? What do you want? Magpapagawa ako ng iba." tanong ni Tita Kaye.
"No. I mean yes! Yes I like my sandwich. Bumubuwelo lang po ako." Dahil doon, napilitan akong ubusin ang naka-serve sa aking plato. Naubos ko na rin ang juice at nakaisang basong tubig pa ako. Dahil sa naparami na ang nainom ko, halos pumutok naman ang pantog ko. "Tita, may I use the John?"
BINABASA MO ANG
Ang Huling Biyahe ni Ms. Beverly
RomanceSimple lang naman sana ang pangarap ni Beverly Llamado at iyon ay magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ang lalaking kaniyang mapapangasawa. Sa kasamaang palad, siya ay nabigo. Ito ang nagtulak sa kaniyang magtrabaho sa Amerika bilang isang reg...