Beverly's POV
NAABUTAN kami ni Alice sa hapag kainan na nagtatalo ni Mommy dahil nagsasawa na raw siya sa mga ipinapainom kong gamot. Katatapos pa lang naming mag-agahan at si Alvin ay kaaalis lang.
"Mabuti na nga pong may naiinom kayong gamot kesa sa wala. Samantalang ang iba, namatay na lang sa sakit. Gusto mo ganoon ang mangyari sa iyo? Naku, h'wag naman po sana," aniko.
"Ang s'werte mo nga Mommy, may private nurse ka, imported pa!" boladas naman ni Alice.
"Kaya nga! Saan ka pa? Ang mahal kaya ng bayad sa private nurse," pagyayabang ko.
"Alam ko. Nakakasawa lang uminom ng iba't ibang klase ng gamot. Laking pasasalamat ko rin sa Diyos dahil may mga anak na nagaalaga sa akin." Tumayo ito at pumunta ng banyo.
Si Alice naman ay umupo sa bangkong nasa harapan ko. "Himala 'Te! Hindi ka na tulala? Kala ko na-engkanto ka no'ng nasa Tagaytay tayo. Lately kasi parang ang tahi-tahimik mo at parang may malalim kang iniisip."
"Wala! At ba't ko naman siya iisipin?" sagot kong wala sa sarili.
Napataas ng kilay si Alice. "Siya? Teka, pinoy henyo tayo. Tao? Taga Pinas? Kilala ko ba? Babae? Ah, lalaki? G'wapo? Alam ko na, si Stephen ba? Uy nagba-blush ang dalaga."
"Tumigil ka nga baka marinig ka ni Mommy!" saway ko.
Paglabas ni Mommy, "Ano ba 'yan, Alice? Inaasar mo na naman 'yang Ate mo?" Naupo ulit sa tabi ko si Mommy, doon sa inalisan niya.
"Si Ate kasi mukhang may love---"
Tinakpan ko ng aking kamay ang makating bibig ni Alice. Baka maikuwento pa niya ang nangyari sa amin ni Stephen sa Tagaytay. Tumigil naman siya, saka ko binitawan.
"Ang tutuo niyan, noong nandoon tayo sa resort, habang naglalakad-lakad ako, napansin ko 'yong mga nakakasalubong ko magkapares-pares, samatalang ako, walang kasama.Tapos, tinanong pa ako ni Sophie kung mag-isa lang daw ako." Napabuntong-hininga ako.
"Yan na nga bang sinasabi ko sa iyo, anak," sabi nang naka-sad face na si Mommy.
"Nagpapaapekto ka sa mga 'yon. O, ano, gusto mo na ng lalaki? Ang dami kong friends sa Facebook, ang popogi," sabi ni Alice
"Hay naku, baka photoshoped lang ang mga mukha niyan. H'wag na lang, uy!"
"Di naman lahat. Kaya nga makikipag-eyeball ka para malaman mo."
Sumingit din si Mommy. "Ayaw nga niya kay Stephen d'yan pa sa nirireto mo? Guwapo na mayaman pa. Bata nga lang. P'wede pa naman ang Ate mo, di ba?"
"Agree po ako sa inyo, My."
Sinenyasan ko ng kindat si Alice para tumahimik.
"O siya baka kung ano pang masabi ko, makaalis na nga at aasikasuhin ko pa ang aking love of my life na si Papa Mon." Tumayo na ito at naglakad palabas. "See you later, guys!"
Naiwan kami ni Mommy. Narinig pala niya yong biruan naming magkapatid.
"Pinag-uusapan niyo ba si Stephen?" Hindi ako umimik. "Siya nga pala, nag-usap na kami ng Tita Kakay mo. Inalis na namin 'yong kasunduan tungkol sa inyo ni Stephen. Hindi raw niya maenganyo ang anak niya kasi may nobya na pala ito at balak na raw nitong pakasalan."
"See? I told you so! Well, at least hindi niyo na kami kukulitin."
"Siyempre hindi na," inis niyang sambit. "Hindi naman kasi sa akin sinabi ni Kakay. Kung alam ko lang hindi ko na yon ipinagpilitan sa'yo." Napabuntong-hininga pa siya. "Alam mo bang kamuntik nang maghiwalay ang dalawa nang malaman ng girlfriend ni Stephen 'yong naging date niyo? Sinabi na lang ni Kakay na tiyahin ka ni Stephen. May nag-picture daw kasi sa inyo at inilagay sa Facebook."
BINABASA MO ANG
Ang Huling Biyahe ni Ms. Beverly
RomanceSimple lang naman sana ang pangarap ni Beverly Llamado at iyon ay magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ang lalaking kaniyang mapapangasawa. Sa kasamaang palad, siya ay nabigo. Ito ang nagtulak sa kaniyang magtrabaho sa Amerika bilang isang reg...