XIII - Family Getaway!

35.5K 574 3
                                    

Beverly's POV

NAG-AARAL ang tatlong kong pamangkin sa iisang private school. Ang masungit na si Alvin ay second year Architectural Engineering. Si Sam na makulit naman ay malapit nang magtapos ng high school. At ang nerdy boy na si RJ ay grade 8 pa lang. These three boys are good in their class which makes me a proud Tita. Kanino kaya ito nagmana?

Nasurpresa ako nang yayain ako ng mga ito na mamasyal sa Tagaytay. Foundation day kasi ng school nila at nataon namang Friday. At the same time, gusto rin akong i-treat ni Alice at Ramon, pampalubag-loob nila sa akin. Siyempre hindi ko naman sila sinayumahan. Ito kasi ang unang pasyal ko sa labas ng ka-Maynilaan. It's a long weekend, so it's gonna be an exciting weekend.

After lunch, namili kami nila Mommy ng ilang mga grocery items para sa aming babaunin. Ang mamahal kaya ng mga bilihin sa mga resort. Pagdating namin sa bahay ay hindi naming inaasahan na maabutan namin si Tita Kaye. Nasa labas ito ng gate at kausap si Alice. Tuwang-tuwa naman si Mommy nang makita niya ito.

"O, ayan na po pala sila!" bungad sa amin ni Alice habang papalapit kami sa kanila.

Nakipagbeso muna kami sa aming bisita. Pagkatpos ay naikuwento niya sa amin na may isa siyang kliente na pinuntahan malapit sa amin. Nasabi na rin sa amin noon ni Mommy na isang alahera si Tita Kaye at may ilang jewelery shops at pawnshops ito. Sa tutuo lang sa dami ng kaniyang alahas, she only wears a nice pair of gold earings and a necklace. May iba kasing alaherang tadtad ng jewelries ang katawan. What puzzles me is that gold wedding ring on her finger. Alam kasi namin na nag-file na siya ng annulment sa tatay ni Stephen, recently lang. That's sad.

Niyaya muna namin siyang pumasok sa loob ng bahay, to pick up some of our things. Ang mag-asawa at ang mga bata naman ay abala pa sa pag-aayos ng iba pa nilang mga dalahin. Si Day naman ay inutusan ko na ipasok na ang iba pa naming gamit sa van. Kami kasi ni Mommy ay handang-handa na.

"May lakad pala kayo? Mabuti pa ay mauna na ako," sabi ni Tita Kaye.

Out of no where, I blurted these. "Why don't you come with us, Tita?" Kahit hindi sabihin sa akin ni Mommy, alam kong gusto niya itong isama.

"Nakakahiya naman. Family outing niyo ito. Saka wala akong dalang mga damit."

"Tita, you are part of our family. We are one big family! Bili na lang po tayo ng mga damit mo, on the way," aniko. I gave her a squeezing hug. Ang chubby rin kasi ni Tita Kaye at magaan na ang loob ko sa kaniya.

"Siya nga naman Kakay, sumama ka na para may maka-jamming naman ako," pagpupumulit naman sa kaniya ni Mommy.

Napangiti naman si Tita Kaye sa amin. "Well, to refuse an offer is an insult. Sige! Maluwag pa ba?" nahihiyang tanong niya.

"Opo Tita! Convoy po tayo. Sila Alice po, doon sa taxi nila kasama 'yong dalawang bata. Kami naman po nila Mommy, at ni Day, dito po sa van. Si Alvin po ang magda-drive sa atin."

"Ok, Iha, I'll go with you. Papauwiin ko na lang muna ang driver ko." Tinawagan niya ang kaniyang driver at pinagsinabihan na umuwi na ito. "Sayang, sana kasama ko rin si Stephen." Pagkasabi niya nito ay nagkatinginan pa sila ni Mommy. Napangiti na lang ako.

Tinanong siya ni Mommy. "Nasaan ba 'yang anak mo, Kakay?" Napa-ehem pa ito, at kumindat pa sa akin. Ako naman, dineadma ko na lang.

"Meron siyang lakad. Hindi nga raw siya papasok ngayon sa work niya." Napabuntong-hininga pa ito. "Hay naku, iba na talaga Naz pag malalaki na ang mga anak natin. Buti ka pa nga, laging nasa tabi mo ang mga anak mo." Sa tono ng kaniyang pananalita ay mahahalata ang pagtatampo nito. Yan din kasi ang laging nirireklamo sa akin ni Alice sa mga anak niya.

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon