Epilogue

38.6K 873 67
                                    

Ms. Beverly's POV

NAGKABALIKAN din kami sa wakas ni Stephen, kaya laking pasasalamat ko sa ating Panginoon. Sayang nga lang at ipinaabot ko pa ng dalawang taon. Kung hindi lang sana ako kinain ng aking, pride eh di sana marami na ang nangyaring magaganda sa amin. Anyway, those were hard lessons to forget. Ang importante ay 'yong ngayon.

Kung sabagay, mahaba pa naman ang lalakbayin ko kasama si Stephen at ng aking pamilya kaya nga ang feeling ko ngayon, kung baga sa FB statuses - feeling happy, blessed, positive, silly, in love, at kung anu-ano pa!

Sa ngayon ang priority ko ay ang aking pamilya, at dahil marami na rin naman akong naipon, napagdisisyunan ko na dito na talaga ako permanenteng maninirahan. Sila at si Stephen na lang muna ang paglalaanan ko ng aking panahon. Nalulungkot din naman ako na iiwanan ko na ang kumalinga sa akin nang halos dalawang dekada ng buhay ko. Salamat ng marami sa America na aking naging pangalawang tahanan.

Sa mga taong dumaranas naman ng kabiguan sa pag-ibig, ang tanging mapapayo ko lamang ay magpatuloy kayo sa buhay at huwag susuko kaagad dahil hindi ninyo alam kung ano pa ang maaaring mangyari sa hinaharap. Kung meron talagang nakalaan para sa inyo, darating ito.

Sa mga bagay na pinagdadaanan natin, ang Panginoong Diyos ay laging may dahilan kung bakit Niya pinahihintulutan maganap sa atin ang mga bagay na ayaw nating mangyari, gaano man ito kasakit. Magtiwala lang tayo at manalig sa kanya sapagkat hindi Siya kailanman maaring magkamali.

Sa ating mga nagawang pagkakamali, hanggat maaga pa itama na natin ito upang hindi na maging dahilan ng ating pagkasira. Matuto din tayong magpatawad kaagad sa mga taong nanakit sa atin at nang hindi na tayo mahirapan pa. Di ba't ito ang mas mainam na paraan para sa ikakapayapa ng ating mga puso? Lets not prolong the agony, ika nga.

Patungkol naman sa aming dalawa ni Stephen, kung talagang kaming dalawa ang para sa isa't-isa, sana maging masaya kaming magkasama hanggang sa aming pagtanda, kahit na ako pa ang mauna sa kabilang buhay. Ngunit kung sakali man hindi kami magkatuluyan sa kung anong kadahilanan (God forbid!), mananatili pa rin akong masaya. Ang kaligayahan ko ay hindi ko lang maaring iasa sa isang taong aking mamahalin.

"At sino naman ang nagsabi sa iyong iiwanan kita? Ikaw nga itong nang-iiwan sa ere. Lagi ka kasing nagmamadali!"

"Eh ikaw kasi! Kaya h'wag na h'wag mong maulit-ulit yon, Stephen Makoy!"

"Hinding-hindi na! Baby my love. Hahaha!" Napatigil sa pagtawa si Stephen, "What?"

"Kasi hindi pa rin ako makapaniwala kung bakit mo ako minahal. Parang nananaginip pa rin ako?"

Tumitig ito sa akin nang seryoso. "Hindi ang panlabas na anyo mo ang minahal ko kundi yong kabutihan mo at ang pagmamahal mo sa pamilya mo ang nakita ko, pati na sa kabutihan mo sa amin ni Mama. Hindi ka selfish at inuuna mo muna ang iba. Sapat na yon para mahalin kita ng todo!"

"Talaga lang, ha?"

"Tingnan mo' to, ang serious ko tapos..."

"Ikaw, meron kang itatanong?"

"Bakit mo naman din ako minahal?"

"Tinatanong pa ba yan, papalicious ka kasi! Hahaha!"

"Oh, kelan niyo balak magpakasal?"

"Kayo po pala Tita Kaye? Kakabalikan pa po lang namin kanina ni Stephen. Di pa po namin 'yan napag-uusapan kung sakali man ipapaalam po namin kagad 'yan sa inyo."

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon