Beverly's POV
MAKALIPAS ang isang buwang pagpapalakas ni Mommy, naisipan naming magkapatid na maghanda ng kaunting salu-salo bilang pasasalamat sa Diyos sa panibagong buhay na ipinagkaloob Niya sa aming butihing ina. Gusto sana naming magkapatid na kaming magkakapamilya lang, pero nakiusap si Mommy na isama rin ang kaniyang long lost best friend. How can I say no to the gratest mom in the world!
At dahil ito ay pasasalamat sa kabutihan ng Diyos sa aming pamilya ay nagpa-roast ako ng turkey, parang American Thanksgiving Dinner ang dating. Sinamahan ko na rin ng Caesar Salad. Hindi rin mawawala ang pagkaing Pinoy sa aming hapag. At sa aming dessert, ang pinakapaborito kong Blueberry Cheesecake na ako mismo ang nag-bake. Habang hinahanda namin ang lahat, naglalaway na ako sa sobrang excitement!
Sa wakas, nakahanda na ang lahat sa aming hapag kainan matapos ang ilang oras na pagluluto. Kumpleto na rin ang aming pamilya. Nagkukulitan na ang mga anak ni Alice at ako naman ay medyo naiinip dahil wala pa ang aming mga parating na bisita. Sabi kasi ni Mommy na isasama raw ni Tita Kaye ang unico iho nito at gusto niya itong makilala. Ang pinagtatakahan ko lang, pagname-mention niya ang anak ni Tita Kaye ay parang kinikilig ito. Guwapo raw kasi 'yon. E, ano naman?
Isa sa mga na-adapt kong ugali sa America ay ang pagiging punctual ng mga Kano. Kapag nakipag-set ka ng time sa kanila ay sikapin mo na makakarating ka sa takdang oras o nang mas maaga kung hindi ay iiwanan ka nila o kaya, kakainisan ka na nila. Time is very important, di ba? Katulad nito, dapat ay nagkakasiyahan na kaming magpamilya. Ang kaso, wala pa rin ang aming mga VIP.
"My, dadating ba talaga yong kaibigan mo? Sure ka ba?" Pangungulit ko kay Mommy na nakaupo sa aming sofa.
"Oo Baby. Pina-text ko na yon kay Alvin. Si Kakay ay ang taong may isang salita. Pag nakipag-kompromiso yon, talagang tutuparin niya, kahit ano pa ang mangyari. Ganoon si Rebecca. Isasama nga niya di ba yong anak niyang si Stephen, para ipakilala sa iyo?"
Nagulat ako. "Sa akin?"
"Sa atin, I mean." Napangiti ito ng kakaiba. There's something about her smile.
"Mabuti naman po kung gano'n. Dapat talaga pinaninindigan natin ang mga binibitiwang salita sa ating kapuwa. Let your yes be yes, and your no be no!"
"Amen ako diyan sis!" sabi ni Alice na may dalang bouquet ng white American Rose. Inilagay niya ito sa plorera na nasa gitna ng aming mesa.
"Amen ka diyan? Eh, ikaw nga diyan ang numero unong mahilig bumali ng salita!" Tinulungan ko na siyang ayusin ang pagkakalagay ng mga bulaklak.
"Ang ibig sabihin noon mga anak, kung magsasabi ka ng oo, oo lang." Napahinto ako sa aking ginagawa at nilingon ko si Mommy. "Kung hindi, hindi. Wala nang paligoy-ligoy pa. Hindi mo na kailangan sumumpa pa o sabihin, tamaan pa ako ng kidlat. Straight to the point, ika nga." That's my mom!
Napa-isip ako. "Ah, ganoon pala 'yon, My? Parehas din yon, di ba Alice?"
"Ewan, mahina ako sa analysis," sagot ni Alice. At sabay kuwit sa roasted turkey.
Agad kong tinabig ang kamay nito. "Don't do that! It's unhygenic!" Lumayo na lang si Alice sa mesa.
Nanahimik ako at napatingin sa relo ko, 6:15 na, wala pa sila. "Pero ba't ang tagal naman nila?"
"Natrapik lang 'yon anak. Dadating na 'yon." Kahit si Mommy ay naiinip na rin, pero mas excited siya kaysa sa naiinip.
Mayamaya ay may pumaradang kotse sa tapat ng aming bahay.
Napatayo si Mommy. "O, ayan na! Baka sila na yan. RJ, apo, paki tingnan mo nga sa gate baka 'yan na 'yong mga bisitang hinihintay natin. Papasukin mo na rin." Tuwang-tuwa siya at lumapit na sa may pinto.

BINABASA MO ANG
Ang Huling Biyahe ni Ms. Beverly
RomanceSimple lang naman sana ang pangarap ni Beverly Llamado at iyon ay magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ang lalaking kaniyang mapapangasawa. Sa kasamaang palad, siya ay nabigo. Ito ang nagtulak sa kaniyang magtrabaho sa Amerika bilang isang reg...