XVIII- Stephen and Sophie's Night

32.5K 602 10
                                    

Beverly's POV

NATUWA naman ako dahil sa ikatlong gabi ko nang pag-aalaga kay Tita Kaye ay bumuti na ang kaniyang pakiramdam. Nawala na ang pamamaga at ang pamumula ng kaniyang mga tuhod. Hindi na rin iyon sumasakit nang grabe. Nakakagalaw-galaw na rin siya nang maayos sa higaan.

Papasok ako noon sa banyo para mag-shower, nang pagbukas ko ng pinto ay may bumulangtang sa aking harapan. Si Stephen, nakatalikod, pero hubot-hubad na nagsho-shower.

"Oh, sorry!" sambulat ko. Agad ko ring tinakpan ang aking mga mata ng dala kong towel at napatalikod.

Si Stephen naman ay napatakip din ng tuwalya. Kamuntik na nga itong madulas sa pagkabigla. Ilang sandali lang ay lumabas na ito nang nakatapis. "Sorry Ate! Nakakahiya naman!" Ngingisi-ngisi sa akin at halatang nahihiya. "Alam ko naman na sanay na kayong mga nurse sa katawan ng tao." Ngumuti ulit ito.

"True, but I'm still shocked! Iba naman 'yong katawan ng mga may sakit at mga matatanda na. In fairness, ang macho mo, ha?" Sabay kindat. "O, 'bat ka nga pala dito naliligo sa banyo namin?" tanong ko para hindi naman ma-conscious. Pigil naman ako sa pagpakita ng panggigigil.

"Sira kasi yung flush ng toilet ko kaya dito na ako nag-cr, tapos naligo na ako."

"I see." Tatango-tango ako. "Madali lang 'yong ayusin. Yaan mo at aayusin natin," sabi ko. Pa-impress lang.

"Sige. Bukas na lang kasi may pupuntahan ako."

"Going to work?" tanong ko.

"No, absent muna ako. It's a very special night for me. I'll tell you later." Tinapi pa ako nito sa balikat. "Sige 'Te, magbibihis muna ako!"

PAGKABIHIS ni Stephen ay nagpapaalam muna siya kay Tita Kaye. Nang papalabas na siya ng kuwarto, saka ko siya nasalubong sa may pinto. Kakakain lang ni Tita noon at kabababa ko lang ng mga pinagkainan nito. Hindi ako makapaniwala sa suot ni Stephen. Napatulala ako.

"Ba't Ate Babes, baduy ba?" tanong niya. Nag-alala tuloy siya sa kaniyang hitsura.

Hindi kaagad ako nakapagsalita. He was wearing the yellow polo we bought at the mall. He was dashing! Walang gusot na makikita sa suot niya, at lalong lumabas ang kaniyang pagka-tisoy, ang hair niya pulido ang pagkaka-wax. Hs strong perfume was spreading all over the room. Napasinghot pa nga ako sa kaniya. I just love his scent and his boyish look!

"Baduy? Ikaw pa, fashion adviser kita, di ba?" sagot ko.

"E, kasi di ka nakasagot kaagad."

"Pasensiya na po. Kala ko kasi may naligaw na artista dito." Saka lang siya ngumiti at nakampante. "Saan naman ang pasyal natin at excited na excited ka?"

"It's our third anniversary." Lalong lumawak ang ngiti nito. "I will bring Sophie to a rooftop, sa isang condo sa Ayala para solong-solo ko siya. We will have a candle light dinner there." Nangingislap pa ang mga mata niya habang siya ay nagsasalita. Parang may bumatok naman sa akin kaya nasamid ako."Ok ka lang. 'Te?"

I can't believe this. Bakit sa gabi pang yon naisipan niyang suotin yong polong yon? Binili ko ba yon para pakinabangan lang siya ni Sophie. But what can I do?

"Wow! How romantic? I bet, lalong mai-in love si Sophie sa'yo!"

"Kaya nga salamat for buying this. Noong makita ko 'tong polo, I was struck by it. Akala ko hindi ko na 'to mabibili baka kasi maunahan ako ng iba. Buti na lang dumating ka. Ewan ko 'Te, para kasing may kakaiba dito. Hindi ko maipaliwanag. Ang sarap ngang suotin. Kaya thank you so much for this."

Tama siya. Sukat na sukat nga iyon sa kaniya. Para talagang ginawa para lang sa kaniya ang polong 'yon. Hindi ko na naman din maipaliwanag kung bakit sa tuwing makikita ko siyang masaya ay nagiging masaya rin ako. Kaya kahit na sinuot niya yon para sa iba ay masaya na rin ako.

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon