XV - Baking Lesson (Revised)

34.1K 570 9
                                    

PINAPAPASYAL kami ni Tita Kaye sa bahay nila sa may White Plains, Q.C., para magpaturo ng baking sa akin. Timing naman at nakapamili pa lang ako ng mga damit. Tinulungan na rin ako ni Alice sa pagpili ng aking susuutin. Ewan ko ba, bigla na lang akong na conscious kaya pati buhok ko ay pinagupitan ko na sa kaniya ng layered. Nagpa-make-up na rin ako, light lang naman.

Basta sa kaartehan, ang guru ko diyan ay si Alicia. Katatapos lang kasi niya ng cosmetology sa TESDA. Napilitan lang naman siyang mag-aral dahil kailangan niya ng extra income lalo na't lumalaki na ang mga anak nila at madadagdagan pa sila. I'm happy for her dahil unti-unti na siyang nagiging responsable. Napagtanto rin niya na sa panahong ito, kailangang magtulungan ng mag-asawa hindi lang sa paghahanapbuhay, kundi pati sa pagpapalaki ng mga anak.Yon nga lang, bantay sarado pa rin ang asawa niyang si Ramon. Kung paano niya pinasakit ang ulo namin noon ni Mommy, siya naman ngayon.

Bandang hapon ang usapan nila ni Mommy at Tita Kaye, kaya bago mag-alas tres, nandoon na kami. Pinaalalahanan pa nga ako ni Alice na ok lang gawin kong inspirasyon si Stephen, pero huwag ko raw kalimutan na may karelasyon na ito. Naikuwento ko kasi na nagkita kami ni Stephen sa mall at tinulungan pa ako nitong pumili ng mga damit. Nahahalata raw niya na may something daw ako kay Stephen. What? I'm just excited with my baking, hindi diyan sa Stephen na yan. Nagbihis lang ako dahil mga desenteng tao ang pupuntahan namin. Si Mommy nga nakapustura, samantalang ako, simpleng blouse at skirt lang ang sinuot ko. Pinapasama ko nga siya para makita niyang gagawin namin, pero di bale na lang daw. Hate niya kasi ang baking.

Gamit ang aming van, nagpasama kami ni Mommy kay Alvin. Buti na lang at pumayag siyang ipagmaneho kami, may incentive naman kasi akong pinangako.  Galing nga dahil nakita kaagad namin ang location ng bahay nila. Salamat na lang sa makabagong teknolohiya. Life is much more easier, nowadays.

Pagdating namin sa gate ng bahay nila Tita Kaye, pinadiretso na kami ng guard sa loob ng compound at tinuro nito sa amin kung saan kami puwedeng mag-park. Nanliit kami dahil sa magagarang sasakyan na nakahilera sa kanilang garahe. Dalawa lang ang madalas naming makitang ginagamit ng mag-ina, malamang sa espesyal na okasyon lang nila kung gamitin ang iba. Naks, para din lang sapatos ang sasakyan nila.

Nang makababa na kami sa van, sinalubong kami ng isa nilang kasambahay at pinapasok kami sa kabahayan. I was expecting an old style mansion, to my surprise it was a modern house. Si Alvin nga, manghang-mangha sa disenyo. Puting-puti ang kabuuan ng bahay with some black contrast. Maaliwalas, glass kasi ang dingding kaya sa isang side, kitang-kita ang garden nila sa labas. Ang ganda talaga! Parang isang nakatagong maliit na paraiso, puno ng iba't ibang halaman at mga bulaklak.

"Kuya Stephen, nandito na po yong bisita ninyo," sabi ng kanilang kasambahay.

Hindi kaagad tumayo si Stephen na nakaupo sa sofa dahil may kausap itong isang chick. Naririnig namin na parang humihikbi nang mahina at halos nakukupkop ni Stephen. Kahit nakatalikod sila ay alam kong si Sophie iyon. Something is wrong.

Napalingon si Stephen at tumayo, "Sige Lumen, ipaghanda mo muna sila ng snacks."

"Huwag na Stephen, busog pa kami," sabi ni Mommy.

"Sure po kayo, Tita? Kahit juice po?" Tumanggi pa rin si Mommy. "Sige po. Pasensiya na po kayo at nagkaroon ng aberiya dito. Si Mama po kasi---"

"Anong nangyari sa Mama mo?" Lumapit si Mommy at napahawak pa sa braso ni Stephen sa pagkabigla. Maging ako ay kinabahan.

"Ok na po siya, Tita Naz."

Nakahinga kami ni Mommy nang maayos, at pinaupo na muna kami ni Stephen. Si Sophie naman ay nag-aayos ng sarili at pilit na ngumingiti sa amin habang may hawak ito na tissue.

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon