XVI - Beverly vs. Sophie (Round 1)

31.2K 636 6
                                    

Beverly's POV

DAHIL biglaan ang stay ko kina Tita Kaye, nanghiram ako ng masusuot na pangbahay na damit. Buti na lang at di kalayuan ang katawan ko sa kaniya. Naghanap-hanap ako ng mga pinagliitan niya sa kaniyang walk-in closet na halos kasing laki na ng kuwarto ko.

Mayamaya, naririnig ko ang boses ni Stephen sa labas.

"Ate Baby, I've got work to do!" Nataranta tuloy ako. "Yuhoo! Ate, may nahanap ka na ba?"

"Wala pa nga, eh." Sa dami kasi ng damit nalito na ako.

Pumasok siya at tinulungan niya akong maghanap. "How about this one? I think this is perfectly fit for you."

Napabilib ako dahil nakakita kaagad siya ng susuotin ko. "Wow, you're so galing. You are now officially my new fashion adviser."

"I knew it!" sabi niyang bigla.

"What?" takang tanong ko naman.

"May something sa'yo!" Tinitigan ako nito.

"Somethimg?" Kinabahan ako, yon pa lang ang sinabi sa akin ni Alice. Halos nanlambot ang mga tuhod ko.

"Yup! But I like it!"

"Ano ba kasi yang something na sinasabi mo?" May nahahalata kaya siya sa akin? Ano ba yon?

"That!" Tinuro niya ang buhok ko. Akala ko naman kung ano. "Your new look." Nginitian pa ako. Aside from layered haircut, nagpa-rebond pa ako with hair treatment. "You look fresh and young."

Sa sobrang kaabalahan ko ng araw na yon ay hindi ko na alam kung ano nang hitsura ko. Sa mga sinabi naman niya ay parang naglulundag ang puso ko sa tuwa at kaba lalo na nang tinitigan niya ako.

"Salamat." Napayuko ako., nag-init kasi ang pisngi ko. "Hindi ba baduy ang suot ko?" Isiniksik ko pa ang buhok ko sa aking tainga.

"Baduy? E, ako ang pumili niyan! Look at me, Ate." Inilagay niya ang kaniyang mga daliri sa may baba ko at inangat niya nang marahan ang aking mukha. Napatitig ako sa kaniya. We were so close, na halos kalaahating dangkal lang ang pagitan ng mga mukha namin. "You're so beautiful, inside and out."

Parang tumigil ang takbo ng oras ko dahil sa kaniyang mga titig. Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito kaya kahit na nagsasalita pa siya ay hindi ko siya marinig dahil sa lakas ng mga kabog sa aking dibdib.

Ang mga kamay ko naman ay parang lumulutang sa ere at gustong dumapo sa kaniyang maamo at makinis na mukha. "Akin na nga yang damit ni Tita! Puro ka naman biro!" Agad kong hinablot ang hawak niyang damit.

"Tutuo naman ang sinasabi ko."

"Hindi mo na ako kailangan pang bolahin dahil tinanggap ko na ngang maging nurse ng Mama mo."

"Bakit ganiyan kayong mga babae pag pinupuri kala niyo naman laging may kapalit? Maloloko kami sa inyo." Iiling-iling ito at sumimangot.

Nakunsensiya naman ako. "Talagang lang?" Nanahimik pa rin siya. "Sige na! Thank you ulit! Maganda na kung maganda. Salamat kay Alice!"

"Talaga? Siya ang nag-ayos sa'yo? Galing naman niya! Galit pa rin ba si Ate Alice sa akin? Bakit hindi siya sumama sa inyo?" tanong niya. Patungkol yon sa engkuwentro  nila sa Tagaytay.

"Yon pa, makakalimutin 'yon! Pag may nakaaway siya sa amin sa bahay, kinabukasan wala na. As if nothing happened. Hindi lang yon mahilig sa baking kaya hindi siya sumama."

"So, di pala siya katulad mo, matagal makalimot. Oops!"

"Depende sa severity. Pag mga mild lang, nakakalimot din. Pag-grabe lang talaga. Ayoko kasing masyadong naaagrabiyado." Napatahimik siya."Di ba papasok ka na sa work?" Tumango ito. "O, sige na, Bro! Larga na at baka mahuli ka pa." Hinatid ko na siya sa may pinto.

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon