Thank You Note

24.2K 331 22
                                    

Maraming salamat pong muli sa mga nagsibasa, bumoto, nag-komento, nag-share sa, Ang Huling Biyahe ni Miss Beverly.

Nakakataba po ng puso ang tagumpay na ito lalo na sa isang baguhang manununulat na tulad ko. Hindi ko po inakala na tatangkilikin po ang aking akda lalo na ang ganitong kuwento ay hindi paborito dito sa Wattpad. Tutuo pala ang kasabihan, hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.

Ngayon na nasubukan ko na, akin po itong ipagpapatuloy. Kaya po sa mga nagtiwala sa akin, hihingiin ko po ulit ang inyong suporta sa mga susunod ko pang akda.

Gagawin ko po ang lahat, sa abot ng aking makakaya, na makagawa ng mga dekalidad na istorya. Hindi lang po nakakatuwa o nakakainis o nakakaiyak, kundi sa bawat kuwento ay may kapupulutan kayong aral sa aking mga isusulat. Sana po ay nakapagbigay din po ako ng inspirasyon sa isa man sa aking mambabasa. Higit sa lahat, sa tulong po ng akdang aking isusulat, nawa ay makakitaan ninyo po ng pag-asa ang inyong buhay ano man ang inyong pinagdadaanan.

Lahat po tayo ay may kanya-kanyang pagsubok, nagkakaiba lang po tayo ng pinaghuhugutan ng lakas. Sa akin po, sa Panginoon po talaga ako humuhugot. Ang tiwala ko po sa pagsusulat ay sa Kanya rin po nagmula. Ang nakakalungkot po, kung sino po yung malapit sa inyo, sila pa po ang sisira sa konting pag-asang natatanaw niyo. Kaya huwag po sana tayong mawalan ng tiwala sa Diyos. Ani nga ng Biblia, fight the good fight. As long as God is with us, no one can stand against us.

Ang susunod ko pong akda ay ang Truly, Sophie (Ang Mortal Enemy ni Ms. Beverly). Sequel po ito ng, Ang Huling Biyahe ni Miss Beverly. Sa una kong libro, ang kahalagahan ng pamilya ang tema, sa pangalawa naman  ay kaibigan. Hindi pa rin mawawala ang kilig, lungkot, tuwa, at adventures.

Kaya po, inaanyayahan ko po ulit kayo na basahin niyo rin po ang Truly, Sophie. Kung magustuhan niyo po ulit, maraming salamat. Kung hindi naman po, God bless na lang po sa akin next time.

From the top to the bottom of my heart, thank you very much! Mabuhay po kayong lahat. Mula po sa Legazpi, Albay, Dios mabalos sa saindo gabos! :)

Heto po ang link.

http://www.wattpad.com/131449394-truly-sophie-prologue

Suportahan niyo po sana ako sa first Filipino Wattys 2015. Add this story to your reading list, vote , comment, and also share this to your friends. Kung may nagustuhan po kayong linya o nais sabihin sa inyong social media accounts, hashtag it with #msbeverlyrn. Maraming salamat po! :)

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon