XXV - Basang-basa sa Ulan (Revised)

31K 776 48
                                    

MAGKASABAY na nag-almusal si Stephen at ang kaniyang ina. Napansin naman siya nito sa kakaibang niyang kinikilos.

"May problema ka ba, Stephen?" tanong ng senyora habang nagka-kape at nagbabasa ng periodico.

"Wala naman po, Ma. Hindi lang kasi ako nakatulog maigi," matamlay niyang sagot.

"Malamang, nag-away na naman kayo ni Sophie. Ganiyan na ganiyan kayo pag may LQ." Nanatili lang siyang nakatitig sa kaniyang tasa. "Silence means yes," biro pa ng senyora. "Can you drive me this afternoon?"

Tumango siya. "Where do you wanna go?" Sabay inom niya ng kape.

"Kina Tita Naz mo. Hindi kasi ako naka-attend ng cremation ng asawa ni Alice. Kukumustahin ko lang sana sila."

"Ho?" sagot niyang bigla. Muntik pa niyang maibuhos ang kape. "Hindi pala puwede. May lakad po pala kami ni Pareng Joel. I...I forgot."

Ibinaba ni Kakay ang binabasa niyang periodico. "Can you postpone that? Ngayon lang kasi maluwag ang schedule ko." Umiling lang siya. "How about tomorrow?" Umiling ulit siya. Nahalata ni Kakay ang pag-iwas ni Stephen. "Don't tell me you haven't talk to Baby, yet? Galing ka na do'n, di ba? Akala ko pa naman nakipagbati ka na sa kaniya."

Hindi siya nakaimik kaya napatingin ang ina. Saka pa lang nito napansin ang papawalang pasa sa kaliwa niyang pisngi.

"What happened to your face? Are you in trouble?" Ayaw na ayaw pa naman nitong nasasaktan ang anak. "Si Baby ba ang gumawa niyan sa'yo?" galit nitong tanong.

Tatayo sana si Kakay para lapitan siya, ngunit inunahan na niya ito. "No, not her. This is nothing, Ma." Tarantang sagot niya. "Sige po. Maiwan ko po muna kayo."

Umalis na lang siya para makaiwas sa pag-uusisa ng ina. Hindi niya masabi ang kahihiyang napasukan niya dahil sa kaniyang kapusukan.

It's complicated, Ma! Hindi mo rin ako maiintindihan!

"Who's gonna drive me there, then? Hay naku batang 'to!" Napailing na lang si Kakay sa pagkadismaya.

Pumunta siya sa kaniyang kuwarto. Nahiga sa kama at binuksan ang cellphone para tawagan sana si Sophie. Saka lang niya naalaala na may medical mission na ginagawa ang eskuwelahan nito. Ilang araw na rin ang lumipas, pero hindi pa sila nag-uusap. Noon, kapag nagkakatampuhan sila ay agad niya itong sinusiyo. Ngayon, dumistansiya muna siya. Ayaw niya muna itong guluhin dahil siya mismo ay naguguluhan.

Sa halip na tawagan niya ito ay tiningnan na lang niya ang ilan nilang litrato. Napatitig siya sa isa nilang litrato na kuha sa isang beach sa Boracay na magkayakap. Naka-two piece si Sophie na may balabal, samantalang naka shorts lang siya. Hinaplos-haplos niya ang litrato ng kaniyang magandang nobya.

I love you, Sophie. I do. At napabuntung-hininga ito.

Napapikit siya at muli niyang naalala nang sampalin siya nito.

I'm sorry for hurting you. I hate myself for doing that!

Hindi naman niya ito masisisi kung nasampal siya nang ganoon kalakas dahil huling-huli siya sa akto habang kahalikan niya si Beverly. Pakiramdam niya noon ay parang hinambalos siya ng raketa nito. Inilapag na lang niya ang cellphone sa higaan.

Shit! What were you thinking that night?

But I only wanna see her and talk to her. Hindi ko naman akalaing aabot kami sa ganoon.

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon