XXXV - Last Goodbye

33.5K 693 20
                                    


Beverly's POV

NAPAGKASUNDUAN ng mga dati kong co-nurses na mag-held ng reunion night sa isang bar noong magkita-kita kami sa birthday party ni Rose. Hindi sana ako sasama kasi ang lalakas uminom ng mga ito, kaso padespidida na rin daw namin iyon kay Philippe. Matitiis ko ba naman 'yon? Hayun, napasubo tuloy ako, pero nag-enjoy naman kami that night.

Paggising ko kinaumagahan ay sobrang sakit ng ulo ko, nakabungad pa ang mukha ni Alice sa mukha ko. Para na nga akong lalamunin sa titig nito sa akin.

"Ano bang nangyari?" tanong ko na nakakunot ang noo ko.

"Ano pa ba, e di, lasing na lasing ka," inis nitong sambit. Hindi ako makapaniwala, wala pa kasi akong maalala. "Buti na lang at hinatid ka ni Kuya Philippe. Kinarga ka pa nga niya paakyat sa kuwarto mo. Tapos, sinukahan mo pa siya sa dibdib. Grabe ka talaga, Ate!" Napatakip ako ng unan. Ang sakit na nga ng ulo ko, talak pa siya nang talak. "Di ba sabi mo noon sa akin na ayaw na ayaw mo sa isang lasengga. Ano'ng ginawa mo kagabi?" She's right about it. It's a no, no!

Hindi ko na natiis ang pangbubunganga nito kaya bumangon na ako at naupo sa kama habang minamasahe ang aking sintido.

May inabot itong gamot at isang basong tubig. "O, inumin mo!"

Pagka-inom ko, saka ko naalala ang nangyari. "Nagkatuwaan kasi kami kagabi. Natalo ako sa dare kaya ayon napatagay." I drink wine naman on occasional basis, but not the stronger ones. Madali kasi akong malasing, at ang tanda ko naka dalawang shots lang ako ng vodka sa dare namin. Tatlo nga sana iyon, buti na lang sinalo ako ni Philippe.

"Nagkatuwaan ba kayo o sinadiya mong malasing para makalimot?" sudya nito. Umupo na ito sa tabi ko.

Hmm...May point siya.

"Ok...Fine," sabi ko na may pagka-sarkastik. "Nagkatuwaan lang talaga at gusto ko ding makalimot, pero wala naman sa plano ko ang magpakalasing. It was really a dare. Ang sakit kaya sa ulo nito," payamot kong sagot.

"Nakatulong naman ba?" tanong nito.

" Yup! Kahit sandali lang, at nakatulog ako nang maayos. Kaso ngayon, gising na ako, ayan na naman siya sa isip ko." Thanks to her, I'm back to reality!

"At alam mo ba kung anong mga pinagsasabi mo habang hinihiga ka namin ni Kuya Philippe? Stephen, mahal na mahal kita. Paano mo 'to nagawa sa akin?" pang-aasar nito.

Napatakip ako ng bibig. "Nasabi ko yon? O, baka naman pinaglololoko mo lang ako?" Hinampas ko pa ito ng unan.

"Itanong mo pa kaya kay Mommy!" Mukha ngang nagsasabi ito nang tutuo.

"And so?" Napataas ang kilay ko. " Wala naman akong tinatago kay Philippe pagdating kay Stephen?"

Naalaala ko si Mommy. Malamang galit iyon. Niyaya ko na si Alice papunta sa kabilang kuwarto. Naabutan namin siyang nagwawalis.

"My, pasensya na po kagabi. Napasubo lang sa barkada," nahihiya kong sabi.

"Mabuti na lang kamo at nandoon si Philippe. Kung wala 'yon baka napagsamantalahan ka na ng iba sa sobrang kalasingan mo!" pagalit na sabi niya. Napayuko ako. Never pa akong umuwi nang ganoon.

Nanahimik lang ako habang patuloy siya sa pagsesermon. Naupo na lang din ako sa dulo ng kama niya dahil nahihilo pa rin ako. Si Alice naman nakatayo sa may pintuan.

Nang makahanap ako ng tiyempo, "My, maupo muna kayo. May sasabihin lang po akong importante."

Naupo siya sa tabi ko, si Alice naman sa upuan na nasa tukador. Hindi ako nakapagsalita kaagad kaya itong si Alice ay sumesenyas na sa akin.

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon