Christmas Wish, Chrismas List : A Holiday Special (Part II)

14.2K 218 19
                                    




"TITA, banon na po," bulong sa akin ng isa sa mga kambal. Nakailiti ako nito sa tainga, but she sounded cute. Samantalang ang isa ay kinikiliti ako ng kaniyang maliliit na daliri sa aking tagiliran. Nakatagilid kasi ako sa aking pagkakahiga at nakatalikod sa kanila. Gising na ako nang maramdaman ko ang pagpasok nila, nagdahan-dahan pa nga ang mga ito, kaya lang tinatamad pa akong bumangon.

Naramdaman kong sumakay na ang isa sa tagiliran ko. Ang isa naman ay nakayapos sa may uluhan ko. Naisipan kong lokohin ang dalawa, so I made some noisy snoring sounds and the two giggled. Hinayaan ko muna ang mga ito sa pangungulit. Mayamaya, "Ano ba, huwag nga kayong maingay," sabi ko ng marahan. Nanahimik ang dalawa. "Bulaga!" Nagulat ang dalawa sa bigla kong pagbangon. Dinaganan ko ang mga ito at sila naman ang kiniliti ko. Napuno ng malulutong na tawanan naming tatlo ang buong kuwarto. Ang sarap pakinggan. Nakakawala ng pagod.

"Ang bango-bango niyo!" Pinag-aaamoy ko pa ang kili-kili nila. Humahalimuyak kasi ang amoy nila dahil sa mga naghalong amoy ng sabon, shampoo, pulbo, at cologne. Ang presko rin ng mga balat nila. I'm savoring the moment.

Tinigil ko na ang pangingiliti ko. "Saan ang punta, bihis na bihis kayo, ha mga bulinggit?"

"Sa EK!" sabi ni Mona. Parehas silang naka pink dress at naka-bunny ears ang buhok. Bilib talaga ako kay Alice pagdating sa pag-aayos ng kaniyang mga munting prinsesa, because they really are sooo cute! Ang sarap panggigilan ng mga 'to, pero baka malamog ko kaya stop na muna ako.

"Anong EK?" takang tanong ko. Pero naalaala ko kaagad. "A, sa Enchanted Kingdom?" Sabay na tumango ang dalawa. "Tinatamad ako, kayo na lang." Sabay higa ulit.

"Tita naman, e!" inis na sambit ni Mona.

"I'm sho shorry girlsh, mashakit ang katawan ko. Kashi naglinish shi Tita ng bahay," sabi ko nang pa-girly.

"Di p'de. Tama 'kaw!" sigaw sa akin ni Lisa.

I wrinkled my nose. "E, ayaw ko, e!" Natatawa na ako sa mga hitsura ng mga 'to, pero kuntodo pigil. Sinusubukan ko lang ang pasensiya nila.

"'Pag di ka tama, galit kami ni Mona ta 'yo!" Nag-second the motion naman si Mona.

"O, Ate, ready na kami ng mga bata. Si Mommy naliligo na," sabi ni Alice. Papasok ito sa kuwarto ko. "Dapat makaalis tayo kaagad para maaga tayong dumating."

Hindi pa rin ako kumikilos. Napahikab pa ako. "Good night ulit mga girlsh. Tutulog ulit shi Tita! Babay! Enjoy na lang kayo!"

"O, paano yan girls, parang ayaw ni Tita niyo?"

"Kakainit ka naman, Tita!" sabi pareho ng kambal. Yong isa nakairap. Yong isa nakahalukipkip. "Di ka na namin bati!" Aba at ang tataray pala nito pag nagagalit.

"Di ka na namin lab ni Lita!"

"Joke lang! Puwede ba 'yon? Lalabs ko kayo!" Bumangon na ako. "Ayoko ngang maiwan dito mag-ita. Baka may multo dito, eeew! Bati na tayo, ha?" Ngumiti na yong dalawa at naglululundag sa kama. Sabay kong inabot ang mga kamay nito. "Come here, you two and give Tita a long kish!" Sabay naman akong hinalikan nitong dalawa sa magkabila kong pisngi. "Sige na. Bababa na ako. Hintayin niyo ako, ha? Huwag niyo akong iwan?"

Tinapi ko na sa may puwetan ang mga 'to at nagtatakbo na sila papalabas. "Yehey, tama na ti, Tita!"

"Dahan-dahan kayo at baka may madapa sa inyo!" saway ni Alice. "Nakahanda na ang breakfast mo, 'Te!"

"Uy, naglalangis!" biro ko.

"Hindi ako ang naglalangis, yong mga bata!"

"Wee.." Napangisi na lang ako. "Kunwari ka pa diyan."

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon