KINABUKASAN, naisipan nila Beverly at Stephen na ipasyal si Kakay sa mall. Bagamat maganda na ang kundisyon ng senyora, hindi pa talaga ito makapaglakad nang maayos kaya pinagamit nila ito ng wheelchair. Napilitan na lang ding sumama ng senyora kahit nahihiya ito.
Bandang hapon na sila lumabas. At para hindi naman mahiya si Kakay ay si Stephen ang naging tagatulak ng wheelchair nito. Naglakad-lakad muna sila at tumitingin-tingin sa ilang shops. May mga nabili rin silang ilang kagamitan. Hindi naman nagsisi si Kakay sa pagsama sa pamamasyal dahil naaliw naman ito lalo na at nakita nitong masaya ang kaniyang anak, maging si Beverly.
Nang mapagod sa pamamasyal at makaramdam sila ng gutom ay pumasok ang mga ito sa isang restaurant para kumain. Pagkatapos nilang makakain, biglang nakaisip si Kakay ng paraan para magkasarilinan ang dalawa. Inutusan niyang mag-grocery si Stephen na kasama si Beverly. Ayaw pa sanang sumama ni Beverly, ngunit naging mapilit ang senyora dahil may kasama naman itong isang kasambahay sa paghihintay sa kanila.
Masayang nagkukulitan ang dalawa habang namimili sila ng ilang grocery items. Wala silang kamalaymalay na pinagtitinginan na pala sila ng ibang tao dahil sa panay ang biruan at tawanan ng mga ito. Maging si Stephen ay nakalimutan na ang kaniyang sentimiyento sa napurnadang anniversary date nila ni Sophie nang nakaraang gabi.
GABI na nang dumating sila sa bahay. Sinalubong kaagad sila ng isa pang kasambahay. "Senyora, may bisita po kayo, pinapasok ko na po sa loob," sabi nito kay Kakay.
"Cora, di ba sinabi ko sa inyo, huwag kayong magpapasok sa loob pag di niyo kilala 'yong tao?" sabi ng senyora.
"Ay sori po, Senyora. Mukha naman po siyang mabait. Saka sabi niya pamangkin mo naman daw po siya," paliwanag ng kasambahay.
"Kahit na! Paghintayin niyo lang sa labas, pag di niyo kilala. Wala sa hitsura ang masasamang loob!" yamot na binitiwang salita nito.
"Opo, Senyora. Next time po," ani Cora.
Tahimik lang si Beverly sa pagtulak ng wheelchair. Si Stephen naman ay inabot kay Cora ang ilang dalang grocery bags. Pagkatapos, pumunta na sila sa sala.
"Look who's here?" Sa sobrang pananabik, tumakbo papalapit si Stephen. "Good to see you, Kuya Phil!" Nagyapusan ang dalawa.
"Hello Pen? Pen-pen de Sarapen!" sabi ng bisita.
Habang nagbibiruan ang dalawa, si Beverly naman ay nakatulala. Hindi siya makapaniwala sa bisita ng mag-ina. Lalo pang bumilog ang kaniyang mga mata nang lumapit na ito sa kanila ni Kakay.
"Philippe," bati ni Kakay. "Kanina ka pa ba?"
"Hello po Tita Kaye...Medyo po." Nagbeso ito sa tiyahin. Nakita rin niya ang gulat na gulat na si Beverly. "Pasensiya na po, kung pinilit ko yong maid niyo na patuluyin ako."
"It's ok. Tinuturuan ko lang si Cora," sagot ni Kakay.
"Pinapunta po kaagad ako ni Mama nang malaman niya na may sakit po kayo. How are you, Tita?" sabi ni Philippe kay Kakay ngunit nakatingin kay Beverly.
"Sabihin mo sa kaniya, I'm staying alive," patawang sabi ni Kakay. "Buti naman naisipan mo akong dalawin," patampong sabi pa nito.
"How's Tita Anna also? Bat' di mo siya sinama dito?" tanong ni Stephen.
"She's good! Busy sa kaaalaga sa mga apo niya." Pasulyap-sulyap ito kay Beverly habang sumasagot.
"Buti pa ang kapatid ko marami ng apo, samantalang ako, ni isa wala pa," biro ni Kakay
"Ma, konting tiis na lang. Malapit ka na naming bigyan ni Sophie," ani Stephen.
Samantala, si Beverly naman ay nananatiling tahimik. Wala kamalay-malay ang mga ito na nanlalambot na ang mga tuhod niya, pati ang mga kamay niya ay nanginginig na rin. Hindi lang siya nagpapahalata, ngunit namumutla na at pinagpapawisan na siya ng malamig sa noo. Kumapit siya nang maigi sa hawakan ng wheelchair.
![](https://img.wattpad.com/cover/33321051-288-k666991.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Huling Biyahe ni Ms. Beverly
RomanceSimple lang naman sana ang pangarap ni Beverly Llamado at iyon ay magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ang lalaking kaniyang mapapangasawa. Sa kasamaang palad, siya ay nabigo. Ito ang nagtulak sa kaniyang magtrabaho sa Amerika bilang isang reg...