NAKIPAGKITA sa isang bar sa Malate si Stephen sa apat niyang matatalik na mga kaibigan na sila Ariel, Tom, Joel, at Harold.
"Speaking of the devil, dumating na rin ang pinakaguwapo sa grupo!" sabi ni Joel.
"Alam niyo naman kung bakit 'yan laging nahuhuli sa lakad natin? Tingnan niyong mukha na to?" Hinawakan ni Harold ang mukha niya at ipinihit ito kina Ariel at Tom. "Ito ang ebidensya! Tingnan niyo ang damit, ni walang gusot. Gabi na 'yan, ha?"
"Leave him, Harold!" sabi ni Ariel. Napansin kasi nito na biglang inalis ni Stephen ang kamay ni Harold. Nagkatinginan pa ang dalawa. Nang tumahimik na si Harold, "We have a very important announcement. Next year, someone is going to tie a knot with a supermodel!" Tinapik ni Ariel ang balikat ni Tom na ngingiti-ngiti.
Napasigaw si Stephen. "Whoa! So, this is the surprise you want to tell us? Congrats Tom. Cheers!"
"Ikaw naman ang susunod, di ba Stephen?" tanong ni Tom.
"Hope so," tatango-tangong sagot niya.
"Hope so?" tanong ulit ni Tom. "Bakit naman?"
Sumagot bigla si Joel. "May LQ kasi sila ni Sophie, at ang third party, guess who? Are you ready for this guys? Isang cougar! Remember 'yong ale na nakita natin sa Tagaytay? That's the one!" Napatulala ang tatlo.
Napakamot na lang siya sa batok.
"How did it happen, Bro?* takang tanong ni Tom.
"Wala na yon, mga bro. Ok na kami ni Sophie," depensa niya.
Tinulak siya ni Joel ."Hoy, anong ok? Sabi sa amin ni Sophie, nagseselos siya do'n? Magseselos ba yon kung walang dahilan? Alam niyo naman ang mga babae, ang lakas ng radar."
Patuloy lang sa pagtanggi si Stephen at inom lang siya ng inom ng kaniyang beer.
Sabay-sabay na siya ng mga itong inasar. "Kala pa naman namin, head-over-heels ka diyan kay Sophie? Bro, baka nagayuma ka o nakulam ka ng matronang 'yon?" Sabay-sabay din silang nagtawanan.
"Sayang naman kung hindi kayo magkakatuluyan ni Sophie. Three years is three, so don't waste it," sabi ni Ariel.
"Pinipilit ka pa rin ba ni Tita, to marry that old chick?" tanong ni Joel.
"Baka hen? Mukha na kasi yong inahen," biro ni Harold. "Kadiri ka naman! She's old enough to be your mom!" Tumawa pa ito nang todo.
Nanahimik lang si Stephen, ngunit napapadiin na ang hawak niya sa baso.
"Grabe ka talaga, Bro. Bilasa na yon!" dagdag ulit ni Harold. Tumawa na naman ulit ito ng malakas, habang ang tatlo ay nanahimik na dahil napansin na nila na nag-iiba na ang hitsura ni Stephen. Tumatalim na ang titig nito kay Harold.
Nang di niya na mapigilan ay tumayo siya at itinaas ang braso at ipinatama niya sa mukha ni Harold ang kaniyang kamao. "You better watch your mouth, Bro! You don't even know her! What's so funny about it?" sigaw niya. Hindi na niya pinansin ang mga tingin ng ibang mga tao sa bar.
Tumayo rin si Harold at aktong susuntukin siya ngunit biglang kumapit si Joel dito. Nagkatinginan na lang sila ni Harold. Pinaupo sila ni Joel, ngunit si Harold lang ang naupo. Humingi naman ng paumanhin si Joel sa mga katabi nilang mesa.
"Chill mga pare, nagbibiruan lang tayo! H'wag masyadong maiinit!" saway ni Tom. Hinawakan na siya nito. "Upo ka muna, Pare. Harold, stop ka na muna," sabi pa niya. Umupo na nga si Stephen.
"Sorry na. Alam mo naman pag nakainom ako nagiging tactless na ako," paumanhin ni Harold sa kaniya. Tumango siya at kumalma na.
"Well, ang daming surprises ngayon. Kung saan ka masaya, doon din kami happy!" sabi ni Ariel. "So, paano na si Sophie?"
BINABASA MO ANG
Ang Huling Biyahe ni Ms. Beverly
RomanceSimple lang naman sana ang pangarap ni Beverly Llamado at iyon ay magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ang lalaking kaniyang mapapangasawa. Sa kasamaang palad, siya ay nabigo. Ito ang nagtulak sa kaniyang magtrabaho sa Amerika bilang isang reg...