XXXIV - Goodbye Sophie, Goodbye Philippe

31.2K 603 8
                                    

HINDI inaasahan ni Sophie na kakausapin siya ni Kakay sa muli niyang pagbisita sa bahay nila Stephen. Iniiwasan pa naman niya din ito dahil alam niya na hindi nito nagustuhan ang nangyari nang maabutan sila ni Beverly na magkasama sa kama ni Stephen, kaya hindi niya maiharap ang sarili dito.

"Mukhang nagkabalikan na yata kayong dalawa ni Stephen?" tanong nito. May nararamdaman siyang pagaalilangan sa matanda. Parang hindi ito masaya sa kanilang pagkakabalikan.

Napangiti siya. "Konting misunderstanding lang po 'yong nangyari sa amin ni Stephen, but we're ok now, Tita."

"I see. Mabuti naman pala kung ganoon. Hindi ko lang kayo maintindihang dalawa, lalo na si Stephen." Napa-iling ito. Magulo nga kasi ang kanilang sitwasyon. "Ayoko sanang makialam sa personal na buhay ng anak ko, pero sa nakikita ko, he's not the same as he was before."

"What do you mean po?" takang tanong niya. Ang tutuo, nagmamaang-maangan lang siya. Kahit siya ay ganoon din ang nararamdaman niya sa kaniyang nobyo, hindi na ito ganoon kainit sa kaniya, ngunit pilit niya itong itinatanggi sa sarili.

"This is just a piece of advice, Iha. Ang mga lalaki kapag laging wala ang babae nila sa tabi, naghahanap ito ng iba. Someone who will make them feel important. Hindi naman kailangan oras-oras lagi kang nandiyan sa tabi ni Stephen, kundi bigyan mo din siya ng panahon. Not too much, not too little."

"I understand what you mean po." Kaya siguro napalayo ang loob din ng matanda sa kaniya ay dahil sa akala nito ay napapabayaan niya si Stephen. Sana lang, huwag itong maging dahilan para tuluyan na siyang ayawan nito. "But I am trying my best to spend more time with him, nowadays, Tita." Kahit na nga hirap siya sa kaniyang pag-aaral ay pilit niyang pinaglalaanan ng oras si Stephen.

Tumango si Kakay. "Don't take this against me, Sophie. You and Stephen had been there for three years. Alam kong hindi basta mawawala na lang ang pagmamahalan niyo sa isa't isa, kaya nga sana unawain mo na lang muna siya nang maigi." Nakita niya ang lungkot nito para sa anak. Kung puwede nga lang din niyang sabihin na maging siya man ay may pinagdadaanan din. Hirap siyang pagsabayin ang kaniyang pag-aaral at ang personal niyang buhay.

"No po, Tita. Why should I? Nagpapasalamat nga po ako sa payo niyo. You're like a mother to me na po." Dati, malapit ito sa kaniya, pero iba na ang nararamdaman niya dito. Mas malapit na ito sa kaniyang karibal. Pilit din siyang gumagawa ng paraan para makuhang muli ang loob nito, ngunit parang hindi siya nito gaanong napapansin. Isa rin ito sa mga hinanakit niya dito.

"Yes, I know. And thank you for taking care of my son." Kahit paano ay natuwa siya dahil sa kaniya pa rin nito ipinagkakatiwala ang anak. "Well, he's up there. Laging nagmumukmok sa kuwarto. But I don't want the two of you get naughty again over there. Last time, I'm quite disappointed with you." Binigyan siya nito nang madiing tingin.

"Sige po. Sorry po about last time. Di na po yon mauulit," nahihiyang sabi niya. Kahit paano ay nakapag-ayos na siya sa matanda.

Tumango na ang senyora at pinaakyat na siya. Pag-akyat naman niya ay nasalubong niya si Stephen na papalabas ng kuwarto, bihis na bihis at nagmamadali.

"Saan punta natin?" tanong niya. Kumapit pa siya sa braso nito. "Sama ako, Hon?" lambing pa niya.

"Siyempre naman. Ikaw pa? I was about to call you nga...Binyag ng anak ni Ariel."

"Tara!" Nakakapit siya dito nang bumaba na sila ng hagdan.

Paglabas nila sa gate ay nakaabang na ang kanilang sasakyan. Sumakay sila sa kotse ni Ariel. Naaliw naman siyang pagmasdan na masaya at masigla si Stephen, taliwas sa sinabi ni Kakay sa kaniya. Naalaala niya nang maabutan niyang nag-uusap si Beverly at si Stephen sa isang okasyong nadaluhan nila. Nakita niya na umiiyak ito. Tinanong naman niya ito kung anong napag-usapan ng dalawa, ngunit ayaw naman nitong ipaalam sa kaniya. Iyon ang naisip niyang dahilan kung bakit nagmumukmok si Stephen. Marahil, kailangan lang nitong lumabaslabas kasama ang mga kaibigan para hindi na naiisip nito si Beverly. Mabuti na rin at nakasama siya sa lakad nito.

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon