Beverly's POV
NAGLILINIS ako ng bahay nang marinig kong nagtatatalak sa kabilang door ang kapatid ko. Pinakiramdaman ko lang muna sila, at nalaman ko na may pinagseselosang babae si Alice, as usual. Selosa masyado itong kapatid ko, may hitsura naman kasi ang bayaw ko. Mabait naman siya, responsableng ama, at hindi ko talaga alam kung tutuong nambabae ito.
Mayamaya ay nanahimik si Alice. Siguro ay nahimas na siya ni Ramon. Hay naku! Ganoon ba talaga tayong mga babae?
Si Alvin naman ay bumaba na sa taas, papasok sa school. Parang kailan lang ay baby pa lang 'to, ngayon binata na, ang kaso medyo may kapayatan. Buti na lang tisoy, kahawig raw siya ng namayapa kong ama. Sayang, di ko na maalaala ang hitsura ni Daddy. Masyado pa akong bata noon ng kunin siya sa amin ni Papa God.
Agad kong tinawag ang aming kasambahay. "Day, ipaghain mo nga ng almusal si Alvin."
"Wag na po Tita. Magkakape lang naman po ako," aniya habang sinasara ang butones ng polo uniform nito.
Kumunot ang noo ko sa aking narinig. "Kape, nakakabusog ba yan? Kaya naman pala ang payat mo. Matangkad ka nga pero ang payat mo naman!" Para kasi itong kawayan. Kung tumaba lang ito, aba para na itong si James Reid.
Bigla itong sumimangot. "Tita naman, ang aga-aga sermon kaagad. Di po talaga ako nag-aalmusal. Wala po kasi akong gana sa umaga."
"Wala kang gana o tinatamad ka lang. Baka sabihin ng mga kapitbahay natin, wala na tayong makain."
Sa inis nito ay naupo ito sa upuan ng padabog. "Hindi po ako magpapa-apektto sa sasabihin nila. Sige po, kakain na lang po ako."
Sa ayaw man o sa gusto ni Alvin ay pinakain ko pa rin siya. Pinagluto siya ni Inday ng sunny side-up na egg at ilang pirasong bologna sausage. Tinimplahan ko na rin siya ng chocolate milk.
Kitang-kita ko na napilitan lang siyang kumain. Habang kumakain siya ay gusto kong matawa sa hitsura nito, pero baka magalit. Masyado yata itong na-stress sa school nila kaya nangayayat. Panay daw ang puyat nito sabi ni Mommy sa kaaaral. Mabuti naman.
"Ubusin mo yan para tumaba ka. Pasalamat ka nga kasi yong iba diyan walang makain samantalang ikaw, masarap na ang kinakain mo ayaw mo pa. Yong iba kelangan pang magbanat ng buto para lang may makain." Kailangan ko pa rin siyang pagsabihan para hindi siya magkasakit.
Lalong binilisan ni Alvin ang pag-nguya, bumubulong-bulong pa ito ng, "Ang aga-aga sermon."
Nairita naman ako sa narinig ko. "Ayusin mo nga yang pagkain mo baka mabilaukan ka. Buti nga dito may kasambahay kayong naghahanda, samantala sa America, walang katu-katulong. Kanya-kanyang trabaho doon!"
Tinalikuran ko na ito. Siyang dating naman ni Alice.
"Alvin, bilisan mo na kung sasabay ka daw sa Papa mo!" Tumayo na si Alvin at kinuha ang bag niya. "Ang bagal talaga ng batang yan kaya laging nale-late! Bilis na Alvin, baka iwan ka ng Papa mo." Ilang sandali pa, lumabas na rin si Alvin at nagpaalam na kay Alice at sa akin.
Pagka-alis ni Alvin tinanong ko si Alice. "Ano na naman ang drama niyo kanina ni Ramon at ang aga-aga nagdada-dakdak ka diyan?"
Nakita ko na may natira pang sausage kaya pinapak ko na lang ito. Naupo na rin si Alice. "Kumain ka na ba?" tanong ko.
"Tapos na Ate Baby. Malakas ba yong boses ko? Hininaan ko na nga. Wala yon Ate. Inumaga kasi nang uwi si Mon, nasiraan daw siya. Yung isa ngang taxi ang gamit niya ngayon."
May dalawang taxing hinuhulugan sa akin sila Alice. Yan ang kanilang bread and butter.
"Yon naman pala, eh. Puro ka hinala mamaya niyan totohanin na ni Mon ang pambabae. Di ba kung mahal mo ang isang tao, dapat may tiwala ka?"
BINABASA MO ANG
Ang Huling Biyahe ni Ms. Beverly
RomanceSimple lang naman sana ang pangarap ni Beverly Llamado at iyon ay magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ang lalaking kaniyang mapapangasawa. Sa kasamaang palad, siya ay nabigo. Ito ang nagtulak sa kaniyang magtrabaho sa Amerika bilang isang reg...