V - Ang Dilemma ni Aling Kakay

45.9K 786 29
                                    

KARARATING lang ni Aling Kakay nang maabutan niya si Stephen sa bahay nila.

"Ma, you're late! Where have you been?" tanong ni Stephen. Tumayo ito at hinalikan ang ina sa pisngi. Pagkatapos, sabay na naupo magkatabi ang dalawa sa sofa.

"Galing ako doon sa bahay ng high school best friend ko. Yong sinundan natin from the hospital?"

"Yeah, I remember. So how was she?"

"Medyo nanghihina pa. Nakakaawa nga."

"Sariwa pa kasi ang sugat," dagdag naman ni Stephen.

"But I'm glad she's ok now. Hay naku super mahal talaga ng ganoong operasyon. Kawawa ang mga walang pera." Napabuntong-hininga pa ito. "I don't want to go with that kind of operation. Imagine, how big the incision was made? Hindi ko kakayanin ang ganoon." Hinaplos-haplos pa nito ang kaniyang nagsitindigang balahibo sa braso.

"Kaya nga po bawal magkasakit. Prevention is better than cure. Yan ang laging sinasabi sa akin ni Sophie." Sabay hagod ni Stephen sa likod ng ina. "Kaya nga kami ni Sophie ko, super conscious kami sa aming health. We exercise regularly and we're so conscious about our diet," pagyayabang ni Stephen. "At pag matanda na, magpa-check up," sarkastikong komento nito.

"You have a point there and I'm not going to argue with you, Doc Stephen!" biro ng ina. "Pero namimiss ko yong dating sigla ng kaibigan ko. Nakakamiss talaga ang kabataan. If we can only stop getting older and older everyday." Tumingin ito sa anak, "Do I look that old, Iho?" nahihiyang tanong ni Aling Kakay.

"No Ma! You still look young and beautiful," pangiting sagot ni Stephen. Pinisil pa nito ang baba ng ina. "Why Ma, do you feel old na ba?"

"Of course not!" Hinampas pa ni Aling Kakay ang braso ng anak.

"Kaya nga po Ma, magpa check-up ka na sa tito ni Sophie para matingnan na yang tuhod mo na laging namamaga. Lagi mo na lang yang pino-postpone, Reklamo ka naman nang reklamo sa akin kapag inaatake ka ng arthritis mo." dagdag pa niya.

Ang tutuo niyan, natatakot si Aling Kakay magpaduktor kaya iniiwasan niya ang ganitong usapan. May iniinda kasi itong sakit na osteoarthritis sa magkabilang tuhod. Kadalasan ang sakit na ito ay makikita sa mga matatanda na at may kabigatan ang timbang. Dahil napapadalas at mas lalong sumasakit na ang mga tuhod nito kaya napasugod ang mag-ina noon sa hospital. May mga gamot naman siyang iniinom kaya kahit paano ay nakakayanan pa niya ang kaniyang karamdaman.

"Matagal na palang balo si Naz at may dalawang anak na babae siya. Yong isa dalaga pa at yong isa may asawa na at tatlong anak."

Napansin ni Stephen ang pag-iwas ng ina sa kanilang pinaguusapan. "Change topic kagad, Ma? Ok, Let me guess, siguro yong matabang ale ay yong may maraming anak?"

Napailing si Aling Kakay. "Si Beverly yon. Siya yong dalaga, pero RN yon galing sa US. Umuwi lang para maalagaan ang Tita Naz mo. Yong maganda at sexy ay si Alice, siya yong bunso. Imagine, mag-aapat na ang anak no'n? Akala ko nga dalaga pa."

Napatingin pataas si Stephen, naalala niya ang babaeng nakabanggaan niya. "So, Beverly pala ang pangalan no'n." Napabungisngis pa ito.

Napakunot naman ng noo ang ina. "What's so funny about that?"

"Wala naman po, Ma." Napatigil ito sa pagtawa. "Registered Nurse pala yon. Kala naman namin medical consultant. Kung makaasta kasi." Tatango-tango pa ito. "Nakakatakot siguro yon pag siya ang mag-aalaga sa iyo?"

"Actually, she's a good nurse sabi ni Naz. Matalino at madiskarte daw si Beverly at very compassionate pa. Kaya nga mahal na mahal siya ng kaniyang mga Amerikanong pasyente." Binuraratan naman nito ng mga mata si Stephen.

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon