Chapter 9

17K 531 48
                                    

ARKHE

"I WILL TALK to Morris," sabi sa 'kin ni Amanda habang magkausap kami rito sa opisina niya sa bahay.

Nalaman niya kasi ang nangyari sa 'min ni Morris. Hindi ko na nga dapat sasabihin kasi ayoko namang lumabas na sumbungero, tsaka alam kong marami na rin siyang iniisip. Ayoko nang dumagdag. Kaso ang kasambahay nila na nakakita sa 'min ni Morris ang nagsabi. Kaya kinwento ko na lang din nung pinatawag niya ako.

"Mayabang talaga ang Morris na 'yan," dagdag pa ni Amanda. "All Reverentes are like that. They're always so full of themselves."

Bumuntong-hininga ako. "Pasensya na talaga. Napikon lang ako no'n kaya ako nanugod."

"I understand. Kung ako rin siguro ang sabihan ni Morris ng mga gano'n, for sure iinit din ang ulo ko. Actually, I still don't get why he said those things."

Tipid akong ngumisi. "Halata naman kung bakit. Hindi talaga ako naniniwala na walang ibang ibig sabihin ang pagpapakabait niya kay Sab." Napahinga ulit ako nang malalim sabay haplos sa batok ko. "Tsk, nawala na kasi 'yon sa eksena dati. Ngayon bumalik na naman. Nagulat pa 'ko na bigla siyang lumitaw, samantalang ang alam natin dalawang linggo siya sa business trip."

"I know. Nagulat din ako. Hindi ko nga alam kung paano niya nabalitaan na dito ka na nakatira."

"Hindi mo ba nabanggit?"

"No. I haven't even talked to him since he left for Japan."

Napabuntong-hininga ulit ako. Lalo talagang lumalakas ang kutob ko sa gagong 'yon. Hanggang ngayon nga kapag naaalala ko ang mga sinabi niya sa 'kin, nanginginig pa rin 'tong mga kamao ko. Buti hindi ko na ulit nakita ang hayop na 'yon. Hindi pa ulit pumupunta rito.

"Don't worry," patuloy naman ni Amanda. "Ako nang bahala kay Morris. Sisiguraduhin kong hindi na ulit siya makakalapit sa inyo ni Isabela."

"Salamat. Gusto ko lang din klaruhin na hindi ako nananamantala at wala akong balak. Hindi ako gano'n. Ginagawa ko lang lahat ng 'to para kay Sab."

Bigla na siyang natawa. "Of course I know that. Umpisa pa lang magaan na ang loob ko sa 'yo. Wag mo nang problemahin si Morris, okay? I'll take care of him."

Tumango-tango ako, tapos tumahimik saglit bago ulit nagsalita. "Tanong ko lang, bakit nakikipag-trabaho pa rin kayo sa mga Reverente? Alam niyo ng may ugali sila. 'Yong si Morris, ang laki ng kasalan no'n kay Sab."

Ang tagal ko na kasing gustong malaman 'yon. Nahihiya lang akong mangialam sa negosyo nila, pero nagtataka talaga ako kung bakit kumakapit pa rin sila kila Morris kahit na alagad ng demonyo ang gagong 'yon. Dapat nga matagal na nilang inilayo 'yon kay Sab.

Huminga naman muna siya nang malalim sabay ngumiti nang mapait. "Kung ako lang, ayoko na talagang makipagtrabaho sa mga Reverente simula nung nalaman ko ang ginawa ni Morris sa inyo ni Isabela, lalo na sa kapatid ko. But I had no choice. Naiipit din ako kasi masyadong malaki ang parte nila sa mga negosyo namin. We can't drop them just like that. Marami silang nalalaman at napakarumi nilang maglaro. One wrong move, and all our businesses will be dead. Lalo na ngayon na hirap kami, mas kailangan namin sila . . .

. . . I admit that yes, they're very greedy and they use their power to get whatever they want. Pero hindi ko rin maitatangging magaling talaga sila sa negosyo. Nung mawala ang mga magulang namin ni Isabela, ang mga Reverentes ang tumulong sa 'min para ma-sustain ang mga businesses namin. Malaki ang utang na loob namin sa kanila. Isabela knows that. Kapag nagkakasagutan kami dati, palagi niyang pinamumukha sa 'kin na hawak ako sa leeg ng mga Reverente. Hindi ako makalaban kasi alam kong totoo . . .

. . . But don't worry, makakawala rin kami sa anino nila. Kaya nga mas lalo kaming busy ng asawa ko ngayon. We're meeting with new possible business partners and investors. Patago lang, kasi alam kong hindi papayag ang mga Reverente. I told you they're very greedy."

Everything I Need [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon