Chapter 30.1

16.7K 724 166
                                    

ISABELA

"THEO?" TAWAG KO habang tutok siya sa pagda-drive.

Hindi kasi talaga ako makaidlip sa byahe kaya naisip ko na lang makipag-kwentuhan.

Lumingon naman siya sa 'kin. "Hmm?"

"Hindi ko pala naitanong ito sa 'yo kagabi habang kumakain tayo. Naikwento ko na sa 'yo kung bakit kami naghiwalay ni Arkhe at kung anong mga pinagdaanan ko kay Morris, pero ikaw, hindi kita na-kumusta. How have you been in the past months?"

Bumuntong-hininga siya. "Ayos lang. Nasa Batangas lang naman ulit ako. Gumagala paminsan-minsan, pero madalas nasa bahay lang. Lalo na noong nag-umpisa nang magkasakit si Mama."

"Where's your girlfriend? Bigla ko lang naalala. What's her name again? Nikola, right? I know her."

"Wala na kami."

Hindi siya makatingin sa akin nang isagot niya iyon, pero ako nakatitig pa rin sa kanya. "May I know what happened? It's okay if you don't want to tell me."

Hindi siya sumagot.

Akala ko hindi na talaga siya iimik kaya hindi na ulit ako nagtanong. Binalik ko na lang ulit ang tingin ko sa bintana ng kotse.

Pero maya-maya ay muli siyang nagsalita. "Nakipag-hiwalay siya sa 'kin kasi ayaw niya raw makagulo sa 'min ni Arkhe."

Napatingin ulit ako sa kanya. "W-what do you mean na ayaw niyang makagulo? Sa pagkakatanda ko, okay na sila Arkhe at Nikola. Nakapag-usap na sila dati."

Hindi na naman siya sumagot.

"Did something happen, Theo?"

Huminga ulit siya nang malalim. "Ayoko na sana 'tong sabihin sa 'yo. Pero noong gabing naghiwalay kayo ni Arkhe, umuwi siya sa bahay. Nandoon kami ni Nikola. Nahuli ko siya na dapat hahalikan ang girlfriend ko."

My eyes widened. "A-Arkhe tried to kiss her?"

Tumango siya.

Napabagsak ako ng mga balikat.

Parang hindi ko kayang maniwala. Why would Arkhe do that? Dahil ba galit na galit siya sa 'kin noong mga panahong 'yon? Alam kong wala akong karapatan, pero bakit nasaktan ako?

"Nasapak ko si Arkhe no'n," patuloy pa ni Theo. "Nasaktan ko siya dahil sa ginawa niya. Pagkatapos no'n, umalis na ako at bumalik sa Batangas. 'Yon na ang huling beses na nagkita kami."

Napayuko ako. "I'm sorry, Theo. I know it's my fault. Nadamay pa tuloy kayo ni Nikola. Alam kong nagawa lang ni Arkhe 'yon dahil sa sobrang sama ng loob niya sa 'kin."

"Wala kang kasalanan. Kung ano mang ginawa niya, desisyon niya 'yon at ginusto niya."

"But still, I'm so sorry."

Huminga na naman siya nang malalim. "Hindi nga alam nila Mama na nag-away kaming magkapatid. Hindi kasi talaga kami nag-aaway no'n kahit isang beses. Pakiramdam ko tuloy, 'yon ang dahilan kung bakit hindi siya nagpaparamdam. Malamang masama ang loob no'n sa 'kin."

"I don't think so. Ark loves you as his brother. Sigurado akong hindi ikaw ang dahilan kung bakit hindi siya nagpapakita."

"Alam mo bang wala na ang Third Base?"

I didn't answer. Tiningnan ko lang siya kasi ayokong mahalata niya na alam ko.

"Pumunta ako ro'n," patuloy niya sa sinasabi. "Sinara na niya pala ang club at binenta pa. Wala man lang akong kaalam-alam. Sa tuwing may malaki siyang desisyon na kailangang gawin, ako ang kinakausap niya. Lalo na kapag tungkol sa club. Pero ngayon, hindi niya man lang ako sinabihan. Wala na siguro talaga siyang pakialam sa opinyon ko. Hindi rin alam nila Mama ang tungkol do'n. Pinagtatakpan ko na lang lahat para hindi sila mag-alala."

Everything I Need [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon