ISABELA
"ISABELA!"
Tuluyan nang nasira ni Morris ang pinto ng silid.
Wala na akong naramdamang kahit na anong takot. Nakaluhod lang ako rito sa sahig at umiiyak habang yakap-yakap ang envelope na binigay sa 'kin ni Arkhe. Pumipintig ang ulo ko sa sakit dahil sa dami ng mga ala-alang bumalik sa 'kin, pero mas nangingibabaw ang sakit ng puso ko. Hindi ko matanggap na hinayaan kong mawala sa 'kin si Arkhe.
"You really never listen!" Bigla akong hinigit ni Morris sa braso patayo at bumulyaw mismo sa mukha ko. "'Di ba sinabi kong huwag na huwag kang papasok sa kwartong 'to!" Sabay sampal niya sa 'kin nang malakas sa pisngi!
Hindi ako nakalaban at dumiretso ako ng bagsak sa sahig. My knees were shaking but I still managed to stand up right away and I hit him in the chest. "Demonyo ka talaga! Napakasama mo, napakasama mo!" Pinaghahampas ko siya sa dibdib.
Hinawakan niya naman ako palayo at muli akong sinigawan. "Stop it! Masasaktan talaga kita!"
"E 'di saktan mo ako!" Galit kong inalis ang mga kamay niya mula sa mga balikat ko. "'Yan lang naman talaga ang kaya mong gawin. Ngayon alam ko na kung bakit ayaw mo akong papasukin dito sa kwarto. Kasi nandito lahat ng mga kademonyohan mo! Ano pang mayroon sa kwartong 'to, ha? Ano pang mga sikreto niyo rito!"
Hindi siya nakasagot at dapat aagawin niya na lang sa 'kin ang kapit kong envelope, pero nagmatigas ako at hindi ko binigay sa kanya. "No! Napakasama mo para itago ito sa 'kin. Lalo mo lang akong nilayo sa mga alaala ko!"
Bigla niya akong hinawakan sa mukha gamit ang isang kamay at diniin ang mga kuko niya sa mga pisngi ko. His eyes were burning with rage. "At ano naman ngayon? Ano, matapang ka na dahil nakita mo na 'yan? Nothing will change, Isabela. Akin ka pa rin at hindi ka na makakawala pa!"
"Who told you that? Makakawala ako sa 'yo! Babalikan ko si Arkhe at ipakukulong ka namin!" Tinulak ko siya at tumakbo ako palabas ng silid habang yakap-yakap pa rin ang mga alaala namin ni Arkhe.
Tinawag pa ako ni Marisol na ramdam kong nag-aalala, pero hindi ko siya pinansin.
Hindi na ako natatakot. I've had enough! Kung kailangan ko ng tumalon sa bintana ng attic para lang makawala, gagawin ko. Gagawin ko lahat para lang makabalik kay Arkhe at Amanda.
Hindi pa naman ako nakakalayo nang marinig ko si Morris na biglang tumawa nang malakas. Napahinto ako sabay tingin nang masama sa kanya.
Lumabas na rin siya ng silid at tawa pa rin siya nang tawa sa 'kin. 'Yong tawa niya, nakaka-insulto. Baliw na talaga siya!
"Ah yes, that Arkhe," mayabang niya pang sabi sa 'kin. "Ayokong sirain ang pagda-drama mo, pero wala ka ng Arkhe na babalikan."
My hand balled into a fist. "What are you talking about."
Unti-unti na siyang naglakad palapit sa 'kin. "Alam mo, wala na nga dapat akong interes sa Arkhe na 'yon. Nakuha naman na kita kaya wala na akong pakialam sa kanya. But just earlier at the office, someone broke the news to me . . ."
Ngumisi pa siya bago nagpatuloy sa pagsasalita.
". . . Arkhe is dead."
Ang bilis nanghina ng mga tuhod ko at bigla akong nahirapang huminga. Pinipilit kong iproseso sa utak ko ang sinabi niya sa 'kin.
I know it's not true. That's impossible! Tinitigan ko siya nang masama kahit na sinasalakay na ako ng takot. "Napakasinungaling mo talaga. Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sa 'yo?"
"You don't have to believe me if you don't want to, sweetheart. But I'm telling the truth. Kaya nga gustong-gusto ko na sana agad makauwi sa 'yo ngayon para masabi ko na ang magandang balita. He's gone. Your beloved Arkhe is gone."
BINABASA MO ANG
Everything I Need [BOOK 2]
General Fiction[COMPLETED] After a life-altering surgery, Isabela Rose Santiaguel's memories of her beloved Arkhe Alvarez vanish into thin air. Can Sab's heart rekindle what her mind has lost, or is it time for Ark to reconstruct a new life without her? ***This is...