Chapter 37

17.2K 650 189
                                    

ISABELA

"ISABELA?" MULING LUMAPIT sa akin si Arthur dito sa loob ng museleo. "Let's go home, it's past 12 midnight. You need to rest."

Umiling ako habang nakatulala sa kawalan. "I don't want to leave. Hindi ko iiwanan si Amanda."

"It's late. Let's just go back here tomorrow morning."

"Ayoko. Kayo na lang ang umuwi."

"Please, Sab. Baka ma-ospital ka na naman niyan. Amanda won't be happy seeing you like this."

Bigla na naman akong napaluha. "I said I don't want to go home. Dito lang ako kay Amanda. Dito lang ako sa pamilya ko."

He didn't respond anymore. He was just staring at me. Then I heard him took a deep sigh before he turned away and left our museleo again. Hindi pa rin siya napapagod sa pagkumbinsi sa akin na umuwi na, at hindi rin naman ako napapagod na humindi.

My greatest fear has happened. Amanda is gone.

Why does life have to be this cruel to me?

Sobrang sama ko bang tao para mangyari ang lahat ng ito sa 'kin?

Gusto kong isipin na nananaginip lang ako, na pagkagising ko, nasa tabi ko na ulit ang kapatid ko. Pero hindi. Wala na siya. Wala na ang natitirang tao na nagmamahal sa akin. Mag-isa na lang ako ngayon.

Muli kong pinahid ang luha ko na katutulo lang.

Hindi ko na kaya, pakiramdam ko mababaliw na ako. I am here weeping silently in our museleo. Nailibing na si Amanda sa kung saan din nakalibing ang mga magulang namin. I wasn't able to hug her for the last time. Hindi man lang ako nakapag-paalam nang maayos sa kanya.

Noong sinugod kasi namin siya sa ospital at dineclare na dead on arrival, nag-collapse ako. I was unconscious for several days. Siguro dahil hindi ko na kinaya at bumigay na ang buong sistema ko. Nang magising ako, ililibing na si Amanda. Kung alam ko lang na gano'n na ang madadatnan ko, sana hindi na lang ako nagising.

If only God could give me one last time to hug her again and tell her how much I love her, kahit ilang minuto lang, I'll do it. But she's gone now. She's gone forever and will never come back again.

Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko para matigil na ako sa pag-iyak.

Pagod na pagod na ako. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung saan pa ako nakakakuha ng lakas ngayon para manatili rito sa museleo namin. Gusto ko ng sumuko. Gusto ko na ring sumunod kay Amanda. Kapag nangyari 'yon, makakasama ko na ulit ang buong pamilya ko. We will be complete once again and be a happy family in heaven. Nakakainggit na buo na sila ro'n, pero ako, naiwan dito.

I don't know if I can ever get through this. Kahit kailan hindi ko matatanggap na nawala na rin sa 'kin si Amanda. Iba ang klase ng sakit na nararamdaman ko ngayon. I feel like I'm being tortured.

There are times when I already question God. Bakit si Amanda pa? Siya na nga lang ang meron ako, ang nagiging lakas ko sa mga panahong mahina ako. Ilang beses akong nagmakaawa sa Diyos na wag kukunin sa 'kin ang kapatid ko kasi hindi ko kaya, pero kinuha pa rin. Gusto kong magalit! Amanda is an angel and loved by many. She has a husband, a child, a happy family. Bakit kung sino pa ang sobrang bait, 'yun pa ang kinuha niya? Bakit hindi na lang ako na ilang beses ng nagkasakit at wala naman nang patutunguhan ang buhay? Sana ako na lang. Handang-handa na ako, eh.

Napatakip ako ng mga kamay sa mukha ko dahil muli na naman akong napahagulgol.

Hindi ko na talaga kaya. I want to take my own life right now so I can finally end all these pain and sufferings. Pagod na pagod na akong mabuhay.

Everything I Need [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon