Chapter 34

20.2K 821 696
                                    

ARKHE

TULALA AKO SA labas ng flower shop ni Patrice pagkatapos ng nangyari.

Iisang tao lang si Isabela at si Rose.

Tangina, natatangahan ako sa sarili ko kung bakit hindi ko man lang naramdaman 'yon.

Gusto ko siyang puntahan at harapin para malaman kung bakit niya 'to ginawa. Pero pinigilan ko ang sarili ko kasi baka lalo lang akong pumitik sa galit at may masabing hindi maganda. Tsaka ayoko rin na bigla na lang iwanan si Patrice, lalo na't espesyal 'tong araw na 'to para sa 'min.

Hinilot ko ulit ang ulo ko na kanina pa kumikirot.

Pinipilit kong pagtagpi-tagpiin lahat, pero hindi ko talaga maisip kung paano kami napunta sa ganito.

Akala ko nanahimik na si Isabela. Ayokong isipin na sinadya niya 'tong gawin—na nagpanggap siyang ibang tao para makipag-kaibigan kay Patrice, pero 'yon ang nararamdaman ko ngayon.

Ano ba, hindi pa rin ba siya tapos? Gusto niya pa rin ba akong saktan? Tangina, gulong-gulo ako sa nangyayari.

Mali pa ang oras ng pagdating niya. Kung kailan nagpo-propose ako kay Patrice. Hindi niya na dapat nakita 'yon, kasi sa totoo lang, ayoko na talagang makasakit ng tao. Gusto ko na lang lumagay sa tahimik.

Simula nung nakipaghiwalay siya sa 'kin, kahit isang beses hindi ko siya ginulo.

May pakiramdam naman na ako na posible ulit siyang magparamdam kasi may nakita ako sa hideout nung huling beses akong dumaan. Alam kong pumupunta pa rin siya ro'n, pero hinayaan ko lang. Nanahimik pa rin ako at gumawa ng sarili kong mundo, tapos 'yon pala, may ganito na siyang ginagawa.

Si Amanda naman, bakit hindi niya man lang sinabihan ang kapatid niya na lumayo na sa 'kin? Nakapag-usap naman na kami na gusto ko nang umiwas.

Tsk, naaawa tuloy ako kay Patrice. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya 'tong nangyayari. Sigurado akong marami siyang tanong sa utak.

Kanina pa nga lang, hindi na niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng kinikilala niyang Rose. Bakit daw biglang umalis, samantalang magce-celebrate pa sila.

Nahihirapan ako kung paano ko aaminin kay Patrice lahat. Mahal na mahal niya pa naman si Rose, at sigurado akong masasaktan siya kapag nalaman ang totoo.

"Arkhe?"

Nabalik ako sa wisyo nang bigla nang lumabas si Patrice mula sa flower shop.

Kinalma ko agad ang sarili ko at nginitian siya. "Tapos ka nang magtrabaho?"

Hindi niya naman sinagot. Lumapit lang siya sa 'kin. "Kanina ka pa nagpapahangin dito, ah. Hindi mo na ako binalikan sa loob. Are you okay?"

"Sorry. Ayos lang ako."

"Are you sure? You don't look okay. May problema ba?"

Pinilit ko uling ngumiti. "Wala. Tapos ka na ba sa trabaho mo?"

"Mm-hmm. Nagliligpit na. I couldn't contact Rose anymore. Hindi niya na sinasagot ang mga tawag at texts ko. We were supposed to have dinner tonight."

Bumuntonghininga ako. "'Wag mo na siyang isipin. Tayong tatlo ni Jasmine na lang ang kumain sa labas. Gusto mo ba 'yon?"

"Hindi ko na tatawagan si Rose? Magthe-thank you pa sana ako para sa binigay niyang cake tsaka ipakikilala kita."

Napaiwas na ako ng tingin. Naaawa talaga ako sa kanya kasi wala siyang kaalam-alam.

Hinawakan ko na lang ang kamay niya. "Hayaan mo na muna siya. Mag-celebrate muna tayo, gusto ko kayong kasama ni Jasmine ngayon."

Tsaka lang siya napangiti. "Okay. Sorry kung si Rose ang iniisip ko. I know this is a very special day for us and we should really celebrate." Bigla niya akong hinaplos sa pisngi. "Pero okay ka lang ba talaga? Kaya mong lumabas? Namumutla ka kasi."

Everything I Need [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon