Chapter 29

16K 696 134
                                    

ISABELA

TUMAYO SI THEO at lumapit sa akin na nakatulala pa rin dito sa pintuan.

Hindi ko alam kung papaano magre-react.

Bakit ba bigla kong nakikita ang mga taong hindi ko pwedeng makita? First was Patrice, and now it's Theo. Lalo tuloy akong nakaramdam ng bigat. Wala akong ideya kung paano niya nalaman ang bahay namin at kung bakit niya ako pinuntahan. Didn't he know that Arkhe and I are no longer together? Or is Ark even aware that he is here?

"Hi, Sab," bati niya agad nang makalapit na sa akin. "Pasensya na kung nabigla kita. Natatandaan mo ba ako? Theo, kapatid ni Arkhe."

Bigla na akong napabagsak ng mga balikat. Akala niya pala hindi ko pa rin siya natatandaan.

I smiled at him. "Yes, I remember you now. Bumalik na ang mga alaala ko."

Bahagyang umaliwalas ang mukha niya. "Magaling ka na?"

I nodded. "Somehow." Then I took a deep breath. "Uhm, what brought you here? Tsaka paano mo pala nalaman 'tong bahay namin?"

"Kay Arkhe. Hinatid ko siya dati rito kaya medyo natatandaan ko ang lugar."

"I-I see." I don't know what else to say. Nahihiya ako sa kanya. I couldn't even look straight at him.

"Isabela . . . kaya pala ako pumunta rito kasi gusto sana kitang makausap. Pwede ba? Kahit saglit lang."

He looks troubled. Tumindi tuloy ang kaba ko. Sa dating niya ngayon at sa tono ng boses niya, alam ko ng seryoso ang pag-uusapan namin. Plus the fact that he actually went to my house and waited for me even though we didn't really know each other that well.

Ngumiti na lang ulit ako nang tipid. "Of course. Uhm, dito na lang tayo." Pinasunod ko siya sa akin sa home bar namin.

Hindi naman na siya nagsalita. Sinundan niya lang ako. Nililibot niya ng tingin ang kabuohan ng bahay habang naglalakad kami.

"Have you been in here before?" I asked.

"Hindi pa, ngayon lang ako nakapasok. Ang laki pala talaga ng bahay niyo. Tama nga ang kwento sa 'kin ni Arkhe."

Napangiti ako nang mapait. Nag-iiba ang pakiramdam ko sa tuwing binabanggit niya ang kapatid niya. Parang alam ko na nga kung anong pag-uusapan namin. Pero sana mali ako ng kutob. Sana hindi tungkol kay Ark. Hindi ko pa ulit kasi kayang tumanggap ng kahit na anong mas magpapabigat sa loob ko. Nanghihina pa ako dahil sa pagkikita namin ni Patrice kanina.

Pagkarating namin sa home bar, pinaupo ko na si Theo sa bar stool at pinahandaan ng maiinom.

Tumabi ako sa kanya para makapag-usap kami nang maayos. "Saan ka pala galing? Sa Batangas pa ba?"

Tumango siya. "Hinapon na nga ako ng dating dito."

"Napagod ka siguro sa haba ng byahe. Tapos naghintay ka pa sa 'kin."

"Ayos lang. Ang importante, makakausap kita."

Huminga ako nang malalim. "What are we going to talk about?" I already asked. "May problema ba?"

Bumuntong-hininga rin siya, tapos ay tiningnan ako nang diretso. "Sab, hindi na ako magpapaligoy-ligoy, ah. Alam mo ba kung nasaan ngayon si Arkhe?"

My brows furrowed. "What?" Nagtataka kasi ako, bakit niya iyon tinatanong sa 'kin?

Napayuko naman siya sabay muling huminga nang malalim. "Ilang buwan na naming hindi nakikita ang kapatid ko. Hindi na namin siya ma-kontak at hindi na rin namin alam kung saan siya nakatira kasi wala na siya sa bahay."

Everything I Need [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon