ISABELA
"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!" biglang sigaw ni Unice na kapapasok lang dito sa hotel room.
Nagulat tuloy ang Mama at ibang mga kamag-anak ni Arkhe na kasama ko sa kwarto ngayon. Ako, natawa na lang. "Mamaya pa, Unice."
"Ah, mamaya pa ba. Joke lang ate, Sab. Nagpa-practice lang ako." Lumapit na siya sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi. Then she stared at me. "Ang ganda-ganda mo, Ate Isabela, kahit na wala ka pang makeup. Ready ka na ba talagang magpatali sa kuya Arkhe ko? May oras ka pa para umatras."
I chuckled. "Silly girl. Ngayon pa ba ako aatras? I can't wait to marry your favorite cousin."
"Ako rin, hindi na makapaghintay! Ilang oras na lang, Ate Sab. Sa wakas!"
Napangiti na lang ako.
Tama siya, sa wakas.
Ito na ang araw na matagal ko nang pinapangarap. I am finally marrying my soulmate and my God-given prince, Arkhe.
Nag-propose siya sa 'kin bago pa kami umalis papuntang Sydney para makasiguro raw siya na hindi na talaga kami magkakahiwalay. 'Yon nga lang, hindi agad kami nakabalik dito kasi kailangan ko munang tapusin lahat ng mga art projects na pinirmahan ko ro'n. Sulit naman ang paghihintay. Arkhe and I will be having a beautiful cliff wedding.
Kararating nga lang namin dito sa venue para maghanda. Ang aga ng call time. Si Arkhe, nasa kabilang kwarto kasama ang mga groomsmen niya at iba pang mga boys. Magkakahiwalay kami. I already miss him because we haven't seen each other yet since last night.
Unice is my maid of honor kaya halos magkasunod lang kaming dumating sa venue. If only Amanda was here, she would definitely be my maid of honor. But Unice is also a perfect fit because she's like a little sister to me. She actually did her role very well. Naasahan ko talaga siya sa pag-aasikaso sa kasal kahit na bata pa siya.
Si Toby at Arthur pati na ang pamilya nito sa Australia, umuwi rito sa Pinas a week ago just to be with me on my special day. I also have a few friends from Sydney who flew here to witness me tie the knot. Pakiramdam ko tuloy buo ang pamilya ko dahil talagang nag-effort pa silang pumunta.
Arthur will be the one to walk me down the aisle.
That's what he wanted. Siya na raw ang magre-represent sa buong Santiaguel, tsaka gusto niyang siya talaga ang maghatid sa akin papunta kay Ark.
Arthur was more than just a brother-in-law. He was like a father to me. Tinanong ko na pala siya kung bakit tinago niya ako kay Arkhe at hindi niya sinabing pinuntahan pala ako nito sa Australia. Sabi niya, para sa akin din naman daw 'yon. Alam niyang hindi pa ako fully healed that time at mas gusto niyang mag-focus muna ako sa career ko at bagong buhay ko Sydney. He said Arkhe can wait for me if he really wants to.
At tama naman siya. Hinintay nga talaga ako ni Arkhe at naging sobrang worth it ang lahat. Who would've thought, right? Parang kailan lang noong halos mabaliw ako dahil ikakasal si Arkhe sa iba. Pero ang galing talagang bumawi ng tadhana sa akin. Arkhe is truly meant just for me.
Sa dinami-rami ng mga pinagdaanan naming dalawa, ang sarap sa pakiramdam na ito na kami—malapit na sa finish line. Wala ng sakit at lungkot. Kung meron man, hindi na magiging gano'n kabigat kasi alam kong nasa tabi ko na ulit ang lalaking pinakamamahal ko.
"Ang ganda talaga ng venue niyo, Ate Isabela," biglang sabi ni Unice.
Nakatayo na pala siya sa tapat ng bintana ng hotel room, pinagmamasdan ang labas.
Nilapitan ko siya at tiningnan rin ang napaka-gandang view. "It's breathtaking, isn't it? I've always dreamed of marrying my one true love in a place where the sun meets the sea. A cliff wedding is just perfect. Alam mo ba, madalas akong nagpipinta ng ganitong scenery dati. Hindi ko inakala na balang-araw, ikakasal pala talaga ako sa ganito. Ang swerte ko sa kuya Arkhe mo kasi binigay niya ang dream wedding ko sa akin."
BINABASA MO ANG
Everything I Need [BOOK 2]
General Fiction[COMPLETED] After a life-altering surgery, Isabela Rose Santiaguel's memories of her beloved Arkhe Alvarez vanish into thin air. Can Sab's heart rekindle what her mind has lost, or is it time for Ark to reconstruct a new life without her? ***This is...