Chapter 21

15.2K 562 59
                                    

ISABELA

"AMANDA, HEY," AGAD kong bungad pagkasagot ko sa tawag ng kapatid ko.

"Where are you? Hindi ka nagre-reply sa 'kin."

"I'm sorry, nakatulog ako sa byahe. Kararating ko lang dito sa Tagaytay."

"Oh, good. I got really worried."

"Sorry. Pero okay lang naman ako. Bababa na ako ng kotse. I'll just call you later."

"Okay, sige. Wag kang magtatagal diyan, ha?"

"Yes. Uuwi agad ako riyan. Babalitaan na lang kita. Bye." I ended the call then slid my phone in my bag.

Tumingin ako sa bintana ng kotse pagkatapos. I'm here at Arkhe and I's hideout in Tagaytay.

Tinuloy ko talaga ang pagpunta rito matapos kong malaman ang nangyari sa Third Base. Mas lalong dumami ang tanong sa utak ko kung ano na bang nangyayari kay Ark. Mas lalo akong hindi natahimik.

Nag-ayos lang muna ako ng sarili ko, tapos ay bumaba na ng sasakyan.

Umihip agad ang malamig na simoy ng hangin. Napayakap tuloy ako sa sarili ko gamit ang suot kong knitted cardigan. Foggy, cold weather like this makes me miss Arkhe even more.

Pinagmasdan ko ang hideout at kusa na lang akong napangiti. It hasn't changed a bit. It's still the same small brick house carrying many of our special memories. Tumuloy na ako papunta sa pinto. I have a couple of bodyguards behind me. Kung sakali kasing hindi ko makita si Arkhe rito, balak ko pa ring mag-stay sa loob kahit saglit. I really missed this place.

Nang makalapit, pinihit ko agad ang door knob. It's locked. Tumingin ako sa mga bintana, at tama nga talaga ang hula ko, wala akong maaabutan dito sa hideout.

Magse-stay na lang talaga muna ako sa loob. I remember the last time we went here, Arkhe said I could come here whenever I wanted. Sabi niya pa mag-iiwan din siya ng susi rito para sa 'kin. Ilang araw ko nang iniisip kung saan niya nilagay ang susi, at kagabi ko lang naalala. Sa ilalim nga pala ng halaman. Sana lang nando'n pa talaga.

I lifted the pot near the window and saw the key. Napahinga ako nang maluwag. Buti na lang tama ang pagkaalala ko, at buti na lang hindi inalis dito ni Arkhe. Kinuha ko na agad. Binuksan ko ang pinto pagkatapos at pumasok na sa loob.

But I was quickly taken aback. Nae-expect kasi ako ng magulo at maruming bahay dahil nga walang nakatira dito, pero parang kabaliktaran. It's neat and organized. Parang may nagme-maintain pa rin.

I proceeded to go inside and closed the door. Nilagay ko ang bag ko sa couch habang nililibot ng tingin ang buong hideout.

I couldn't help myself but be emotional. Kapapasok ko pa lang pero ang dami na agad masasayang alaala ang pumasok sa isip ko. It was Christmas when Arkhe and I last came here. Nagbakasyon kami rito bago pumunta sa New York para sa surgery. Sobrang saya namin noong mga araw na 'yon na halos nakalimutan ko ng may brain tumor ako.

Naisip ko na munang umakyat sa taas.

The bed is tidy, too. Umupo ako sa paanan ng kama at hinaplos ang puting bed sheet. Natatandaan ko, dito kami unang nangakong dalawa na kahit kailan ay hindi kami maghihiwalay.

Tuluyan akong humiga sa kama at pumikit. Ang sarap ding alalahanin ang pagbabakasyon namin dati rito noong Pasko. That was the first time we celebrated Christmas together.

Tumagilid ako ng higa at bigla na lang nag-flashback sa 'kin si Arkhe at ang Pasko na magkasama kaming dalawa rito.

***FLASHBACK***

Everything I Need [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon