Chapter 33

19.1K 856 600
                                    

ISABELA

BUKAS NA ANG birthday ni Patrice, at magkikita kami ngayong hapon para mag-celebrate.

I just finished baking a birthday cake for her. Satisfied naman ako sa gawa ko. I made her a floral cake because I know how much she loves flowers. Sana nga magandahan siya.

I am planning to surprise her today. Ang usapan kasi namin, magdi-dinner kami sa isang restaurant. Nakapagpa-book na ako noong isang araw pa. Doon kami magce-celebrate. Pero manggagaling pa raw kasi muna siya sa flower shop, kaya naisip ko na sorpresahin na lang siya roon at ibigay itong cake. Siniguro ko pa nga sa kanya na hindi rin siya pupuntahan ni Arkhe roon kasi hindi kami pwedeng magkita.

I just wanted this day to go as smooth as possible. Ito na kasi ang huling beses na makikipagkita ako kay Patrice. Tagumpay na ang plano ko kaya wala ng malalim na dahilan para makipagkita pa ako sa kanya.

Kinwento sa akin ni Patrice na natuloy sila ni Arkhe sa pagdalaw sa pamilya nito sa Batangas. Ark already knew about his mother's condition. Tanggap na tanggap rin si Patrice ng pamilya ni Arkhe. Theo even texted me to ask if I know about Patrice. Hindi ko na lang nireplyan.

Okay na 'yon. Iniyak ko na lang ulit lahat ng lungkot ko, tapos kinabukasan, napag-desisyunan kong tama na.

Masaya na silang lahat kaya this time, ako naman. Sarili ko naman. Pagkatapos ng araw na ito, tuluyan na akong lalayo kay Patrice para maging maayos na rin ang buhay ko. Kailangan ko na rin kasing bumawi kay Amanda. She still doesn't talk to me until now. Ayokong lumalim ang pagtatampo niya sa akin.

Nilagay ko lang sa box itong birthday cake, tapos ay umakyat na ako sa kwarto para maligo. Kailangan kong maabutan si Patrice sa flower shop niya.

Makalipas ang mahigit isang oras, natapos na rin akong mag-ayos at handa nang umalis. Bumalik ako sa kusina para kunin na ang cake, pero naabutan ko roon si Amanda na tinitingnan ang cake na binake ko.

I couldn't look at her, kaya nakayuko lang ako habang papunta sa mesa na pinaglalagyan ng cake.

"Para kanino ito?" She asked me. Her voice was cold.

"For Patrice. It's her birthday tomorrow."

I noticed her smirk. "Really, Isabela? Hindi ka pa ba talaga titigil?"

Hindi ko na muna siya sinagot. Tinali ko ng ribbon itong box ng cake, tapos ay huminga nang malalim. "Huli na 'to. Nangako kasi ako sa kanya na magce-celebrate kami ng birthday niya kaya hindi ako pwedeng mag-cancel. Pero ito na talaga ang huling beses na makikipagkita ako sa kanya."

"Palagi mo 'yang sinasabi, pero hindi mo naman talaga ginagawa. I really don't know what to do with you anymore. You never listen."

"Nakikinig naman ako. Huli na talaga ito. My plan was already successful. Nakabalik na si Arkhe sa Batangas at tanggap na si Patrice ng pamilya ni Ark."

"Then why do you still need to celebrate Patrice's birthday? Get out of her life right now. Pinapaasa mo lang ang tao sa pekeng pakikipag-kaibigan mo, when in truth, iiwan mo lang naman siya sa huli."

Umiwas ako ng tingin. "I know what I'm doing, Amanda."

"Sana nga alam mo. Kapag ikaw nasaktan na naman, wag ka nang lalapit sa akin at iiyak-iyak, ha? Nakakapagod ka ng tulungan." Sabay alis na agad niya pagkatapos.

Hindi na ako lumaban, tahimik ko lang siyang sinundan ng tingin para hindi na lumaki ang gulo. She's so disappointed. Naubusan na siya ng pasensya sa akin kaya ganoon na lang siya kasakit magsalita.

I couldn't blame her, though. Kahit sino naman siguro, magagalit sa pinaggagagawa ko. Nakakalungkot lang na iniisip niyang peke lang ang pakikipag-kaibigan ko kay Patrice.

Everything I Need [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon