ISABELA
TINULOY KO ANG paglayo kay Patrice. I am not mad or what. Ayoko lang talagang makagulo sa relasyon nila ni Arkhe.
Ilang linggo na akong hindi nagpaparamdam sa kanya simula noong nag-dinner kami. Mas lalo nga akong nalulungkot kasi panay ang text at tawag niya sa 'kin. Naaawa ako na wala siyang kaalam-alam kung bakit ako umiiwas. Gusto ko siyang reply-an kasi nami-miss ko na rin talaga ang mga kwentuhan namin, pero pinipigilan ko ang sarili ko.
Wala, eh. Hindi na kami pwedeng maging magkaibigan.
Ayoko ring makahalata pa siya na may nakaraan kami ni Arkhe kaya lumayo na lang talaga ako. As much as possible, I don't want her to know that I am Arkhe's ex. Ayokong mag-overthink siya at mas lalong ayokong maisip niya na kukunin ko sa kanya si Ark dahil hinding-hindi ko gagawin 'yon. Sabi ko nga, hindi ako maghahabol.
Masakit man sa akin na malamang may iba ng mahal si Arkhe, hindi ko pa rin sisirain ang kasiyahan nila. I want them to be happy together. Ako? Okay lang naman siguro kung hindi ako maging masaya. Sa laki ng nagawa kong kasalan kay Ark, deserve ko pa bang sumaya?
"Isabela, let's go." Amanda called me already.
I just composed myself, then followed her to the car.
Niyaya niya kasi akong dalawin ang museleo nila daddy. Ngayon na lang ulit ako makakalabas ng bahay. Simula kasi noong nalaman ko ang tungkol kay Arkhe at Patrice, nagkulong na naman ako sa kwarto. Walang gabi na hindi ako umiyak.
Ilang beses akong pinilit ni Amanda na umalis para gumanda ang pakiramdam ko kahit papaano, pero ito lang ang time na sumama ako sa kanya. Nami-miss ko na rin kasi sila daddy.
"Anong gusto mong dalhin natin kila Dad?" tanong niya pagkasakay namin sa kotse.
"Let's just buy some flowers again. Maybe Mom already misses her favorite tulips."
"Sige. May mga madadaanan naman tayong flower shops."
Tumingin na ako sa bintana pagkatapos at pinagmasdan na lang ang dinaraanan namin.
"Isabela?"
"Hmm?" Hindi ko inalis ang tingin ko sa bintana.
"Hindi ka na ulit pumasok sa art room mo. 'Di ba may tinatapos ka pang painting?"
Napasandal ako sa upuan sabay bumuntong-hininga. "I won't finish it anymore. Lalo lang naman akong masasaktan kapag tinuloy ko pa ang pagpi-pinta kay Arkhe. I need to let go of him so he can be happy with Patrice."
"Pero iyong painting lang naman ni Arkhe ang hindi mo tatapusin, 'di ba? You will still keep painting, right?"
"Wala na akong gana."
"Isabela, please don't do this again. Don't stop doing the things you love. Kitang-kita ko ang saya mo sa tuwing nagpipinta ka. Your art room is your happy place."
Hindi na ako sumagot.
Narinig ko na lang siyang huminga nang malalim, tapos ay hinawakan ang kamay ko. "Nalulungkot ako kapag nakikita kitang ganyan. Kapag tinitigil mo ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Sana may iba pa akong magawa para matulungan ka."
Tiningnan ko na siya at pilit na nginitian. "Don't worry too much about me, I'll be fine. Malalagpasan ko rin ito. Natanggap ko naman na lahat. Ang kailangan ko lang ay lakas para makapag-umpisa ulit. I know I can do this."
Ngumiti siya nang mapait. "Of course you can do it. You are brave, Isabela." Sabay haplos niya sa buhok ko.
Binalik ko na ulit ang tingin ko sa bintana at muli na lang pinagmasdan ang daan.
BINABASA MO ANG
Everything I Need [BOOK 2]
General Fiction[COMPLETED] After a life-altering surgery, Isabela Rose Santiaguel's memories of her beloved Arkhe Alvarez vanish into thin air. Can Sab's heart rekindle what her mind has lost, or is it time for Ark to reconstruct a new life without her? ***This is...