ISABELA
"Ark?
"Hmm?"
"What if I don't survive the surgery?"
Natigilan siya at bigla akong hinawakan palayo. Alalang-alala ang itsura niya. Ang tagal niya pa nga akong tinitigan bago siya nakapagsalita ulit. "Bakit mo iniisip 'yan?"
"I-I'm sorry . . ."
"Hindi ko binigay ang envelope sa 'yo para mag-isip ka ng ganyan."
"Sorry." Yumakap na ulit ako sa kanya at tumuloy sa pagsayaw. "Hindi ko na iisipin."
Naramdaman ko naman siyang napahinga nang malalim. "Ayoko nang marinig ulit 'yan sa 'yo. Tinatakot mo 'ko."
Tumango lang ako at siniksik ang mukha ko sa dibdib niya. Ang tagal naming ganito bago siya muling nagsalita. "Sab . . ."
"Hmm."
"Makakaligtas ka sa operasyon mo. Basta lumaban ka, ah? Labanan mo ang sakit mo. Wag mo 'kong iiwan mag-isa."
A tear suddenly fell out of my eye again. Parang mas lalong bumigat ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.
Hinigpitan ko na lang ang pagkakayakap ko sa kanya para pasimpleng punasan ang luha ko. Tapos ay tumango ako. "Hindi kita iiwan. Walang iwanan."
• • •
NAGISING AKO NANG umiiyak.
I dreamt of Arkhe again. Pero mas malinaw na ang mukha niya ngayon. Kitang-kita ko na siya kaya siguradong siya talaga ang nasa panaginip ko. Sumasayaw raw kami pagkatapos niya akong bigyan ng regalo para sa New Year's eve: an envelope full of memories.
I remember that envelope. Parang palagi nga iyong pinapakita sa 'kin dati ni Arkhe, pero hindi ko pa rin siya magawang maalala. Hindi ko na rin ulit nakita ang envelope na 'yon pagkatapos.
I hugged my knees while I'm still on the bathroom floor. Dito na ako sa C.R nakatulog kagabi dahil sa sobrang takot ko sa ginawang pananakal sa 'kin ni Morris. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon, o kung nasa kwarto pa ba siya.
I buried my face on my knees and kept crying. I can't accept what's happening to me anymore. Kung pwede ko lang sanang ibalik ang oras, gagawin ko para hindi ko na lang niloko at hiniwalayan si Arkhe. Kung totoo nga ang panaginip ko na nangako kami sa isa't isa na walang iwanan, napakasama ko kasi iniwan ko siya.
I suddenly miss how he takes care of me even though I still can't remember him. Pero alam ko namang hindi ko na ulit mararamdaman ang pag-aalaga niyang iyon. Huli na ang lahat para sa akin. He won't accept me anymore because of what I did.
Ang gusto ko na lang talaga ngayon ay ang makawala kay Morris. Napaka-bobo ko na nagpa-uto ako sa taong iyon. Tinatapangan ko na lang ang loob ko, pero ang totoo, sobrang natatakot na ako sa kanya. Alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya ako nakukuha nang buong-buo.
Pinahid ko na ang mga luha ko. I composed myself and finally stood up from the bathroom floor.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng C.R. Nang masiguro kong wala si Morris, tsaka ako tuluyang lumabas at humiga sa kama. Ang sakit ng katawan ko dahil sa magdamag na pag-upo sa sahig.
It's already 10 AM. Tinakpan ko ng braso ko ang mga mata ko para subukang matulog ulit.
But I suddenly thought of Amanda. Kamusta na kaya siya ngayon? It's been seven months. Hinahanap niya kaya ako, o totoo ang sinabi ni Morris na ayaw niya na rin akong makita?
BINABASA MO ANG
Everything I Need [BOOK 2]
General Fiction[COMPLETED] After a life-altering surgery, Isabela Rose Santiaguel's memories of her beloved Arkhe Alvarez vanish into thin air. Can Sab's heart rekindle what her mind has lost, or is it time for Ark to reconstruct a new life without her? ***This is...