ISABELA
HINDI NAMAN NGA talaga ako iniwanan ni Arkhe.
Sinamahan niya ako hanggang sa kumalma ako at makumbinsi niyang umuwi na sa bahay para makapagpahinga.
We're in our car right now. Sabi ko sa kanya wag na niya akong ihatid kasi may driver at mga bodyguards naman ako, tsaka nasa kasunod na kotse lang si Arthur, pero sumama pa rin talaga siya sa 'kin. Nahihiya na nga ako. Anong oras na kasi, malamang nag-aalala na sa kanya si Patrice.
Kumalma na ako ngayon kahit papaano. Hindi na ako umiiyak, pero ramdam ko na ang antok at pagod. Nakatingin na lang ako sa bintana ng kotse para ipahinga ang isip ko.
Si Arkhe, pansin ko na kanina pa siya nakatitig sa akin. Nasa kabilang dulo siya ng upuan.
Bumuntong-hininga ako at tiningnan na rin siya. Ngumiti ako nang mapait. "Kailan pala ang kasal niyo ni Patrice? Congratulations sa inyo, ah? I'm genuinely happy for the both of you."
Hindi naman siya sumagot. Bigla lang siyang napayuko.
"Galit ba sa 'kin si Patrice?"
"Hindi niya pa alam ang tungkol sa 'yo."
"You didn't tell her?"
He didn't answer me again.
Bumuntong-hininga na lang ulit ako. "I'm sorry, Arkhe. Siguradong iniisip mo ngayon na nagpanggap lang ako para guluhin kayong dalawa. Pero wala akong planong gano'n. Ang totoo niyan, hindi ko alam na si Patrice ang bago mong girlfriend. Nakilala ko lang siya sa mall dahil tinulungan ko si Jasmine. I like her and found a friend in her. Pero nung nalaman ko na ikaw pala ang tinutukoy niya na kinakasama niya sa bahay, believe me, lumayo ako. Iniwasan ko siya kahit na masakit sa akin kasi tinuring ko na talaga siyang totoong kaibigan. Kinontak ko lang naman ulit siya dahil sa family mo. I want to help them see you again."
Doon niya lang ulit ako tiningnan. Madilim sa loob ng kotse pero pansin ko ang lungkot sa mga mata niya. "Nagkita raw pala kayo ni Theo?"
I nodded. "Pinuntahan niya ako kasi hinahanap ka niya sa 'kin. I already knew where you were at that time, but I didn't tell him because I respect you and Patrice. Natutuwa na lang ako ngayon na nakabalik ka na sa pamilya mo. How's your mom?"
"Okay na siya. Nakalabas na ng ospital."
"That's good to hear." Yumuko ako pagkatapos. "Sorry ulit. At pakisabi rin kay Patrice, sorry. Sana wag kayong magalit sa 'kin."
"Sorry rin." His voice was so serious. "Sorry sa lahat-lahat. Alam kong nasaktan ka sa nakita mo sa 'min ni Patrice. Hindi ko ginusto na maabutan mo ang gano'ng eksena. At sorry kung hindi kita nagawang puntahan nung araw na 'yon para alamin ang totoo. Maling-mali ako ro'n kasi pinag-isipan agad kita nang masama imbis na kausapin ka. Sumama lang kasi ang loob ko at ayaw kitang mapagsalitaan nang masakit."
"I understand. Hindi mo kailangang mag-sorry."
"Nalaman ko ang mga ginawa sa 'yo ni Morris nung naghiwalay tayo. Sinabi sa 'kin ni Amanda."
My brows furrowed. "S-she told you? When?"
"Nagpadala siya ng sulat sa bahay para makipagkita sa 'kin. Kinwento niya lahat at kinumbinsi ako na kausapin ka, pero hindi ako pumayag."
Napabagsak ako ng mga balikat. "She never told me about that."
"Sinabihan ko siya na wag ipaalam sa 'yo."
A tear fell from my eye. Pasimple ko na lang na pinahid sabay tingin ko ulit sa bintana. "Amanda did that just for me again. Napakabait niya talaga. Hindi ko sinabi sa kanya na gawin niya 'yon, pero tinulungan niya pa rin ako."
BINABASA MO ANG
Everything I Need [BOOK 2]
General Fiction[COMPLETED] After a life-altering surgery, Isabela Rose Santiaguel's memories of her beloved Arkhe Alvarez vanish into thin air. Can Sab's heart rekindle what her mind has lost, or is it time for Ark to reconstruct a new life without her? ***This is...