ARKHE
"MALAPIT-LAPIT NA tayo. Are you ready?" tanong sa 'kin ni Patrice habang nagmamaneho.
Papunta kami sa restaurant kung saan kami magkikita ni Amanda.
Hindi ko siya nasagot kasi hindi ko alam kung handa na ba talaga ako.
Ilang araw ko ring pinag-isipan kung tutuloy ba ako sa pagpunta. Si Amanda ang unang kaibigan na haharapin ko matapos ang aksidente. Kinakabahan ako sa mga pwede kong malaman, pero gusto ko lang din siyang kumustahin at tingnan kung anong pakay niya.
"Arkhe, could you please check my phone again?" biglang sabi ni Patrice kaya napabalik ulit sa kanya ang atensyon ko. "May nag-reply na ba?"
Tiningnan ko naman ang cellphone niya sa bag. "Wala. Kaninong text ba ang hinihintay mo?"
"Kay Rose nga. Hindi kasi siya nagre-reply sa mga texts at tawag ko, eh."
"Baka busy lang."
"But it's been days. Matapos 'yung dinner namin, hindi na siya nagparamdam. Hindi niya nga rin ako tinext kung naka-uwi na ba siya no'n. Nag-aalala tuloy ako, baka kung napano siya. I think she's not feeling well that time."
"Hindi naman siguro. Baka may ginagawa lang talaga siya ngayon. 'Di ba sabi mo marami siyang pinagkaka-abalahan?"
Tumango siya sabay huminga nang malalim. "Pero nakakapagtaka lang kasi na kahit isang reply sa mga texts ko, wala. I'm really worried about her."
Napangiti ako. "Ganyan ka talaga, 'no?"
Saglit siyang napasilip sa 'kin habang nagda-drive. "Hmm?"
"Ang hilig mong mag-alala sa iba. Pati kaibigan mo, gustong-gusto mong inaalagaan."
"Minsan lang kasi ako magkaroon ng kaibigan na pakiramdam ko, kaibigan ko talaga. Maybe I just miss her. Nasanay na siguro ako na madalas ko siyang nakaka-usap."
"Magre-reply din 'yon, hintayin mo na lang. Wag ka nang masyadong mag-alala."
Tiningan niya lang ulit ako at ngumiti. "Okay." Tapos lumiko na siya papasok sa parking lot na pagba-babaan niya sa'kin. "I guess we're here."
Bumuntong-hininga ako. Tangina, bumalik na naman ang kaba ko. Sanay naman akong nakikipag-kita kay Amanda, pero iba na ang pakiramdam ko ngayon. Parang unang beses ko ulit siyang makikilala.
"Are you okay here? O gusto mong samahan pa kita sa loob?" tanong ni Patrice pagkaparada namin malapit sa restaurant.
Huminga lang ulit ako nang malalim. "Ayos na ako rito. Gumala ka muna saglit. Wag mo akong hintayin dito sa labas, baka mainip ka lang."
"Sige, babalikan na lang kita. Bye."
"Bye." Hinalikan ko siya pisngi, tapos bumaba na ng sasakyan.
Hindi ko pa ulit kayang magmaneho simula noong naaksidente ako. May trauma pa ako sa nangyari. Kaya sa tuwing may kailangan akong puntahan, palagi akong hinahatid si Patrice.
Kinondisyon ko muna ang sarili ko bago tuluyang dumiretso sa restaurant.
Pagkapasok sa loob, nakita ko na agad si Amanda na nakapwesto sa may dulo. Mag-isa lang siya. Sabagay, sino bang inaasahan ko na kasama niya?
Napatuwid nga agad siya ng upo nang makitang nandito na ako. Para bang hindi siya makapaniwalang pinuntahan ko talaga siya ngayon. Hanggang sa makalapit ako sa mesa niya, nakatitig pa rin siya sa 'kin.
Tipid ko na lang siyang nginitian. "Kumusta?"
Tsaka lang din siya napangiti. "Hey. Masaya ako na pumayag kang makipagkita sa 'kin."
BINABASA MO ANG
Everything I Need [BOOK 2]
General Fiction[COMPLETED] After a life-altering surgery, Isabela Rose Santiaguel's memories of her beloved Arkhe Alvarez vanish into thin air. Can Sab's heart rekindle what her mind has lost, or is it time for Ark to reconstruct a new life without her? ***This is...