ISABELA
"TAMA BA ITONG nilikuan ko, Miss Isabela?" tanong sa akin ni kuya Dan, ang driver ko.
Muli kong tiningnan 'tong notebook na kasama sa envelope na binigay ni Arkhe. Nakasulat din kasi rito ang address ng mga importanteng lugar, katulad ng bahay nila Ark.
"Tama po," sabi ko kay kuya Dan. "Deretso ka na lang po."
Medyo natatandaan ko na ang parteng ito ng subdivision. I just really hope we're on the right street.
Ang bahay nila Arkhe ang una kong naisip na puntahan. Sabi ni Amanda, nagpapunta na rin daw siya ng tao rito noon, pero wala raw si Arkhe. I still want to try, though. Baka kasi biglang bumait sa 'kin ang tadhana at maabutan ko siya.
Lumingon ako saglit sa likod para tingnan kung nakasunod ba sa amin ang bodyguard ko. Amanda always cheers me up and says I could handle myself. Pero ang totoo, natatakot pa rin akong mag-isa kaya nagsama ako ng bodyguard. Baka kasi biglang magpakita sa 'kin si Morris. I know that's quite impossible because that demon is hiding now. But knowing him? Baka nga may pinaplano na namang kasamaan 'yon ngayon.
I heaved a sigh. Nakaka-trauma pa rin talaga kahit ilang therapy pa ang matapos ko. Si Arkhe lang ang nagbibigay sa 'kin ng tapang ngayon. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari sa 'kin, pero sa tuwing iniisip ko na para kay Arkhe itong ginagawa ko, lumalakas ang loob ko.
"Kuya, stop here," I told the driver when I already saw the familiar gate.
Binaba ko ang bintana at tiningnan ang bahay na tinigilan namin.
I'm sure this is already Ark's house. Inayos ko na muna ang sarili ko. Kinakabahan ako kahit na na-practice ko naman na ang mga gusto kong sabihin. This isn't going to be easy, but I will do my best.
Huminga ako nang malalim, tapos ay bumaba na ng kotse.
Saradong-sarado ang bahay. Parang ang tagal na ngang hindi natitirhan. Halata ko nang wala talaga si Arkhe, pero nag-doorbell pa rin ako para sumubok.
No one opened the door. Nakailang pindot ako sa doorbell at katok sa gate, pero wala talagang nagbubukas.
"Miss Isabela, wala yatang tao," sabi na sa 'kin ni kuya Dan.
Napabagsak na lang ako ng mga balikat. Sige, palalampasin ko ito. Pero babalik ako sa ibang araw para sumubok ulit.
Bumalik na ako sa kotse. "Kuya, sa Third Base club naman po. Here's the address." Pinakita ko sa kanya ang nakasulat sa notebook. Pagkatapos no'n ay muli na siyang nagmaneho.
I'm also planning to go to our hideout in Tagaytay. Hindi 'yon alam ni Amanda, kaya I'm sure ako pa lang ang unang maghahanap kay Arkhe roon. I just really wish he's there. Kung wala, kakailanganin ko na talagang pumunta sa bahay nila sa Batangas.
I admit, I'm not ready to go to Nasugbu yet. Naaalala ko ang inasal ko ro'n noong huli akong sinama ni Arkhe. I'm so ashamed of myself. Wala pa akong mukhang maihaharap sa mga kamag-anak niya lalong-lalo na sa parents at kapatid niya.
• • •
NAIPIT KAMI SA traffic kaya natagalan bago kami nakarating sa Third Base.
It feels weird when we arrived. Parang iba ang aura ng lugar nung pumarada kami sa parking area. Hindi ganito ang atmosphere na natatandaan ko.
Agad na akong bumaba at naglakad papunta sa entrance ng club. Napakunot ako ng noo kasi naka-kadena ang main door at may malaking padlock. Wala pa bang tao sa loob? Masyado palang maaga ang punta ko, wala pang staff si Arkhe na dumarating.
"Miss? Ano 'yon?"
Nabigla ako nang may magsalita sa likod ko. Nilingon ko agad. It's a security guard from a nearby establishment.
BINABASA MO ANG
Everything I Need [BOOK 2]
General Fiction[COMPLETED] After a life-altering surgery, Isabela Rose Santiaguel's memories of her beloved Arkhe Alvarez vanish into thin air. Can Sab's heart rekindle what her mind has lost, or is it time for Ark to reconstruct a new life without her? ***This is...