ISABELA
MANILA, PHILIPPINES
TWO YEARS LATER
"HELLO, HONEY! DID you miss me?" Ang lapad ng ngiti ko habang may ka-video call sa cellphone.
"Where are you now? I was waiting for your call!"
I chuckled. "Sorry I wasn't able to call you right away. I'm already back here in the Philippines. Look!" Pinakita ko sa kanya ang paligid paglabas ko ng airport. "It's beautiful, isn't it?"
"Hmm...not as beautiful as Sydney. When are you coming back here? I already miss you!"
Natawa na lang ulit ako. "Silly. But I miss you, too. I'll be back there before you know it."
"Promise?"
"Of course, honey. I promise. Take a rest now. I'll call you again later, okay? I love you."
"Okay. I love you!" Hinalikan niya pa ang screen niya bago binaba ang video call.
Natatawa na lang talaga ako. He's really the sweetest.
Pinasok ko na muna ang phone ko sa bag, tapos ay muling pinagmasdan ang paligid.
It's been two years, and I'm finally back in my favorite place.
Akala ko hindi ko na ulit magagawang makatungtong sa Pilipinas dahil sa dami ng mga pinagdaanan ko. But look at me now. I'm here again—healed, happy, and feeling so alive.
Nilasap ko ang sariwang hangin bago ako tumuloy sa paglalakad papunta sa naghihintay sa 'king kotse.
Arthur was the one who took care of my short stay here in the Philippines. Two weeks lang naman ako rito. Dadalawin ko lang si Amanda at sila daddy kasi hindi ko pa sila nadalaw mula noong sumama ako kila Arthur papuntang Australia. And speaking of Arthur, hindi ko pa pala siya nasasabihan na nandito na ako sa Pinas. Nauna ko pang tawagan ang anak niya.
Pagkasakay ko sa kotse, sinabihan ko lang muna ang driver na dumiretso sa museleo namin, tapos ay kinuha ko ulit ang cellphone ko.
As expected, tinadtad na naman ako ni Toby ng mga stickers at GIFs sa chat. Sinabihan ko na 'yon na magpahinga eh, pero ang tigas talaga ng ulo.
Si Toby nga pala ang ka-video call ko kanina paglabas ng airport.
That young man became really close to me after Amanda passed away. Ang kulit-kulit, palagi akong hinahanap. Katulad na lang kanina, ang bossy pa dahil hindi ko agad siya natawagan. Ayaw pa nga nung pumayag na magbakasyon ako sa Pilipinas, eh. Akala niya yata hindi na ako babalik.
Perhaps he's still traumatized when his mother left him. Naiintindihan ko naman 'yon, kaya nga halos lahat ng oras ko, binubuhos ko sa kanya. Kinailangan niya ng nanay, kaya ako na muna ang tumayong Mama niya at pumuno ng puwang na iniwan ng kapatid ko.
Toby helped me heal, too, though. Silang dalawa ni Arthur, actually. Kung hindi dahil sa kanila, matagal na rin siguro akong nawala sa mundo. Matagal na siguro akong sumunod kila Amanda. Noong mga unang buwan ko kasi sa Syndey, sobrang depressed ako. I attempted to take my own life many times. Si Arthur ang palaging nagliligtas sa akin.
Pagkatapos no'n, naging over-protective na siya. Alam na alam niya kasi kung paano talaga ako naghirap na halos labas-pasok na rin ako ng ospital. Nangako pa siya sa akin na kahit na anong mangyari, hindi na niya ulit ako hahayaan na masaktan. Him and his son Toby are my angels.
I just left Arthur a message now to inform him that I'm already here in Manila.
Nireplyan ko lang din ang mga cute messages sa 'kin ni Toby, tapos binalik ko na ulit ang phone ko sa bag at tumingin na lang sa bintana ng kotse.
BINABASA MO ANG
Everything I Need [BOOK 2]
General Fiction[COMPLETED] After a life-altering surgery, Isabela Rose Santiaguel's memories of her beloved Arkhe Alvarez vanish into thin air. Can Sab's heart rekindle what her mind has lost, or is it time for Ark to reconstruct a new life without her? ***This is...