ISABELA
DUMALAS ANG PAGKIKITA namin ni Patrice. Kapag kaya kong lumabas at humarap sa ibang tao, nagkikita kami. I really found a friend in her.
Posible pala ang gano'n, ano? 'Yung kumportable ka na agad sa isang tao kahit na hindi pa kayo ganoon katagal na magkakilala.
Mamayang gabi nga, lalabas ulit kami. Hinatid niya raw kasi si Jasmine sa parents niya sa Tagaytay kaya libre siya pagkatapos ng trabaho niya sa flower shop.
Mabuti na lang niyaya niya ako, kasi nilamon na naman ako ng lungkot simula noong nahanap ni Amanda ang singsing na binigay sa akin ni Ark. Ilang araw tuloy akong naka-kulong lang sa kwarto. Ayaw ko ng kausap. Kung hindi pa nga ako tinawagan ni Patrice, hindi pa ako gagalaw. I really felt like she's my savior from all this sadness. Palagi kasing sakto ang pagpaparamdam niya sa 'kin.
Naisip ko pala siyang ipag-bake ng cookies mamaya. Amanda promised to help me. Mag-a-undertime raw siya sa trabaho.
Pinipilit kong maging productive at ibaling sa ibang bagay ang atensyon ko para hindi ako atakihin ng depression. Okay na rin naman, kasi nakakabalik na ako sa mga dati kong hilig. Besides baking, I'm now slowly returning to my first love: painting.
Ito nga ang pinagka-kaabalahan ko ngayon habang hinihintay si Amanda na makauwi. Dumating na kasi ang mga painting materials ko at napalinis ko na rin ang art room. I'm trying to paint portraits again. And I have the perfect subject: my one true love, Arkhe.
Kumuha ako ng mga pictures niya galing sa envelope para may basis ako. But honestly, even without pictures, I know I could still paint him. Memoryado ko lahat ng mga features niya, lalo na ang masayahin niyang mga mata. How I miss those and the way he stares at me. Lahat sa kanya, nami-miss ko. Sana lang talaga ako lang siya ngayon. Walang araw na hindi ko siya inisip. Every night, I pray to God to keep him safe. Hinihiling ko na sana naka-recover na siya sa aksidente at nasa mabuti siyang kalagayan.
Itong pagpipinta ko sa kanya ngayon, ito ang paraan ko para kahit papaano ay maramdaman kong kasama ko siya. Na nandito lang siya sa 'kin.
"Isabela?"
Si Amanda na ang kumatok sa art room ko. I'm glad she's already home.
"That's open, come on in."
Tumuloy siya sa pagpasok. "Sabi ko na nga ba, nandito ka lang."
"I'm just working on this. Kanina ka pa ba nakauwi?"
"Hindi naman, ngayon-ngayon lang din." Lumapit siya sa akin at pinanood ako sa ginagawa ko. "Wow! That is so nice. You're getting better at painting again."
Napangiti ako nang mapait. Hindi ko alam kung totoo ba talaga ang sinasabi niya o pinagagaan niya lang ang loob ko. I don't think I'm getting better. Pakiramdam ko nga nangangalawang na ako. Ang tagal ko na kasing walang practice.
"Ibibigay mo ba 'yan kay Arkhe kapag nagkita na ulit kayo?"
Umiling ako. "Siguradong hindi niya naman ito tatanggapin. I'll just display it in my room again."
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Ano ka ba, always stay positive. So, will you finish that first or are we going to bake now? Hapon na. Baka ma-late ka sa dinner niyo ni Patrice."
I glanced at the wall clock. "Ah, yes. Mauna ka na sa baba. Magliligpit lang ako."
"Okay, I'll wait for you."
Tinigil ko na muna ang pagpe-paint. Tinabi ko ang mga gamit ko at saglit na naglinis ng sarili bago sumunod sa baba.
• • •
BINABASA MO ANG
Everything I Need [BOOK 2]
General Fiction[COMPLETED] After a life-altering surgery, Isabela Rose Santiaguel's memories of her beloved Arkhe Alvarez vanish into thin air. Can Sab's heart rekindle what her mind has lost, or is it time for Ark to reconstruct a new life without her? ***This is...