ISABELA
ALAS TRES NA ng tanghali nang makarating ako sa coffee shop kung saan kami magkikita ni Patrice.
I am so late! Nakakahiya kasi nauna siya at hinintay niya talaga ko.
Hindi naman ako nahirapan na hanapin siya sa loob kasi wala masyadong customers, at tsaka naalala ko rin ang maganda niyang buhok.
"Hi! I'm so sorry, I'm late!" bungad ko agad sa kanya pagkalapit ko.
"Oh no, it's okay. Halos kararating ko lang din naman."
"I'm really sorry." Umupo na ako sa katapat niyang couch. "Galing pa kasi ako sa Tagaytay. We got stuck in traffic."
"Wala 'yon, don't worry. Ako nga dapat ang mag-sorry sa 'yo kasi mukhang busy ka, pero nagbigay ka pa rin ng oras para sa 'kin."
I smiled sweetly at her. "That's nothing." Tapos ay naglabas na agad ako ng wallet. "I'll buy our drinks, kasi late ako."
"Uy! Ako ang magti-treat, remember? Ako ang may utang sa 'yo, eh." Naglabas na rin siya ng wallet at inunahan niya na talaga ako sa pagtayo. "It's on me." Nginitian niya ako, tapos ay umalis na para pumunta sa counter.
Hindi na ako nagpumilit. Sumandal na lang muna ako rito sa couch para mag-relax. Sobrang nate-tense ako dahil naipit kami sa traffic tsaka sa fact na may kikitain akong ibang tao. Ngayon na lang ulit ako nakipag-socialize. Hindi ako sanay, para akong kinakabahan.
Kukunin ko dapat ang handkerchief ko sa bag para magpunas ng leeg, kaso hindi ko mahanap. I can't seem to remember where I left it. Baka sa kotse.
Ilang sandali lang naman, bumalik na rin si Patrice. May dala na siyang tray na may drinks at dessert.
Tinulungan ko agad siya at isa-isang nilagay ang mga pagkain sa round table.
"I also bought cake and muffins," she said. "I hope you like sweets?"
"Yes, I do. Thanks."
Umupo na ulit siya sa katapat na couch. "Nag-order din pala ako ng pasta, ihahatid na lang daw dito."
"Y-you ordered a lot."
"Marami ba? Hindi ko kasi naitanong sa 'yo kung anong gusto mo, kaya iba-iba na lang ang inorder ko. I hope that's okay."
I just smiled and nodded. Akala ko coffee lang. Nakakahiya, I'm not sure kung mauubos ko lahat kasi hindi talaga ako malakas kumain lalo na kapag hindi pa ako kumportable sa kasama ko.
Uminom na siya sa iced coffee niya pagkatapos sabay inayos ang mahaba niyang buhok.
Ako naman, sumubo muna sa cheesecake habang tinitingnan ang ganda ng buhok niya. Ang kapal at buhay na buhay. Actually, siya mismo maganda talaga. I find her charismatic with her almond-shaped eyes and thick lashes. She kind of looks like she has Arab blood.
"Thank you, ha," she suddenly said, "kasi nakipag-kita ka sa 'kin. I was really waiting for your message so I could treat you to coffee. Akala ko hindi mo na ako kokontakin."
"Hindi agad ako nakatawag, sorry."
"Okay lang. So . . ." Mas nilapit niya ang upuan niya sa mesa. ". . . sabi mo kanina galing ka pa sa Tagaytay? Do you live there?"
"Ah, hindi. May ano, may inasikaso lang ako ro'n."
"I see. Akala ko taga-Tagaytay ka rin. Taga-roon kasi talaga ako."
Bigla akong napatigil sa pag-inom ng kape. "Really?"
"Yes. Nandoon located ang main branch ng flower shop ng family namin. I opened my own small branch here kaya dito ako nagse-stay currently."
BINABASA MO ANG
Everything I Need [BOOK 2]
General Fiction[COMPLETED] After a life-altering surgery, Isabela Rose Santiaguel's memories of her beloved Arkhe Alvarez vanish into thin air. Can Sab's heart rekindle what her mind has lost, or is it time for Ark to reconstruct a new life without her? ***This is...