Chapter 27

14.3K 617 171
                                    

ARKHE

BUONG ARAW NA masama ang pakiramdam ko.

Akala ko kapag nakipagkita ako kay Amanda, gagaan ang loob ko kahit papaano at tuluyan nang makakausad sa buhay. Pero tangina, parang bumalik na naman ako sa umpisa. Hindi ko na nakalimutan lahat ng sinabi niya sa 'kin. Paulit-ulit tumatakbo sa isip ko kaya sobrang sakit na naman ng ulo ko ngayon.

"Arkhe?" tawag ni Patrice pagkapasok niya sa kwarto.

Nakahiga lang ako rito sa kama ngayong gabi at tinitiis ang sakit ng ulo ko kasi ayoko nang uminom ng gamot.

"Is your head still aching?" tanong niya.

Tumango lang ako habang hinihilot ang noo ko.

"Sandali, kukunin ko lang ang oil. Mamasahiin kita."

Lumabas muna siya ng kwarto. Pagbalik niya, dala na niya 'yong pinanghihilot niya sa 'kin tuwing sumasakit ang ulo ko.

Umupo siya sa kama at pinahiga ako sa kandungan niya. Inumpisahan niya akong masahiin. Ang gaan ng kamay ni Patrice kaya kapag hinihilot niya ako nang ganito, nare-relax talaga ako.

"Have you taken your sleeping pill?" tanong niya sa 'kin.

Umiling ako.

"Bakit hindi? Anong oras na. Mahihirapan ka na namang makatulog niyan."

"Ayoko ng uminom no'n."

"What about your other medicines? Iniinom mo pa ba? Your doctor said you need to take those."

"Pwede bang tumigil na? Napapagod na ako."

Napahinto siya sa paghilot sabay tingin sa 'kin. "Arkhe. You can't just stop taking them. Sabi mo sa akin gusto mo nang bumalik sa dati, pero hindi ka naman sumusunod sa doktor." Bumuntong-hininga siya. "Bukas, ako na ulit ang maghahanda at magpapainom sa 'yo ng mga gamot mo. Hindi mo naman pala kasi iniinom, eh."

Hindi na ako sumagot.

Ayokong kalabanin si Patrice sa kung paano niya ako gustong alagaan. Pero ayoko na kasi talagang uminom ng gamot. Parang wala namang nangyayari. Ganito pa rin ako. Mas lumala pa nga ngayon na nakausap ko si Amanda.

Kung alam ko lang, hindi na sana talaga ako nakipagkita. Dumito na lang sana ako kay Patrice para hindi nawala ang pagiging payapa ng isip ko.

Bumalik na ulit siya sa pagmamasahe sa 'kin.

Dumilat ako at tiningnan siya.

Tipid naman siyang ngumiti. "Bakit?"

"Galit ka ba sa 'kin kasi hindi ako sumusunod sa doktor?"

"Hindi naman galit. Alam mo namang hindi ako marunong magalit. Nag-aalala lang ako sa 'yo."

"Okay na ako. Hindi ko na kailangan ng gamot."

"Please don't lie to me. Hindi mo man sabihin, pero alam kong hindi ka okay. So please, listen to me and your doctor, hmm?"

Tumango na lang ako, tapos pumikit ulit.

Tumuloy lang naman siya sa paghihilot sa ulo ko. "Alam mo pala, hindi na talaga nag-reply sa 'kin si Rose."

"Ba't hindi mo na lang siya puntahan? Sasamahan kita kung gusto mo."

"I don't know where she lives. Sana nga inalam ko para nakapagpa-deliver ako ng bulaklak sa kanya. Ang gaganda pa naman ng supply ko ngayon sa shop."

Napangiti na lang ako, tapos tiningnan siya ulit. "Patrice."

"Hmm?"

"Palambing. Kantahan mo ulit ako. Naka-klaro ang isip ko kapag kumakanta ka."

"Sige. Anong gusto mong kanta ngayon?"

Everything I Need [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon