ISABELA
"PATAPOS NA AKO sa pag-eempake ng mga gamit. Kailan tayo aalis?" tanong ko kay Amanda.
She's here in my room again. Simula noong nag-breakdown ako several days ago dahil kay Arkhe, hindi na ako iniwan ng kapatid ko. Kulang na nga lang tabihan na niya ako sa pagtulog. I appreciate her so much.
"Can you give me a couple of days more?" sagot niya naman sa 'kin. "Arthur and I just need to finish some business here. Kapag naasikaso na namin lahat, babalik na tayo sa Sydney."
Napayuko ako habang nakaupo rito sa paanan ng kama.
Pangalawang beses na ito na inurong niya ang plano naming umalis ng Pinas. Gustong-gusto ko na talagang lumayo, pero naiintindihan ko naman ang sitwasyon. Amanda still has responsibilities here that she cannot just walk away from. Ayoko naman na mag-sakripisyo ulit siya para sa 'kin.
"I'm sorry, Isabela." Hinaplos niya ang buhok ko.
I just smiled at her. "No, it's okay. I understand."
"Kung gusto mo, pwede ka nang mauna sa pagpunta sa Sydney. I'll just have my secretary accompany you. Susunod na lang kami ni Arthur doon kapag tapos na ang mga trabaho namin."
"Hindi na. Sasabay ako sa inyo ni Arthur. Ayokong mahiwalay sa 'yo, natatakot ako."
Ngumiti siya nang mapait. "Are you sure? I know you don't feel good here in the Philippines anymore. I'm really sorry."
"No problem, I can wait. Basta kapag pwede na tayong umalis, handa na ako. Just let me know."
"Okay." She stroked my hair again. "Kumusta na pala ang pakiramdam mo? Have you taken your meds already?"
"Wala na akong lagnat. Medyo nanghihina na lang, pero kaya ko na."
"That's good. Tine-text ka pa ba ni Patrice?"
Umiwas ako ng tingin. "Hindi ko alam. Gamit ko na ang bagong number na binigay mo sa 'kin. I no longer have access to my old one, so I don't know."
"Tama 'yan. Umiwas ka."
"I want to completely forget about her and Arkhe, especially Arkhe. Ayoko na nga siyang pag-usapan. Tapos na ako sa kanya."
Hindi na siya sumagot.
I looked at her again only to see her staring at me as if she was very proud of what I said. I just smiled a bit. "I'm sorry if I just now realized that I need to stop loving him."
Muli siyang ngumiti nang mapait. "Okay lang. Ang importante, nagising ka na. I know you will realize that one day."
Bumuntong-hininga ako. "Nakakapagod pala, ano? Sa tingin ko, tamang tao naman ang minahal ko, pero nakakapagod pa rin. Maybe Arkhe is not really the right person for me."
"It's just because you gave him everything you had. Wag mo na uling uulitin 'yon, ha? Para hindi ka na ulit maubos. It's okay to lose people, Isabela, but never lose yourself."
Huminga ulit ako nang malalim at tumango. "I can't wait to leave this place. I can't wait to start a new life again."
"Malapit nang mangyari 'yon. Matapos ko lang talaga itong inaasikaso namin ni Arthur, ipahahanda ko na agad ang flight para makaalis na tayo."
I smiled sweetly at her. "Thank you, Amanda. I owe you everything."
"No, you don't owe me anything. I'm doing all these because I love you." Muli niya akong hinaplos sa buhok. "Sige na, take a rest now. Alam kong pagod ka dahil kagagaling mo lang sa lagnat tapos nag-empake ka pa ng mga gamit."
BINABASA MO ANG
Everything I Need [BOOK 2]
General Fiction[COMPLETED] After a life-altering surgery, Isabela Rose Santiaguel's memories of her beloved Arkhe Alvarez vanish into thin air. Can Sab's heart rekindle what her mind has lost, or is it time for Ark to reconstruct a new life without her? ***This is...