Chapter 36

20.3K 848 264
                                    

ISABELA

"BAKIT HINDI MO agad sinabi sa 'kin na may tao palang nagmamasid sa 'yo sa labas?"

Hindi ako makasagot sa tanong sa 'kin ni Amanda. Tulala pa rin kasi ako habang nakaupo na rito sa opisina niya sa bahay.

I couldn't think properly sa sobrang takot, kasi paano kung si Morris nga talaga ang nakikita ko? Wala akong kaalam-alam, baka matagal na pala siyang nagmamasid nang gano'n.

We have no proof yet if it's really him. Pero na-realize ko, wala naman nga akong ibang kilala na pwedeng magmasid sa akin nang patago. Si Morris lang talaga. Akala ko nanahimik na siya, pero hindi pa rin pala siya tapos.

Takot na takot ako, biglang bumalik sa isip ko lahat ng pananakit at pang-aabuso na ginawa niya sa akin dati. Lahat ng pangma-manipula na ginawa niya kaya kami humantong ni Arkhe sa hiwalayan. Na-overcome ko na dapat ang trauma, pero ngayon, bumabalik lahat.

"Isabela." Umupo na si Amanda sa harapan ko at muli akong pinakalma. "You should've told me right away. Para naitawag agad natin sa mga pulis. Nagpakalat na ako ng mga tauhan natin sa paligid ng bahay, pero wala na raw silang nakitang kahina-hinalang lalaki sa labas. I'm sure nakaramdam na si Morris at malabo na muna uling magpakita."

I shut my eyes tight. "I'm so sorry. Hindi ko kasi masyadong pinagtuunan ng pansin. Akala ko napa-paranoid lang ako. And I don't want to distract you, too. Alam kong sobrang busy ka, eh."

"Isabela naman." Bigla niya akong niyakap. "Alam mo namang basta pagdating sa 'yo, gagawa at gagawa ako ng oras. Kung si Morris nga talaga ang nakikita mo, tuso talaga siya. Napakagaling niya pa namang magtago, mahihirapan na naman tayo sa paghahanap."

"I know. Amanda, hindi ako mapakali. Sa tuwing naiisip ko kung ilang gabi niya akong tinitingnan mula sa labas, kinikilabutan ako. Kailan niya ba ako titigilan?"

"He's still obsessed with you. Mahanap ko lang talaga ang demonyong 'yon, sisiguraduhin ko na mabubulok siya sa kulungan. Siya at ang pamilya niya." She held my face to look straight at me. "Don't worry, okay? Nandito ako. Nagpa-dagdag na ako ng security para magbantay sa labas. Arthur is also busy working with the police. We're all here for you. At kung sakali mang may makita ka ulit na kahina-hinala, sabihin mo na agad sa 'kin."

Tumango-tango ako at muli siyang niyakap. "I hope we can find that demon sooner. Hindi ako matatahimik hangga't hindi siya nahuhuli, Amanda. Ang dami na niyang kasalanan sa 'kin. He ruined my life. Ngayon natatakot ako sa kung ano na ang pwede niyang gawin."

"We'll find him, okay? We will do our best to find him."

Hinagod niya ang likod ko para patuloy akong pakalmahin. "Demonyo talaga ang Morris na 'yon. Manang-mana siya sa ama niya na isa ring demonyo. Those Reverentes deserve a place in hell. Sanay na sanay sila sa ganito karuming mga bagay."

Bigla naman akong may naisip dahil sa sinabi niya.

Kumalas muna ako mula sa pagkaka-yakap. "Amanda, napuntahan na ba ang bahay kung saan ako tinago ni Morris dati?"

"Yes. Patuloy pa rin ang pagbabantay ng mga pulis doon, pero wala pa rin daw silang nakikitang bakas ni Morris."

"No, I-I mean—"

"Why, what are you thinking?"

I closed my eyes. "I'm not sure if this will make sense, but I just remembered something. What you said was right, sanay na sanay silang gumawa ng kasalanan. Napapaisip tuloy ako kung ano pa ang mga matitinding ginawa nila noon." Muli ko siyang tiningnan. "Amanda, naalala ko noong nandoon pa ako sa bahay na 'yon. Merong isang kwarto na palaging naka-lock at ayaw pabuksan ni Morris. I was able to get into that room and there I saw Arkhe and I's envelope. But besides that, ang dami pang ibang mga lumang files na nakatambak doon . . .

Everything I Need [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon