Chapter 16

15.2K 546 197
                                    

ISABELA SANTIAGUEL

7 months later

"PAKAWALAN MO NA ako. Hindi ko na kaya."

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang sabihin ang mga salitang iyon kay Morris habang naghahapunan kami.

Alam kong maling-mali na nagsalita pa ako ng gano'n dahil siguradong sasaktan niya na naman ako. But I really couldn't take it anymore. Seven months living with him was like living in hell.

Napahinto siya sa pag kain at tiningnan ako nang masama. "What did you just say?"

Napalunok ako sa takot.

"Gusto mong pakawalan kita?" ulit niya pa tapos ay tumawa nang mayabang. "Do you really think you can still escape from me, hmm, Isabela?"

Pumikit ako nang mariin dahil nangilid na naman ang luha sa mga mata ko. I feel like this has already happened before. Pamilyar ang eksenang 'to, pero hindi ko buong-buo na matandaan.

"Please, just let me go," I just said to him. "Ibalik mo na lang ako kila Amanda."

"I did not take you away from them. You willingly agreed to live with me."

"Because I thought you're better than them, but you're so much worse. Hayaan mo na lang akong bumalik sa kanila, please."

He smirked. "Wala ka nang babalikan. I told you, Arkhe was only using you to get your money and your riches. And Amanda was betraying you."

"How do I know if you're really telling the truth? You always lie to me."

Muling nanlisik ang mga mata niya sa 'kin. "Kailan ako nagsinungaling sa 'yo?"

"Simula noong araw na sinaktan mo ako, nakaramdam na ako na nagsisinungaling ka lang sa 'kin. Na lahat ng mga sinabi mo para hiwalayan ko si Arkhe, kasinungalingan lang."

Bigla siyang natawa. Palagi talaga siyang ganyan, napakayabang kasi alam niyang mahina ako at hindi kayang lumaban sa kanya. "I hope you're hearing yourself right now, Isabela. Niligtas kita sa mga taong nananamantala sa 'yo. I gave you a new life."

"I hate my new life. Just set me free, Morris, I'm begging. Let me go back to Arkhe and Amanda."

"Hindi ka na nila tatanggapin. I'm the only one you have left. Hindi mo pa rin ba maintindihan hanggang ngayon? Are you really that stupid?"

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. "Basta gusto ko pa ring bumalik sa kanila."

Tinawanan niya lang ulit ako. "Come on, Isabela. Do you really think that they want to be with you, too? Ang tagal na mula nang tumakas ka kila Amanda, kahit isang beses ba sinubukan ka niyang hanapin? No. Because they also wanted you out of their lives. Without your memories, you became even more useless for them . . .

. . . Pasalamat ka nga pinagtya-tyagaan pa kita. Lahat na tinuturo ko sa 'yo, pero wala ka pa ring natututunan." Huminga siya nang malalim. "Just finish your food, will you? Stop talking non sense. Nakakawalang-gana kang kumain."

Hinigpitan ko ang pagkakakapit sa hawak kong kutsara't tinidor dahil sa sobrang sama ng loob. Ako nga, ayoko na rin na nakakasabay siya sa pag kain. Hindi ko na tuloy napigilan, binato ko 'tong kutsara't tinidor sa mesa at dapat aalis na lang ako, pero inunahan niya ako sa pagtayo.

Sinugod niya ako at hinawakan nang mariin sa mukha para paharapin ako sa kanya! "Who taught you to act like that!"

Nanginig ako sa takot! "Morris, l-let go, you're hurting me!"

Bumabaon na naman kasi ang mga kuko niya sa pisngi ko. Puro galos na ang mukha ko dahil sa kanya pero hindi pa rin talaga siya tumitigil sa pananakit sa 'kin.

Everything I Need [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon