ISABELA
HINDI NA AKO nakakain. Nakatulala na lang ako sa kawalan habang ramdam pa rin ang bilis ng pagkabog ng dibdib ko.
I don't want to conclude. Ang hirap talagang paniwalaan na si Arkhe ang tinutukoy ni Patrice all this time. Pero sa dami ng 'what ifs' at scenarios na pumapasok sa isip ko ngayon, sobrang natatakot ako. What if it's true?
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman kung sakaling totoo nga. Kung matutuwa ba ako dahil sa wakas ay nahanap ko na si Arkhe, o malulungkot dahil may bagong babae na sa buhay niya, at si Patrice pa na tinuturing kong kaibigan.
"Rose! Sorry, ang tagal ko ba?" Bumalik na si Patrice sa table namin.
Hindi ko siya nasagot. I just looked up at her.
Bigla namang nanlaki ang mga mata niya. "Oh my God, are you okay? Sobrang putla mo!" Taranta siyang tumabi sa akin at hinaplos ako sa buhok. "May nakain ka ba, ha? Hindi ba masarap ang food? Namumutla ka."
Umiwas na lang ako ng tingin at pinilit ngumiti. "I-I'm okay. May bigla lang akong naalala," pagsisinungaling ko.
"Are you sure? Here, drink first." Binigay niya sa 'kin ang baso ng red tea.
Nahihiya ako na nag-aalala siya nang ganito sa 'kin, pero hindi ko talaga magawang itago ang nararamdaman ko. Uminom na lang din muna ako ng tea, kaso hindi rin nakatulong. Nanunuyo pa rin ang lalamunan ko.
Bumalik na siya sa katapat na upuan. "Ano bang naalala mo at namutla ka ng ganyan? Is it traumatic?"
I forced myself to smile again. "N-no. I'm sorry for making you worry. Wala 'yon."
"Sure ka, ha? O sige na, kumain ka na para umayos ang pakiramdam mo."
Kinuha ko na ulit ang chopsticks, pero hindi ko na talaga magawang sumubo. Wala na ako sa sarili. Pasimple ko na lang pinagmasdan si Patrice habang kumakain.
I have a lot of questions in my head right now, but I'm scared to know the answers. Kaso mukhang kailangan kong tatagan ang loob ko. Alam ko nang masasaktan ako, pero mas lalo yata akong hindi mapapanatag kung wala akong makukuhang sagot.
"P-Patrice?"
Napahinto siya sa pagsubo para tumingin sa 'kin. "Hmm?"
"How was your boyfriend? I-is he okay?"
"Ah, oo, okay naman. Nag-alala lang siya kaya siya tumawag. Nakalimutan ko pala kasi siyang i-text na nasa mall na ako at magkasama na tayo. He just got worried."
"I see." Pinilit kong humigop ng sabaw ng noodles kahit na nanginginig ang kamay ko. "Matagal na ba kayong nagsasama?"
"Hindi naman, actually bago pa lang talaga kami. I think around 8 or 9 months?"
Lalong nanginig ang kamay ko kaya tumigil na muna ako sa pag kain. Nag-uumpisa nang magtugma-tugma lahat. Gano'n na rin kasi katagal na hindi ko nakikita si Arkhe.
"Medyo iba nga ang setup namin," dagdag niya. "We don't act like a typical couple. And you won't believe how we met."
"Bakit, paano kayo nagkakilala?"
Uminom muna siya ng tea, tapos ay sumandal sa upuan at tumingin sa malayo. "I saved him. As in literal, niligtas ko siya." Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. "He got into an accident. Car crash."
Tuluyan ko nang nabitawan ang kapit kong kutsara. Napatitig ako sa kanya at naramdaman ko na lang ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. "C-car crash?"
I still wanted to be in denial, maybe it was just a coincidence. Pero hindi, eh. Gano'n din mismo ang sinabi sa 'kin ni Amanda tungkol sa nangyari kay Arkhe.
BINABASA MO ANG
Everything I Need [BOOK 2]
General Fiction[COMPLETED] After a life-altering surgery, Isabela Rose Santiaguel's memories of her beloved Arkhe Alvarez vanish into thin air. Can Sab's heart rekindle what her mind has lost, or is it time for Ark to reconstruct a new life without her? ***This is...