Nagpatuloy ang normal kong mga araw. Hindi na ako masyadong sumasabay kay Andrea dahil sinusundo naman siya nina Paulo at Bryce. Araw-araw na atang bumibisita sa bahay.
Hindi ko alam bakit, siguro dahil close silang apat, at sa mga araw na nasa bahay sila, nasa kwarto lang ako. Minding my own business.
Si Anthony naman may sariling sasakyan. Mas pinagbibigyan kasi lalake. Nagcha-chat pa rin yung Bryce sa akin and I always reply with a closed-ended message. Ayokong humaba ang usapan namin. Kaya kapag nagcha-chat siya ulit ay tungkol na kay Andrea ang tinatanong niya. Paboritong kulay, paboritong pagkain at lahat lahat kay Andrea.
Quishanette Yap:
Tbh, we're not close. You can ask her twin.
Sagot ko nang nagtatanong na siya tungkol sa hobby ni Andrea.
Bryce Alleo Lim:
Ikaw? Hobby mo ba ang magkulong sa kwarto kapag may bisita?
Nainis ako sa chat niya kaya naman iinisin ko rin siya. Hindi naman kami ganoon ka-close.
Quishanette Yap:
Pake ko ba sa inyo. Hindi ko kayo bisita so I shouldn't be the one entertaining you.
Bryce Alleo Lim:
It's showing respect as the owner of the house.
Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Sinasagad ako ng mga chats niya.
Quishanette Yap:
I don't own the house. Don't worry, hinding-hindi kita papapasukin kapag nagkabahay na ako.
Nasira na naman ang disposisyon ko sa araw na iyon. Umagang-umaga.
Mabuti nalang at Sabado, I don't need to see his face sa labas na hinihintay si Andrea unlike weekdays na walang palya ang pagpunta sa bahay.
"Hi Quishanette!" Nagulat pa ako sa biglaang pagbati ni Andrea palabas ako ng kwarto. Nakaligo na ako, naka-short at peach oversized t-shirt.
"Ano ba? Ang ingay mo!" Iritado kong sagot.
"Come, nandito sina Paulo at Bryce."
Just when I thought na hindi ko makikita yung Bryce ngayon, nandito pa rin pala sila kahit Sabado.
Hinawakan ni Andrea ang palapulsuhan ko at hinila ako patungong hagdanan. Hindi na ako umalma kahit na ayaw kong hinahawakan ako, lalo na siya. Hindi naman kami close.
Nakarating kami sa living room. Naabutan kong nag-uusap ang tatlo nang bumaling sa akin dahil sa ingay ni Andrea.
"Alam mo ba---"
"Andrea ano bang bibig yan. Tumahimik ka nga!" Sigaw ko sa kanya. Kung ano-ano kasi ang kine-kwento, about naman kay Bryce lahat. Hindi ako interested sa kanila. Binawi ko ang palapulsuhan ko at lumapit kay Anthony.
"Asan si Lola?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa kwarto niya pa, may importante silang pinag-uusapan ni Lolo, Tito, Mama at Papa." Sagot ni Anthony. Sa sobrang busy ng mga parents namin, dinner lang kami nag-uusap at nagkikita. Hindi na rin bago sa kanila ang iba't-ibang bisita dahil madalas magdala ng bisita sina Anthony kahit noon pa. Tumango lang ako sa sagot niya. Nakatitig naman ngayon si Bryce sa mga hita ko. Sa sobrang oversized kasi ng t-shirt ay nagmumukhang wala akong suot na short. Kunot-noo niyang ibinaling ang tingin sa akin. Tinaasan ko siya nang kilay, nagtatanong sa mukha niyang nakasimangot. Bahagya siyang umiling. Tumabi si Andrea sa kanya, pinapagitnaan sina Paulo at siya. Bumaling siya dito nang may ibinulong ang papansin kong pinsan sa kanya. Natawa siya matapos pakinggan ang sinabi ni Andrea. Binalewala ko lang ang hagikhik ni Andrea nang tumayo si Paulo at tumabi sa akin. Ngayon, pinapagitnaan na ako ni Anthony at Paulo. Nasa harap namin si Bryce at Andrea. Tinititigan ni Bryce ang kaibigan bago ibinaling ang titig sa akin.
"Himala, lumabas ka ngayon." Natatawang sabi ni Paulo. Tiningnan ko siya.
"Wala akong magawa sa kwarto," kibit-balikat kong sagot. Nakangiti naman niya akong tinitigan.
"Tara, gawa tayo ng kung ano sa kwarto mo," makahulugan niyang sabi. Hindi naman nakikinig ang tatlo dahil may sarili silang mundo.
"Ano naman?" Naguguluhan kong tanong.
"Kahit ano," natatawa niyang sagot.
Hindi ko pa ma-gets ang ibig niyang sabihin o kung may ibig ba siyang sabihin. Hindi ko siya sinagot dahil pinag-isipan ko ang huling sinabi niya. Nang may ideya akong naisip ay agad kong hinampas ang braso niya.
"Kadiri, ano ba!" Natatawa kong hampas sa braso niya. Hindi ko alam pero magaan siyang kausap. Kahit medyo green ang naisip ko ay alam kong hindi niya pa rin meant iyon. Ilang beses na rin siyang nagtangkang kausapin ako and failed. Ngayon ko lang ata siya mapagbibigyan ng isang usapan.
"Joke lang eh,"natatawa niya ring sinangga ang mga kamao ko. Nagtatawanan pa kami nang tumikhim si Andrea. Nangingiti. Nahagip ng paningin ko si Bryce na nakaigting ang panga bago nag-iwas ng tingin sa amin at kinausap si Andrea.
Natapos ang araw nang nagpaalam sila after our lunch na uuwi na.
"Next time ulit," paalam ni Paulo sa akin. Nasa labas na sila ng bahay.
"Next time, Pau." Nginitian ko siya sabay tapik sa balikat niya. Tinanguan ko lang ang mukhang badtrip na si Bryce at tumalikod na. Kaya na ni Andrea pakisamahan yun. Dumiretso ako sa living room dahil naiwan ko ang cellphone ko doon. Nandoon pa rin si Anthony, nagsusunog ata ng kilay. Ewan ba, mas matino pa siya sa amin.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko nang seryoso niyang binabasa ang isang libro na business-related.
"Studying. Bryce is into business kaya pinahiram niya ako ng book niya." Sagot niya.
"Ilang taon na ba yun?" Kuryoso kong tanong.
"17, Grade 11. And I'm planning to take an entrance exam sa school nila."
"Magtatransfer ka?" Nabibigla kong tanong. Tumango lang siya.
"Tayong tatlo, actually." Pahabol niya. Mas nagulat ako, kaming tatlo? Not that I want so much to be in our school, nagulat lang ako dahil hindi ko alam.
"Bryce and Paulo are into business. Mabuti na rin siguro kung sa school nila tayo dahil mas focused ang kurso natin doon," simpleng sagot niya.
"But I'm not into business, Ton." Pagsuway ko.
"I know pero available rin ang gusto mong kurso doon. Not that pinapangunahan kita pero wala ka namang pake kung saang school diba?" Tanong niya.
Tumango ako.
"Alam na ba nina Lola?" Tanong ko.
"Oo, nasabi na namin kay Lola. Ang sabi niya lang it's up to you. Kung saan mo gusto, doon tayo." Balewala niyang sagot at nagpatuloy sa pagbabasa. Hindi ko na siya dinistorbo doon, nagkulong ulit ako sa kwarto.
I want to write. I really love writing. Wala akong ibang hilig. Ayoko magbusiness or maghandle ng business. Ayoko ring magturo. Ang gusto ko lang magsulat. Ang sabi nila napakababaw raw ng dream ko to become an author na pwede naman daw iyong sideline while I'm having a regular and stable job.
I always write my frustrations, and my laptop is my best friend. Noon, I used pen in writing pero para mas mapadali, nagsusulat na ako gamit ang laptop ko. Since may sariling printer ako sa kwarto and I am creative enough to make my work good, nakagawa na ako ng 30 novels with my name as an author. Nobody knows. Kahit si Lola ay hindi alam. I don't share information about myself too much. Nasa maliit na library ito sa kwarto ko. Siguro I'm kind of interested in business basta it will be all about books. Novels. Fictional stories. Ganon. It is my escape.
Nagdinner kami nang sabay and doon nila pinag-usapan ang pagtransfer namin.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
General FictionMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...