"Nabalitaan ko ang nangyari sa gym," si Ralph nang nagkasabay muli kami papuntang parking lot. Hindi ko nakita si Bryce ngayon pagkatapos ng nangyari. Sa pagkakaalam ko, may klase din yun. Mabuti na rin at hindi niya ako sinundan, hindi ako mahihirapang iwasan siya.
"Wala yun, parte ng performance," kunwari hindi affected kong sagot. Nakangiti. Kinukumbinsi ko ang sarili ko na parte yun ng performance kahit alam kong hindi!
"Pumayag ka?" Hindi siya makapaniwala.
"Wala nga lang yun," ulit ko. Nandoon pa rin ang sasakyan ni Bryce sa kung saan siya palaging nagpapark. Sa tuwing hinahatid niya ako ay dito lang kami sa parking lot nagkikita dahil mas unang natatapos ang klase ko. May spare key ako kaya sa loob ako ng sasakyan naghihintay. "Pasok na ako," paalam ko kay Ralph na tumango lang at dumiretso sa sasakyan niya. Doon ako nag-isip. Walang kasalanan si Bryce. Hindi niya iyon ginusto. Paulit-ulit kong tinatak sa utak ko. After 30 minutes pa yun pupunta dito dahil ganoong oras natatapos ang klase niya. Nag-open lang muna ako ng facebook. Nililibang ang sarili ko. Nagpop up ang message ni Paulo.
Paulo Burgos sent a photo.
Binuksan ko iyon at nakita ang pangyayari kanina. Ang bilis naman talagang kumalat ng balita. Nagsend siya ng picture na hinalikan ni Lea si Bryce.
Paulo Burgos:
You were there?
Chat niya.
Quishanette Yap:
Oo, alam ko na yan.
Paulo Burgos:
Wag kang magalit kay Bryce. Hindi niya sadya yun. Kita mo namang nagulat din siya. Nagulat din kami actually. We've been friends with Lea for so long.
Quishanette Yap:
Hindi naman ako galit.
Deny ko.
Paulo Burgos sent a photo.
Inopen ko iyon at isang litrato iyong nagpapakita na inakbayan niya si Lea na parang lasing. Tiningnan ko ang damit ni Bryce. Suot niya ito noong nakaraan!
Quishanette Yap:
Kelan to?
Paulo Burgos:
Noong nakaraan ata. Akala ko alam mo. Lasing si Lea noong practice nila. Hindi mo alam?
Paulo Burgos unsent a message. Niremove niya ang picture. Kinakabahan akong nagtatype.
Quishanette Yap:
I didn't know.
Tanging naireply ko. Kumakalabog ang dibdib ko. Bakit naglilihim si Bryce sa akin?
Paulo Burgos:
Sorry, akala ko lang alam mo.
Kinakabahan ako, siguro dahil alam kong nagsinungaling si Bryce sa akin. Hindi ko na nireplayan si Paulo nang naaninag na palapit na si Bryce sa kanyang sasakyan. Nasa backseat ako naupo. Nakita kong problemado ang mukha niya na panay ang lingon sa likuran kung may nakasunod ba. Hinihintay ang kung sino. Nang natapat na siya sa sasakyan ay huminto siya at sumandal sa pintuan habang pinaglalaruan ang labi, bagay na ginagawa niya sa tuwing kabado siya. Sinapo niya ang kanyang noo at paulit-ulit na pinisil ito. Pinagmamasdan ko lang siya galing sa loob. Hindi ko alam bakit nananatili pa siya sa labas, gumaan ang pakiramdam ko nang naisip na baka hinihintay niya ako at hindi alam na narito na ako sa loob. May chats na siya kanina na hindi ko pinansin dahil mas nauna kong basahin ang chats ni Paulo. Ngingiti na sana ako nang naaninag ang isang babaeng palapit sa sasakyan niya, bahagya siyang umayos sa pagtayo at sinalubong ang ngiting-ngiting si Lea. Kumunot muli ang noo ko. Kinukurot ang dibdib ko sa nakikita. Masakit makitang may ibang hinihintay ang boyfriend mo. Sinalubong niya ito at agad na hinawakan ang palapulsuhan. Naiinis ako. Ako lang dapat ang hinahawakan niya, wala ng iba pa. May sinabi siya dito dahilan ng pagkapawi ng ngiti ni Lea. Agad niyang binuksan ang driver's seat ngunit hindi pa man naisarado ay patakbong umikot si Lea sa shotgun seat at doon umupo. Padabog na sinarado ni Bryce ang pinto sa gilid niya at marahas na hinarap si Lea na ngiting-ngiti.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
General FictionMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...