Chapter 5

24 13 0
                                    

Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Nahihiya ako na ewan. Am I capable of doing that? Never in my life did I imagine being that wild, and to someone whom I don't have a romantic relationship with. Worst.

Maya-maya ay gumalaw siya at tumayo. Nakaupo pa ako, naglahad siya ng kamay at tinanggap ko iyon. Napatayo ako. Now that we're sober from the heat kissing scene kanina, I feel embarrassed. Niyakap niya ako nang mahigpit. Mahigpit pero maluwang. Alam niyo yun? Yung mahigpit pero hindi masakit. Niyakap ko rin siya pabalik. Habang nakayakap siya sa akin ay ramdam ko ang pintig ng puso ko. It has been beating loudly. I tried to ignore it whenever he's around pero ngayon, I can now clearly feel it.

"Happy Birthday," mahina niyang bati. Kumalas siya sa yakap at hinarap ako. Inayos niya ang suot kong nalukot sa nangyari. It is slightly showing my cleavage kaya agad ko itong inayos. Dinampi niya ang kanyang labi sa aking pisngi. Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya.

"You're not doing anything naughty, again." Mahinang bulong niya sa tainga ko. Hindi ako nakapagsalita. Hinarap niya ako ulit at nginitian.

"Baka hinahanap na tayo," sabi niya. Parang doon pa lang ako natauhan. Oo nga pala, hindi kami nag-iisa.

"Didiretso na ako sa kwarto. I-ikaw nalang and bumalik sa living room. Pakisabi na rin kay Paulo na masama ang pakiramdam ko." Natataranta kong sinabi.

"Calm down, we can---"

"No! Ano nalang ang iisipin nila pag nakitang sabay tayong bumalik?" Naiinis kong putol sa kanya. Bahagya pa siyang natawa sa reaksyon ko.

"Calm down. You look so cute when you're uneasy." Natatawa niyang sabi.

"Tigilan mo nga ang kakatawa. Kanina ka pa! Basta, mauuna ako at didiretso ako sa taas. Wag na wag mong sabihin na magkasama tayo!" Banta ko sa kanya bago siya mabilis na tinalikuran. Narinig ko ang pagtawa niya sa likod kaya naiinis akong bumaling sa kanya.

"Ano na naman ba? Bat ka tumatatawa?" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

"Your lipstick is ruined. Mahahalata ka niyan," natatawa niyang sabi. Bumalik ako sa harapan niya.

"May handkerchief ka? Ipapampunas ko lang. Nakakainis naman eh," naaasar kong sinabi. Umiiling siya habang tumatawa.

"Wala pero may alam ako para maayos yan," ngiti niya. Bago pa ako makapagtanong kung ano ay mabilis niyang inangkin ang labi ko at dinilaan ito.

"Yan, okay na." Natatawa niyang sambit.

"Chansing ka naman eh!" Hinampas ko ang dibdib niya. Nakita kong bahagyang pumula ang mapupula na niyang labi dahil sa lipstick ko.

"Oh my! Na-transfer sa lips mo. Mas mahahalata tayo," namomroblema kong sabi.

"That's okay, I want it this way," nginitian niya ako. Isinenyas niya na na mauna na ako. Tumalikod ako kaagad.

"Chat me," pahabol niyang sinabi. Tinanguan ko lang siya kahit na nakatalikod na ako. Pumasok ako sa bahay at dahan-dahang umakyat sa hagdanan. Busy pa ata sila o hindi pa natatapos ang movie sa living room. Sa last stairs ay tinakbo ko ang pintuan ng kwarto ko. Mabilis ang pintig ng puso ko nang nakarating ako sa loob ng kwarto. Dumiretso ako sa vanity mirror ko at tinitigan ang sarili. Pulang-pula ang mukha ko, mabuti nalang talaga at gabi. Mas halata ito kapag umaga. Hindi pa ako nagdadalawang minuto sa loob ay tumunog ang phone ko.

Bryce Alleo Lim:

We're going home.

Mabilis akong pumunta sa kama at humiga. Nakangiti.

Quishanette Yap:

Take care.

Namumula ako nang nai-send ko iyon.

Embracing the Cold Where stories live. Discover now