"It has always been you..." napapaos niyang sinabi. He's still crying. Nakapikit lang ako, trying to stop my tears.
I want to hug him so bad but I know I shouldn't. Mali to.. kawawa si Hailey. Hind pwede 'to. I've always been so selfish. I want it, I got it ako noon pero iba ngayon. Kahit gaano ko pa siya kamahal, alam kong hindi kami pupwede. I can't be the reason why another woman cries.
"Sorry.. magpahinga ka." Maya-maya ay sabi niya at nilapat ang palad sa noo ko. "You're still not okay." Dumilat ako at tiningnan siya habang iginiya ako para mahiga sa kama. Pinunasan niya rin ang luha sa pisngi ko. He's changed but he's still the same. Alam niyo yun? His touch is familiar. He's still the Bryce that I loved since I was 16.
"Please, umuwi ka na." Nasasaktan kong sinabi at nag-iwas ng tingin. I can't have someone I want lalo pa at may masasaktan.
"I can't leave you here, Quish." Sagot niya na nakaupo sa kama, patagilid para makausap ako. Nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay.
"Bryce, alam nating pareho na mali ito. May Hailey ka at ayokong may ibang babae ang nasasaktan dahil sa akin." Naiinis kong paliwanag sa kanya. Yumuko lang siya. "Kahit sabihin pa nating walang nagloko sa ating dalawa, na nagkahiwalay tayo dahil hindi natin pinakinggan ang isa't isa, wala pa ring magbabago. Hiwalay na tayo. Ex kita, may bago ka nang kinakausap kaya maawa ka naman.." naiiyak kong pagpapaintindi. Nag-angat siya ng tingin at nakita ko at kinagat ang pang-ibabang labi niya.
"Quish, alam kong mali pero ginamit ko lang si Hailey.." nagsisisi niyang sinabi.
"Wala na akong pakealam, Bryce. Kung nagkiss kayo, wala na ako dun. Kung nagsex kayo, wala na ako dun. Ang akin lang, hindi na tayo pupwede." Matigas kong sagot.
Bumuntong-hininga siya. "I know but I just want you to know that after all these years, I'm still into you. No matter where I go and what I do, you're still the one I think of. Hailey and I never had sex.." mahina niyang sinabi. Nag-iwas ako ng tingin. "About the marriage rumor, it was her who spread it. I already call it quits with her the moment I saw you crying in the cemetery. And we didn't even go together to the club that night. She was with her friends while I was.. well it sounds bad but I stalked you.. I asked Andrea about your whereabout that night." Mahabang paliwanag niya. Hindi na ako nagulat, not that I expected him to stalk me. I just know he always asked Andrea about me and the latter would gladly give my information.
"Still, hindi pa rin tayo pwede." Matigas kong sagot. Nang tapunan ko siya ng tingin ay tumango siya at malungkot na ngumiti.
"Pahinga ka na. Masyado kitang na-stress. Sa labas lang ako, mag-uusap din kami ni Anton." Sabi niya at saka tumayo. Inayos niya ang kumot ko. "I'm sorry.." puno ng emosyon niyang sinabi. Ngumiti siya at naglakad palabas ng kwarto ko. Sinundan ko lang siya ng tingin. Kahit nakalabas na ay nanatili ang paningin ko sa pinto. We used to be so inlove and we're still into each other, Bryce. Napangiti ako sa naisip at nalungkot at the same time. May masasaktan..
Tumayo ako at tiningnan ang dalawang magkaibang klase ng bulaklak na natanggap ko. I know now that it's from him. He would always do this. Kapag alam niyang galit ako, magpapadala siya ng bulaklak. Kapag wala ako sa mood, magpapadala siya ng bulaklak. He used to do this before. Siguro hindi ko rin inakala na galing sa kanya because we broke up. Kinuha ko ang phone at nakitang may message ito from unknown number.
Unknown number:
Hi, Quishannette. This is Hailey. Can we talk?
Where did she get my number? Hindi ko lang pinansin iyon. I don't have anything to do with her, with Bryce or with their relationship. Humiga ulit ako habang nag-iiscroll lang sa ig feeds. Bumukas ang pinto at si Bryce iyon. Inirapan ko siya nang magtama ang mga mata namin.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
General FictionMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...