Hindi pwedeng pumunta sina Anthony dito. Nasa hospital pa si Andrea. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya kaya mas lalo siyang napangisi. Demonyo.
"Kung sineswerte ka nga naman. Biruin mo, yung anak ko pa mismo ang nakapagsabi na may isa pa palang Yap? Tsk, tsk, Paulo," kinakalma ko ang sarili ko. Think, Quish. Aagawin ang baril. Pero paano?
"Magkwentuhan muna tayo habang inaantay natin ang mga pinsan mo." Nakangisi niyang sinabi.
"Bakit?" Naiiyak kong tanong. Huwag si Andrea. Huwag si Anthony. Ako nalang. Kahit ako lang..
Nagkibit-balikat siya. "Trip ko lang. Sakim kasi ang pamilya mo kaya pinapatay ko sila."
"Tungkol ba ito sa kabit mo?!" Umiiyak kong tanong. "Bakit mo kami dinamay? Kasalanan mo iyon!" Naiiyak kong sinabi.
Demonyo siyang tumawa. "Kabit? You really fell for that? Hindi si Lim ang puntirya ko kundi kayo mismo, Yap. Bakit? Sakim kayo. Yun lang ang rason. Wala akong pake sa kung nahuli ako ng asawa ko dahil kina Lim, that's the least of my concern." Natatawa niyang saad. "Iyon lang. 15 minutes nalang at dadating na ang mga pinsan mo. Any last words?"
"Mamatay ka na." Galit kong utas na tinawanan lang niya. Pabalik-balik ang pagtingin niya sa relo para sa oras. At tuwing sumusulyap siya sa relo niya ay nag-iisip ako kung paano makatakas sa kanya, kung paano manakaw ang baril at kung paano ko siya mapatay ngunit kahit isang paraan ay wala akong naisip. Tila naging blangko ang utak ko.
"10 minutes," paalala niya. Kailangan kong tingnan ang cellphone ko pero hindi pwede. Nanginginig ako. Takot na takot ako para sa mga pinsan ko. Lord.. alam kong hindi ako naging mabuting tao pero please last na po ito. Tulungan niyo po ako.. kahit wag na ako, kahit si Andrea at Anthony nalang..
"8 minutes,"
Bawat segundo ay importante. Nakatingin lang ako sa kanya at ganon din siya sa akin habang tutok ang baril sa akin. Sana hindi pupunta sina Andrea.
Nawalan ako ng pag-asa nang marinig ang tunog ng sasakyan hudyat na may bagong dating. Napangisi si Burgos pero hindi niya nilingon ang bagong dating, tutok na tutok siya sa akin na parang kahit isang segunda lang ay makakatakas ako.
"Oopss, sooner than expected." Tatawa-tawa siya nang ipaalala iyon. Pinagpawisan ako ng malamig. Nanginginig ang dalawang kamay ko, pati ang tuhod. Hindi na ako makatayo ng maayos. Napapikit nalang ako at pilit na tinanggap na hanggang dito nalang.
Kessi.. Nasha.. Pau.. Ton.. Andrea..
Bryce.. Bryce.. Bryce..
Naiiyak ako. This can't be. Hindi pwedeng ito ang magiging dahilan ng pagkamatay ko..
Dumilat ako kahit patuloy na tumutulo ang luha ko. Napansin kong tila balisa si Burgos at hindi na sa akin ang titig niya ngunit nakatutok pa rin sa akin ang baril, nakatitig siya sa paparating kaya nilingon ko rin iyon. Hindi ko maaninag kung sino dahil wala masyadong ilaw pero ang naaninag ko ay isang lalaki na pasimpleng naglalakad palapit sa amin. Hindi siya si Anthony! Nabuhayan ako ng loob nang malamang hindi si Anthony ang dumating o si Andrea kaya kahit sobra ang kaba ko ay dahan-dahan akong umatras. May puno hindi kalayuan dito sa kinatatayuan namin. Patalikod akong humakbang habang si Burgos ay inaaninag ang taong papalapit.
Nang nilingon ako ni Burgos ay kumaripas ako ng takbo palapit sa malaking puno at doon nagtago. Narinig ko ang pagputok ng baril na dala niya. Muntikan na ako doon. Sa gilid ko dumaan ang bala, ramdam na ramdam ko at nabibingi ako. Wala akong narinig kundi ang putok ng baril na nag-echo sa tainga ko. Sobrang sakit. Napaupo ako at nilagay ang magkabilang kamay sa magkibalaan kong tainga. Pero kahit nasasaktan ay pinilit kong silipin ang demonyo at nakitang nakaluhod na ito at ang dalawang kamay ay nasa likod ng batok, hudyat ng pagsuko, kaharap niya ay si.. Findlay! Natutop ko ang bibig.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
Ficción GeneralMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...