"Happy Birthday again, Bre!" Bati ni Lea. Nasa swimming pool kami ngayon ng mga Lim. Nasa likod ito ng bahay nila, hindi kalakihan pero maganda at malinis. Wala kaming pool sa bahay kaya naman ay excited masyado si Andrea. Naka-one piece na black naman si Lea, kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan. Ang maputi at makinis niyang balat ay mas naging klaro.
Nakaka insecure naman ito. At dahil alam ni Mrs. Lim na hindi kami prepared, binigyan niya kami ng mga bikini at pati na rin si Anthony ay binigyan ng swimming trunk. Nakabihis na si Andrea ng pink two-piece bathing suit. Mas lalong tumingkad ang maputi niyang balat. Nakapagbihis na rin ako pero hindi ko pa tinatanggal ang white robe sa aking katawan. Nahihiya ako. I've never been insecure my whole life, ngayon pa lang ata because of the fact na nandito si Bryce. Parehas sila ng suot nina Paulo at Anthony. Walang pang-itaas, shorts lang. Hindi naman siya ganon ka-ma-abs pero halatang nag-ggym. Konting panahon pa at ang katawan niya na talaga ang tunay na depinisyon ng 'kanin nalang ang kulang'. Sakto lang ang kanyang katawan. Besides, he's only 17. Wait 'til he reaches his debut.
"Sige na, Quishanette! Hubarin mo na!" Sigaw ni Andrea. Nasa may gilid ng pool na siya, ang mga paa ay nakasawsaw sa tubig. Katabi niya si Brea na nakashorts at white bikini top. Sa harap nila ay si Lea na basang-basa na ang katawan. Nakatingin silang tatlo sa akin na nakatayo pa galing sa bathroom. Nasa ibang banda naman ang mga lalake, may mga sariling mundo. Pero yung isa, ako ata ang mundo. Char, bawal mag-assume. Makatitig kasi parang hinuhubaran na ako. Hindi pa nga niya nakikita ang katawan ko ay titig mapanghusga na ang ipinupukol.
"Sandali lang Andrea," naiinis kong sagot sa kanya. Kanina pa kasi niya ako pinipilit sa loob ng bathroom na wag nang magroba. Eh kung siya ganon na kakapal ang mukha pwes ako hindi pa 'no. We'll get there. Confident naman talaga ako, kapag wala nga lang si Bryce. Dahan-dahan akong lumapit sa lamesa kung nasaan ang mga snacks namin. Dahan-dahan kong hinubad ang roba, ngayon ay nakatwo-piece black bikini na ako. Nilugay ko ang buhok kong medyo wavy. Naglakad na ako palapit sa mga babae. Narinig ko namang sumipol si Paulo, tiningnan ko lang siya at inirapan.
"Hi Ate! I like your body," nakangiting komento ni Brea. Nahihiya akong umupo sa tabi niya.
"Sabi sayo, Bre eh." Nagyayabang na sinabi ni Andrea at kinindatan ako. Inirapan ko lang siya.
"Bumalik na ang masungit side niya, Bre." Natatawa si Andrea.
"You're backstabbing me, Andrea." Sabi ko.
"Hoy hindi ah. Backstab ba yun? Ang alam ko, betrayal yung backstab eh. Hindi naman kita bini-betray," paliwanag ng pinsan kong makadaldal parang walang bukas.
"She told me you have a bitch side, Ate which you're trying to get rid of. But she also told me na sobrang misteryoso mo raw kaya gusto ka niya. Gusto ka niyang maging Ate," nakangiti si Brea. Nginitian ko lang siya.
"My Mother died when I was young, Bre. I don't have that much memory of her. Siguro dahil dun, naging mas mapag-isa ako. Naging maldita ako. I mean, desisyon ko naman ang maging mapag-isa. Lola and Lolo used to spoil me. And I don't get along with Andrea because she's so madaldal," natatawang kwento ko kay Brea. Tumawa rin siya at sumang-ayon.
"I'm sorry to hear about your Mother, Ate. But you're right, Ate Andrea is so madaldal." Nagtawanan lang kami. Umangal naman si Andrea and explained her side na pabiro naming hindi pinakinggan. Nagkwento rin ako sa kanila tungkol sa mga pinagkakaabalahan ko sa kwarto. Naimpress si Andrea dahil kahit pinsan ko siya ay ngayon niya lang nalaman. Sinabi kong pagsusulat ang pinagkakaabalahan ko sa loob ng kwarto.
Nahagip ng paningin ko si Lea at Bryce na nag-uusap, sila lang dalawa dahil ang dalawang lalake ay bumalik sa lamesa para kumain. Nasa madilim na parte sila ng pool, may kalayuan sa kung nasaan kami nakaupo. Nakalubog ang dalawang binti ni Bryce, nasa harapan niya naman si Lea. Lumalangoy. Tahimik ang kanilang pag-uusap base na rin sa kibot ng mga labi nila. Napanguso si Lea. Hindi ko matagalan ang tanawing iyon kaya dahan-dahan akong bumaba at nilunod ang katawan sa mainit na tubig ng pool.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
General FictionMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...