Chapter 35

8 0 0
                                    

Umalis ako ng cafe at dumiretso sa hospital. Naabutan ko si Andrea na may binabasang kung ano habang nakaangat ang hospital bed niya, bilang suporta para makaupo siya.

"What is that?" Gulat kong tanong. I don't want her to do things that would involve force. Gusto kong magpahinga siya.

Ibinaling niya ang paningin sa akin at ibinalik ulit sa binabasa.

"Financial reports," sagot niya. Lumapit ako sa kanya at kinuha galing sa kanya ang dokumentong binabasa.

Nagulat siya sa inasta ko.

"What did I say, Andrea?" Naiinis kong tanong sa kanya at ipinasa kay Anthony ang dokumento. "And you, Anthony, I said let her rest." May diing sinabi ko sa pinsan kong lalake.

Tinawanan ako ni Anthony at umiling, hudyat ng pagsuko.

"Your cousin is so hard-headed, Quish." Natatawang komento ni Anthony. Ibinalik ko ang paningin kay Andrea.

"What? Gusto ko lang malaman ang nangyayari sa kompanya," mabilis na rason ni Andrea. Hinilot ko ang sentido ko.

"I know. If you really want to work as soon as possible, you better rest." Medyo galit kong sinabi. Ngumuso siya at tumango.

"Kumain ka na?" Kalmado kong tanong sa kanya.

"I don't like hospital foods," reklamo ni Andrea.

"What do you want then?" Tanong ko.

"Anything basta hindi hospital food." Sagot niya. Nilingon ko si Anthony para ipaalam na ipagbili niya ng pagkain si Andrea. Tumango ang lalake at lumabas ng room.

"Where's your nurse?" Tanong ko kay Andrea.

"I asked her to eat her food first. Pumayag siya since dumating naman si Anthony," paliwanag niya.

Tumango ako habang kinukuha ang financial report. Tahimik ko itong nilagay sa table. Bumalik ako sa tabi ni Andrea.

"Please rest," sabi ko. Napanguso siya at nag-iwas ng tingin sa akin.

"I'm sorry.." maya-maya ay sabi ko. Napalingon siya sa akin, nagtataka ang mukha. "I'm sorry I thought ill of you.." mahina kong sinabi. Narinig kong natawa siya nang mahina kaya nilingon ko ulit siya.

"That's how I wanted you to react, Quish." Sagot niya. "We did everything we could para malayo ka sa amin and we meant it, I mean it so you can be protected." Dugtong niya.
Hindi ko alam pero kusang tumulo ang luha ko. All this time, my safety is all her concern pero nagawa ko pa ring pag isipan siya nang masama.

"Thank you.." tanging nasabi ko, umiiyak. Gumalaw siya at nilapit ang katawan sa akin.

"Don't move." I said. Natawa siya.

"Hug me, I can't come near you because of this thing," sabi niya at tinuro ang dextrose. Nilapitan ko siya para mayakap.

"You knew I love you, Quish.." sabi niya habang yakap ako. Tahimik akong naiyak pa rin.

"Please, if may problema, sabihan niyo ako. I also want to get involved." naiiyak kong sabi.

"For sure, we just had to keep it secret dahil sa kalaban. Ngayong natututukan na ang kaso, we'll tell you everything." Kumalas siya sa yakap nang sabihin iyon. Tango ang naisagot ko at pinunasan ang luha.

Marami kaming pinag-usapan. Lahat iyon ay tungkol sa buhay namin simula nang kinuha ang mga mahal namin sa buhay hanggang sa umabot ang pinag-usapan namin sa kung paano kami nagkahiwalay ni Bryce.

"You really think mahal ko siya?" Natatawa niyang tanong. Hindi makapaniwala sa sinabi ko na akala ko may relasyon sila ni Bryce.

"Sorry.." nahihiya kong pag-amin.

Embracing the Cold Where stories live. Discover now